Eto ako ngayon nag te-taping para sa bago naming Teleserye ng aking bobong loveteam hayyys! Alam niyo bat tinawag ko siyang bobo? Pano ba naman ang role niya dito ay tao tapos nag aasal aso siya haaays.
So eto na nga tinawag na kami ni direk para sa susunod na scene namin ng may sumigaw...
"Maria Alysson Carryl! Gumising ka na tanghali na naglalaway ka pa! Aba hirap na hirap na ko kaka trabaho dito habang ikaw naglalaway at naghihilik ka pang gaga kaaa! Hali ka dito at tulungan mo ako!"
"Pa alam niyo pa epal kayo di naman kayo gwapo! Masyado kayo! Yang bang pag rarap niyo eh kinagwapo niyo?!"
"Aba tarantado kang bata ka anong sabi mooo?!!"
"Wala pa sabi ko Tooth brush naman kayo baho ng hininga niyo" - pabulong na lang yung huli kong sinabi baka ilublub ako ng tatay ko.
Ay dami kong dada di pa pala ko nakapag pakilala. Ako si Maria Alysson Carryl Atienza nakatira sa mumunti naming kubo 16 years old pangarap ko maging artsita.
Bata palang ako pangarap ko na talaga mag artista kaso syempre hindi ko matupad tupad dahil malayo kami sa Maynila. Kung di niyo naitatanong wag niyo ng tanungin charit! Kung di niyo naitatanong e promdi ako.
Para sakin mas maganda ang buhay sa Probinsya dahil may sariwang hangin eh sa Maynila bulok na hangin na ang meron at puro krimen pa haaays mga tae este tao talaga!
Pero wag kayo! Kahit ginganyan ko ang Maynila ay gusto kong makarating jan para lang matupad ang pinapangarap ko.
"Karel!!!"-Tatay
"Ay bayag mo!"-Bastos tong tatay ko ah
"Anong sabi mo!!?"-Tatay
"Tay ano ba! Binubulungan ba kayo ni San pedro at kung ano-ano pinag sasabi niyo e wala naman akong sinasabi" palusot ko.
"Naku baka nga! Hayaan na di pa naman ako nag tutuli"Dugyut din tung tatay ko eh! Ganyan talaga kami mag usap ng tatay ko para lang kaming mag magkaibigan,hindi nahihiya sa isa't isa dahil kami na nga lang dalawa mag hiyaan pa ba kami sa bahay namin diba? Ano pa bata lang si tatay ganon? Kaloka!
Haaays makapag trabaho na nga dito sa bahay at baka mahambalos ko tatay ko! Chariiit chariiit lang!
Ayoko sa lahat yung ganitong naglilinis ako e! Pano ba namang di ka maiinis artista ko tapos pinag lilinis lang aketch ng fatherness ko my goodness! I hate des! Darnaaa!
Habang naglilinis ako ng aming mansyon napatulala ako sa sobrang ganda ko joke,napatulala ako habang iniisip kung paano ko kaya matutupad ang pangarap ko?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko tulad ng 'Matutupad ko pa kaya pangarap ko? Paano ko ba matutupad ang pangarap ko? May tutulong ba saken para matupad ko ito?' Ang daming tanong sa isip ko pero di ko masagot dahil wala akong pag pililian kahit man lang sana all of the above at none of the above diba mga readers?
Habag ako'y naglilinis ay andaming nagkakagulo sa labas ng aming bahay at hindi ko alam kung baket! mga punyetang chismosang kapitbahay ito! Gusto ko sana isagaw na 'HOY ANDITO YUNG ARTISTA MGA BOBO!' Kaso tinatamad ako kaya wag nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/109583541-288-k46623.jpg)
YOU ARE READING
The Manila Boy (On Going)
Teen FictionSi Alysson ay isang babaeng promdi at may makikilalang lalaki na Taga Maynila alamin ang mangyayari sa lovestory ng dalawa.