[[Joey]]
Napahiya nanaman ako kanina! Bwiset akala ko pa naman ako yung binabati ni Jaizan. Bwiset na yun! Nakakahiya kaya pinag tinginan ako ng mga tao.
Pero okay lang, Atleast nakita ko nanaman siya ng malapitan kanina. Pero awkward lang talaga. Napaka assumera ko! Ano kaya kung aminin ko na kay Jaizan yung nararamdaman ko skanya? Hehehe Hmmm?
Noooo! tumigil ka sa kalandian mo Joey. Okay na yan na ganyan, mamaya pag nalaman nyang gusto ka niya ligawan ka niya tapos ano? itake for granted ka? ikaw palang nag sabi nun dba? tss
Ano ba tong konsensya ko! lakas maka react Chosera eh no. Edi wag na. Basta balang araw magiging kmi din. Mag mamakaawa siya sken para sagutin ko siya, tapos liligawan nya ako ng bonggang bongga! tapos magpapakasal kmi! Tapos we will live happily evehhhh aftehhhh (slang kunohay) Haaayst! O dba? =))))) Gusto ko na talaga ma experience magka bf, pero walang naglalakas loob na ligawan ako! Bakit kaya? Di naman mabaho hininga ko, di naman ako amoy putok at wala naman akong putok, buhaghag buhok ko pero wala naman akong kuto, Wala naman akong kulangot sa ilong! kung meronan inaalis ko agad, walang naman akong an-an, at alipunga! pero bakit wala? T.T Kung meron man nanliligaw sken, mga chacka naman di ko mga type! mukhang mga tricycle driver naman ang dating, mukhang mga bisaya! ayoko kaya ng ganun no!
Hindi naman ako sobrang panget para i deadma ko sila, pero You know I don't like them, (Nosebleed ka no hahahaha)
Lord bakit dmo maibigay bigay yung gusto ko T____T Hahahaha Peace \m/
*Chiiiing!!!!*
"Te! May chicka ako"
Ginulat nanaman ako ng baklang to.
"Arayyy. Nabinge ako dun beks ah. Ano chicka mo?"
"Eh kse nga malapit na valentines day"
Sabay kinday sken.
"Oh? ano nanaman yang kinikindat kindat mo diyan?" Nawala bigla ako sa mood ko. Ang aga kong naging bitter ah :D
"Y'know! Hehehe, Inaantay ko na mag prupose sken si Chad! dba beks? Isn't it amazing?! Isn't it surprising?" Malandi nitong sabi.
Natawa nalang ako. Assumerandin tong bff ko, halata ba? si chad pala kateam nila JR at Jaizan. Ang super crush ni jay. Diyos ko pagbigyan! pinag papantasyahan nya din yun!
"Surprising agad beks? eh wala pa naman. Tsaka baka sayo mag prupose? assumera ka din eh no? Pero alam mo beks, Sa totoo lang, ako din sana makipag date sken si Jaizan haayst :))))"
Libre lang po mangarap! :""">>>>
Binatukan din ako ni Jay, Hahahah!
" oh ayan! Tiningnan mo yan, ako pa assumera dito ha , Kung assumera akoas assumera ka no!"
"Araaay! Sakit nun ah!, Hindi beks nag babasakali lang naman, libre lang mangarap dba?" Ngumiti lang ako skanya atsaka tumingin sa malayo with *pakislapkislap eyes* :D
"Go Push!!"