Cheska's POV
Akala ko morning sickness ang tawag kasi sa umaga lang nagsusuka. Buong maghapon yata akong hindi makabangon. Nagpadeliver na lang ako ng pagkain, tapos hindi ko naman makain.
Kaye is bugging me about the result. Tristan also called me but I didn't reply to any of them.
Shit. Hindi ko nga maayos ang buhay ko, tapos mangdadamay pa ako ng sanggol sa gulo ng mundo ko.
Shit... shit talaga. Ano ang gagawin ko?Careful what you wish for. Sana may nagsabi sa akin nyan. Sana merong bumatok sa akin ng hilingin kong magkaanak.
I was very weak and wanted to sleep but I can't sleep so I turned on the TV.
I was in the middle of watching No Other Woman ng mag-ingay ang doorbell."Lord, hindi ko kayang sumagot ng mga tanong." I murmured.
Tumunog na naman ang doorbell.
"Lord naman eh." I cover my face with my pillows that I put on the couch."Cheska." I heard Diane shouted outside.
Ok fine Lord. Kailngan ko ng kausap. Eto na po, bubuksan ko na ang pintuan."Ang ingay mo." I told Diane who stop pushing my doorbell when I opened the door.
She's with great...she's with the whole female squad.Kaye is looking at me with worried eyes. Kath and Marie are with the same expression.
Dahil maliit ang couch ko, umupo ang iba sa sahig, yung iba sa beam bag. Nagkalat ang dala nilang food. Kath gave me something hot to drink and I never be more grateful than this moment.
"Bakit nandito ka Lise?" I asked after I took a sip with hot milk.
"Sa isang araw pa alis namin. Nag-aalala kami sayo. May nakain ka bang hindi maganda sa food kahapon?" Nag-aalalang tanong nito.
"Wala. Okay lang ako." Natingin ako sa TV. Nilipat na nila ang palabas. Sino kaya ang adik sa K-drama sa kanila?Nagtitinginan sila. Nag-uusap sa mga mata.
Nakita kong lumaki ang mata ni Diane. Tapos umiiling si Trisha."Nandito ako, hello. Halata yang mga patagong usapan nyo sa mata." Naiinis na sabi ko sa kanila.
Bumuntong hininga si Marie. "Sabihin mo na kasi kung ano ang nagyari sayo." Sabi nito.
Nakatingin silang lahat sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko."Buntis ako." I said. Walang kumibo. Parang nagslow motion ang lahat. Makita ko silang nakatulala sakin. Nakita ko kung paano kila kumurap.
"Pano ba yan? Talo kayo?" nakalahad ang kamay ni Diane kay Trisha at Sam.
Natawa si Marie at Kath.
It's my time para matulala sa tatlong nagbabayaran sa harap ko.
"Pinagpustahan nyo ako?" hindi ako makapaniwala sa mga kaibigan ko.Tuluyan ng tumawa ang mga kaibigan ko.
"Nawala ang isang test kit ko sa bag kagabi. Feeling ko, kinuha ni Tristan at binigay sayo." Paliwanag ni Diane.
"Buntis ka din?" naeeskandalong tanong ni Trisha.
Diane rolled her eyes. "Hindi. Feeling ko lang. Pero dinatnan ako kagabi.""Sooooo..." Kath said. Not sure to asked the next question na nakabitin samin lahat.
I cover my face... Hindi ko inaasahan malalagay ako sa inquisition seat ng mga ito. Ang hirap pala."My God don't tell me si Drew!!!!!!" Tumaas ng ilang octave ang boses ni Sam.
"Hindi. Hindi... Hindi ko na nakikita yung unggoy na yun." I replied.
"So sino?" Lise asked."Si..." natingin ako kay Kaye.
Nanlaki ang mata niya."Shit... No way." Sabi ni Kaye. Nanlalaki ang mata niya.
"Taragis, ano na? Sino na? Kinakabahan ako eh." Diane commented. Hawak hawak nito ang isang throw pillow at mukhang nadeform na sa pagkakapiga niya."Si Ace," I told them.
Nagslow motion na naman sila. Napanganga sila. Walang kumikibo.
Si Marie ang unang nakabawi sa pagkaka-shock.
"Paanong nagkasya Cheska?" tanong niya.Hesus Maryosep. Mga abnormal talaga ang mga kaibigan ko.
Tumawa na lang ako. Tumawa ako hanggang na maluha.------------
A/N
Nasa Dreame App ang kasunod ng story na ito.
Thank you
BINABASA MO ANG
Dare for Me (Completed)
RomanceForever... Apfff... Masaya na akong nakikitang masaya ang mga kaibigan ko. Ayaw ko na ng sakit sa ulo. Control freak gaya ni Red? No thank you very much. Conservative gaya ni Angel? Sorry na lang dear. Chickboy gaya ni Tristan? Baka putulan ko pa...