Mian's POV
Ng magkaroon kami ng pagkakataon na bumaba ng hagdan ay ganoon din ang iba naming kaklase baba na sana kami kaso pinauna namin sila,pero sa hinding inaasahang pagkakataon nabagsakan sila ng malaking chandelier dahilan para madagan sila nito,hanggang sa mawalan ng malay.
"Di tayo,maaring dumaan dito" sabi sakin ni Shean,tumango na lang ako.
Ng makakita sya ng bukas na bintana,dali dali nya akong hinatak papunta doon.
Para makatawid sa kabila,ng makatawid na sya bumungad samin si Nathan.
Parang handa nya na akong saksakin,kaya hinila ako agad ni Shean.
Ng bigla nyang sinaksak sa hangin ang kutsilyo,nalaglag sya mula doon,may kataasan rin kasi kung nasaan kami ngayon.
"Wala ang ang kaibigan mo" malungkot kong sabi kay Shean.
Nakayuko lang sya "Umalis na tayo dito".
"Pero pa---" naputol ang pagsasalita ko ng may marinig kaming malakas na tawang papalapit samin.
"Nakakatawa naman kayong tignan!" Parang pamilyar ang boses nya di kale si Lara ito?
Ng makita na namin ang mukha nya, di nga ko nagkamali si Lara nga may hawak- hawak syang kutsilyo.
"Kasalanan mo toMian" dugtong nya at dali daling lumapit papunta sa dereksyon namin.
Ng makalapit na sya samin,pumunta sa harapan ko si Shean,at napatigil naman si Lara sa balak nyang gawin.
"Wag kang makialam dito" galit nyang tingin kay Shean.
Nakatahimik lang si Shean,pero bakas sa mukha nya ang tinding galit.
Hinila nya ko, papaalis para makalayo kay Lara pero pilit parin kaming hinahabol nito.
Ng medyo malayo na kami sa kanya, napatigil muna kami hanggang sa..
"Tatakbo nalang ba kayo?!" Sabay tawa nya.
Nasa harapan namin sya ngayon, di ko alam natatakot ako kasi ilang sandali lang ay pwede nya ng saksakin ang isa saamin.
Ng malapit na sya saamin,sasaksaksakin na sana si Shean ng matamaan ng malakas na kidlat ang malaking salamin na nakatapat sa kanya,dahilan para mabasag ito.
At tumusok sa katawan nya,di ko kayang tignan ang nangyari sa kanya.
Pati si Shean ay di makapaniwala sa nangyari,pero ano pa bang nagagawa namin patay na sya.
Tumakbo na lang kami papalabas ng bahay,at bumungan samin ang ilan naming kaklaseng duguan bukod kay Anika.
Ng makita kami ni Anika,agad syang lumapit samin"Mabuti at ligtas kayo" sabi nya saamin.
Tumango nalang ako..
Dito na ba nagtatapos ang lahat??
BINABASA MO ANG
Class 2-9:AIKA(COMPLETED)
Mystery / ThrillerTungkol ito sa babaeng nagngangalang Mian, transferee sa isang school, mababago ba ang buhay nya ng makilala nya si Aika?