Entry 2

50 1 3
                                    

Dear diary,

           Nandito kami sa isang restaurant diary.Nag-aya kasing kumain si Maam Samantha, tatanggi na sana ako kanina kaya lang biglang tumunog na yung tiyan ko kaya ayon, wala na kong nagawa. T>T Yung salbaheng bata, umuwi na, baka daw mahawa siya sa kapangitan ko.Nakakapikon na talaga ang batang yun, gigil na gigil na nga akong sapakin sya. Naku!Naku. Pasalamat sya mabait ang nanay nya. 

Ang totoo nyan diary, hindi naman ako panget, maganda ako diary.

.

.

.

.

Ano? Nakakatawa buh? Tumawa ka diary, nagjojoke ako.Haha! Eksdi ( xD ) Hmmm. Pano ko ba idedescribe ang sarili ko.Ahhhmm, nakaipit lagi yung buhok ko, pano ba naman kasi, yung buhok ko parang buhay ko, magulo! Pero at least wala akong kuto. Chos! Eksdi. Tapos yung balat ko, maitim, di naman yung super maitim na talaga na madedefine na talaga yung color BLACK. Hindi naman ako igorot. Morena lang yung balat ko diary.

.

.

.

JOKKEEEE ULIITT! Eksdi. Medyo maitim lang talaga ako diary ( pero magmumukha talagang uling kapag kasing puti ni Maam Samantha ang kasama ko) , bestfriend kasi kami ni haring araw.Alam mo na, trabaho there, trabaho here, trabaho everywhere. Tas yung mukha ko? Hmmm. Wala akong pimples katulad ni eya pero oily lage ang mukha ko.Kaya in case man na magpiprito ka diary, just call my name and I'll be there.

" So Aly, bakit nga pala may dala-dala kang bag? May pupuntahan ka ba? " - Maam Samantha. Bakit ganon diary? Kahit saang anggulo ang ganda niya, pati way ng pagkakakain nya, elegante. *U*

" Ah, mga damit po ang laman ng bag ko, pinalayas po kasi ako ni Tiya sa bahay." sagot ko sa kanya habang nilalantakan yung pagkain ko.Alam mo bang super duper sarap nitong kinakain ko diary? Syempre di mo talaga alam, papel ka lang eh! Kaya mainggit ka. Bwahahahaha! 

Ewan ko nga lang kung anong pangalan nito, nakakabuhol kasi ang pronountion. Tas ang mahal mahal pa, halatang mga mayayaman lang kumakain. Akalain mong nakatikim ang dukhang tulad ko sa pagkaing ito? Hohoho. 

" Talaga? Bakit ka naman pinalayas? " Ikinuwento ko kay Ma'am Samantha ang nangyari kanina, at pati na rin pang aalipusta at paghihirap ko sa kamay ni Tiya. Ganyan kalaki ang kamay ni Tiya, pati ako nagkasya. HAHAHA 

" Grabe! Hindi nya dapat yun ginawa. Nasan ba ang mga magulang mo? Bakit nila pinapabayaang manirahan ka sa Tiya mo? " 

" Wala po akong kapatid, sina Inay at Itay naman, matagal na silang patay. " ngumiti ako sa kanya. " Tsaka, wala naman po akong choice eh, kay Tiya po kasi ako napunta. Wala naman akong ibang kakilalang kamag-anak kaya kahit papano may utang na loob pa rin ako kay Tiya dahil sa pagkupkop nya saken. Yun nga lang ako yung nagtatrabaho para makakain kami. Puro sugal kasi ang inaatupag ni Tiya kaya wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko .  " Paliwanag ko kay Ma'am Samantha. 

" Sorry for that." 

" Naku, okay lang po Ma'am, tsaka wala na saken yun. Medyo nagpapasalamat na din ako sa nangyari dahil kay Tiya natuto na kong tumayo sa sarili kong mga paa at mamuhay ng sariling sikap ." Chos naman! Ang drama ko na ata diary.  

 T-teka, ba't umiiyak na tong si Ma'am Samantha? 

" Maam? Okay ka lang po ba? " tanong ko sa kanya, nabilaukan kaya siya? o kaya naman inaway mo diary!  Buang kang papel ka, lagot ka sakin pag ginawa mo yun.Susunugin talaga kita. 

"  W-wala, okay lang. Nadala lang siguro ako sa storya mo Aly. Sobrang pait pala ng pinagdaanan mo. " pinunasan niya yung mga luha niya. " Dont worry, I'll help you. Total wala ka pa naman matutuluyan diba?You can stay in our house."

" Naku! Wag na po. Masyadong nakakahiya, kakakilala palang po natin. Tsaka.  "

" I won't take no for an answer Aly. I know naman na mabait at mapagkakatiwalaan kang tao." T>T DIARY, she is ........................ ano nga ba ang english ng mabait? ... ahmmmm,......................bitter tama, bitter. She is so bitter diary. Huhu! Napapaenglish tuloy ako. 

" Another thing, nag-aaral ka pa ba? " tanong niya.

" Nakapagtapos na po ako ng highschool, kaya lang wala pa po akong ipon para makapagcollege." Pano ba kasi diary no? Si Tiya, minsan ninanakaw pa yung ipon ko. Pero di bale, maghahanap ako ng trabaho para makapasok ngayong taon. Ang mahal mahal pa naman ng tuition. Kung matalino lang sana ako, baka nakahanap na ko ng schoolarship, kaya lang, haaaay. Nevermind diary. 

" Okay, ano bang course ang gusto mo? " tanong uli niya. Napapansin kong nagiging question and answer na tong pag-uusap namin diary. Para tuloy akong artista nito. FEELS! Eksdi.

" Hotel and Restaurant Management  po pero.... " 

" Okay,ako ng bahala sa lahat.Dun ka na mag-aral sa school na pinapasukan ng anak ko. Magkaedad lang din kayo nun." 

" POOOOO? P-pero sobra sobra na po yung tulong nyo ma'am. Saka... "

" No buts! Aly, look, i just want to help you. Isipin mo na lang blessings na to sayo ni God kasi independent kang tao. Tch, masamang tanggihan ang grasya Aly.  "

Hmmm.Oo nga naman. Ano sa tingin mo diary?  Di naman siguro masama kung tanggapin ko yung offer niya diba? Saka  wala rin naman akong matutuluyan ngayon. Gumagabi na rin kasi. 

" S-sige na nga po, pero po babayaran ko po kayo.Promise po! Pag nakahanap na po ako ng trabaho. Kahit paunti-unti lang po. Saka pagnakahanap na rin po ako ng matitirhan, lilipat din po ako agad swear! Salamat po talaga.Salamat " 

" Haaay, pwede mo namang di na bayaran, pero kung yan gusto mo, Fine.. " ngiti niyang sabi. 

" Salamat po , salamat po talaga maam Samantha. Sobrang bait nyo po, sana po kunin na kayo ni Lord. " hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumayo na ko saka mangiyak-ngiyak na yumakap kay maam. Napakabait nya talagan diary. Kahit di pa niya ko ganon ka kilala tinulungan niya ako. Lord, kayo na po ang bahala sa kanya.

Napansin kong napalunok bigla si ma'am. Bakit kaya? Hmmm.

" He-he, nakakatuwa ka naman.Tsaka tama na ang pasasalamat okay?" Kumalas siya sa yakap ko saka ngumiti, " Wag mo nakong tawaging Maam, Tita na lang. Let's go?" aya nito. 

Tumango ako sa kanya, at kinuha na rin ang mga gamit ko. Tara na diary! :)

May matitirhan na,

- Aly <3 

Diary ng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon