Carryl's POV'
Bwiset talaga tong Luke na to! Gawin ba naman akong alalay,arrrrgh nakakainis!
"Anak pinagdadabugan mo ba ko?"-tatay
"Huh? Tay hindi. ano k-kasi naiinis ako"
"Bakit dahil ba inuutusan kitang maglinis ng bahay? Aba kababae mong tao napakatamad mo."
"Hindi po yun tay,si luke po kasi nakakainis"
"Bakit ano nanaman nangyari? Nag away nanaman ba kayo?"
Sasabihin ko bang ginawa akong alalay ni luke. Pero kapag sinabi ko ang totoo tatanungin niya ako kung bakit ako naging alalay ni luke.
"Aaaaaaaa! Ayoko na!"
"Ay sta marya purisima!"-tatay
"Sorry po tay"
"Ano bang nangyayari sayong bata ka ha?!"
"Wala po tay."
"Anak umamin ka nga,nag shashabu ka ba?"
"Ano baaa tay!"
"Hahaha biro lang anak,sige na maglinis ka na jan"
"Paepal"
"May sinasabi ka anak?"
"Wala hoooo tay!"
Palibhasa siya ragbi sinisinhot niya eh.
*text message*
From: Demonyong Luke
*linisin mo bahay ko ASAP*
To: Demonyong Luke
*naglilinis pa ko ng bahay namin wag kang atat*
Sent!
*text message*
From: Demonyong Luke
*PAG SINABI KO SINABI KO!!*
Arrrrgh bibinggo na talaga sakin to namumuro na!
Sinigawan ko siya dahil alam ko naman na maririnig niya ko.
"HOY DEMONYONG LUKE DIBA SINABI KO NA SAYONG NAGLILINIS DIN AKO DITO SA BAHAY NAMIN BAKIT BA ANG BOBO MO AT DI MO MAINTINDIHAN YUN?!!!"
*riiiiiing* *riiiing*
*Calling demonyong luke*
"Ano ba--"
"Madali naman akong kausap eh,sige pupunta na lang ako jan sa bahay niyo at kakausapin ang tatay mo para sabihin na--"
"Eto na naglalakad na, di ka mabiro hehehehe fuck you" pabulong na lang yung huli kong sinabi.
*tooot*
Buti nalang di niya narinig haha. Nagtataka siguro kayo kung paano niya nakuha ang number ko.
*Flashback*
"Kukunin ko number mo" - luke
"Ayoko kitang ka text mate"
"Hindi ko kukunin number mo para lang maka text mate ka."
"So ayoko kitang ka call mate!"
"Pwede ba! Kukunin ko number mo para kapag may iiutos ako sayo i tetext ko nalang."
"O ayan. Jan naman kayo magaling na mga lalaki eh. Kilala niyo lang kami kapag may kailangan kayo" tsaka ko inabot sakanya ang cellphone ko,at nagkunwaring nasasaktan.
"Shut up! Di mo bagay"
Ginaya ko lang din ang sinabi niya sakin para asarin siya,kaso waepek.
"Oh ayan nilagay ko na din jan ang number ko para pag nagtext ako sayo hindi mo na ko tatanungin ng 'hu u',dahil ayoko ng mahabang usapan. Na get mo?"
"Eh ano pang ginagawa mo sa harap ko kung ayaw mo pala ng mahabang usapan?"
"Tama ka. Ano pang ginagawa ko at kinakausap ko pa ang isang tulad mong chanak?"
*End of flashback*
Oh diba ang kapal ng fez para sabihan ako ng ganon bwiset talaga.
"Ano ba alysson aayusin mo ba yang ginagawa mo o sasabihin ko ang totoo sa tatay mo?"
"Ano ka ba inaayos ko kaya"
Luke's POV'
Hahahaha this is it bwisit. Magagamit na kita ngayon bwahahaha.
"Pa meryendahin mo naman ako"-alysson
Tinignan ko siya at natulala ako ng makita ko siyang naka pout. Hindi ko alan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
At naguguluhan din ako kung bakit ko ba siya tinatawag na alysson. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit yun ang gusto ko na itawag sakanya,para kasing ang sarap sa pakiramdam na ako lang ang tumatwag saknya ng ganong pangalan.
"Ano tutungangaan mo na lang ba ang maganda kong mukha?"
"Damn you. Tinitigan lang kita dahil ang dumi mong tignan."
"Malamang pinaglilinis mo ko dito tapos sasabihin ko sakin na ang dumi kong tignan,tska teka nga tinititigan mo ko?"
O_____O
"H-ha? A-ako? Tsss s-syempre kadiri ka kasing tignan sa itsura mo ngayon hahaha feeling mo naman nagagandahan ako sayo porket tinitignan kita,mangarap ka yang itsura mong yan pangkatulong lang yan sa maynila."
Binalibag niya ang hawak niyang pamunas at "Oo promdi ako, hindi ako kasing puti at kasing kinis ng mga babae mo pero hindi mo kailangan ipagdikdikan sa mukha ko na kaming probinsyana ay walang binatbat sa mga babae mo! Para sabihin ko sayo babae din ako nasasaktan!"
Lumabas siya ng bahay at ibinagsak ang pintuan. Shit nagalit siya.
Bakit parang na gi-guilty ako? Tsss tama lang saknya yon.
Bahala na nga ako nalang mag aayos dito.
A/N: Please vote!
YOU ARE READING
The Manila Boy (On Going)
Ficção AdolescenteSi Alysson ay isang babaeng promdi at may makikilalang lalaki na Taga Maynila alamin ang mangyayari sa lovestory ng dalawa.