My assuming girl 2 (Story of my life)

42 0 0
                                    

Osge na nga, Kwekwento ko na ang buhay ko dito sa chapter na to =)))))

Sabi ko nga 2years old palang ako nung mawala si papa ko. Si mama naman, siguro 5yrs old ako nung iniwan ako sabi lang sken yun ng tita ko. Nag-asawa na yata si mama ng iba. Masakit sa part ko, Bakit pa nya kailangan magpakalayo? eh mabubuhay nya naman ako kse nag iisang anak lang ako. Nakakapagtampo diba? Wala eh ganun talaga ang buhay. Ewan ko kung tatanggapin ko pa siya kung bumalik sya sken.

18 years old na pala ako kaka debut ko lang nung November, Kumusta yung debut ko?? Ayun naging masaya naman kahit papano =)))) Simpleng handaan. Pasalamat nga ako may mga kaibigan ako, tita at mga pinsan :)))

2ndyear college na pala ako. Sana nga makagraduate agad no HAHAHA.

Si tita ko? Masungit? Naku! Oo kaya! Sobrang sungit! Pero uy, di siya yung nagpapa aral sken. Si tito ko, kapatid ng papa ko, para ko na nga siyang papa eh =))) Nsa Canada siya pinapadalhan nya lang ako ng pera. Kaya siguro naiinggit sken si tita HAHA. Minsan nga gusto ko ng lumayas eh tsss kakairita kaya! Pag wala akong pasok tumutulong ako sa karendirya nya.

Si J.R? Kung pano ko siya nakilala? Magkababata kami. Kalaro ko yan ng bahay bahayan dati Hahaha. Parang bff ko na rin yan nung highschool, Nung nag college di na kami mashadong nakakausap kse lagi syang busy. Magbarkada at magkababata din sila ni Jaizan, kaya ko din si Jaizan nakilala dahil din skanya. Siguro 1styr Highschool ako nung nagkagusto ako skanya :""")))) Pero shempre si yun alam ni J.R, Ayoko baka mamaya asarin ako nun.

Tapos hanggang ngayon crush ko parin siya, Mahal ko na nga yata yan eh. Ako wala pa akong bf. Pero si jaizan halos makalimang gf na! pano ko nalaman? shempre ako pa! alam ko yan lahat. Stalker nya kaya ako HAHAHA.

Gwapo kse sya, mayaman, medyo badboy nga lang. Ako? mahirap lang. Sya sobrang yaman nila. May 3 silang restaurant dito sa Manila, si papa nya managet ng Mcdo. Yung mama nya nasa abroad manager din yata. Nagpursigi talaga ako para makapasok ako sito sa University na to. Nag take ako ng scholarship kaya andito ako ngayon! Kahit bobo ako sa math nakapasok ako dba? :)))) Haayst =)))) completo araw ko lagi pag nakikita ko siya :)

Sabi nga nila, Bakit di ka crush ng crush mo?

Siguro dahil di kami magka match langit siya lupa ako. Di ako masyadong maganda kagaya ng nagiging girlfriend niya :( Pero di ako panget ah! Di lang talaga ako marunong mag suklay at mag ayos. Di ako.masyadong maputi, Sakto lang :))

Assumera ba talaga ako? hanggang ngayon nag aassume parin ako! HAHAHA. Buti nga nabangga ko siya! atleast napansin nya ako diba? :D

sinamarize ko nalang yung story of my life baka kse maboring kayo kung ikwento ko lahat lahat eh :P

[[Sa bahay]]

Sabado ngayon walang pasok. Abala akong nag aayos ng mga requirements ko kse nga malapit ng midterm examination namin. Sinasagotan ko yung ibang mga requirements na di ko na nasasagutan.

"Ano ba naman to! dami dami naman kainis" Nababaliw na ako kinakausap ko nanamn sarili ko HAHAHA.

Kumatok si tita ko.

"Joey natutulog kananaman ba?"

Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.

"Ah di po tita, nag sasagot po ako ng mga assignments ko. bakit po?"

"Mamalengke ka nga muna" Utos nya sken. iniabot nya naman agad ang pera at mga lista ng mga bibilhin.

Goodluck naman no sana naman matapos ko yung mga sasagotan ko.

"Sge po"

Hindi na ako naligo, Nagpalit nalang ako ng short at damit at tsaka ng hilamos. Di ako binigyan ng pamasahe kaya nag lakad nalang ako papuntang palengke. Di naman siguro uulan no? Kaya di nalang ako nag dala ng payong.

Putek naman oh. Medyo malayo layo ang lalakbayin ko ah. Kahit kelan talaga si tita oh akala ko panman andito na pamasahe ko wala panaman akong dalang barya.

Tapos na ako mamili. At sakto lang talaga ang perang binigay nya. ni piso wala ngang natira eh. Sarap kulamin! tsss.

Nagsimula na akong maglakad papuntang bahay. Pero parang uulan yata ng malakas. Naku! Pano to wala panaman akong dalang pamasahe tsaka payong. Ok lang sana kung di mababasa yung mga pinmili ko :((

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad BAHALA na to. Nag simula ng umambon. Hanggang sa lumakas ang ulan. Nasa gilid lang ako ng kalsada, sumilong muna ako sa may tindahan sakto walang tao. Aantayin ko nalang na humina ang ulan, bahala na mapagalitan.

My assuming girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon