Kapitulo XXII - Zhu

27.1K 1.2K 186
                                    

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "About what, Ms. Miranda?"

Tumingin muna siya sa paligid bago hinawakan ang aking pala-pulsuhan. Bago pa ako makapag-react ay inilabas niya na ang kanyang portal crystal at dinala ako sa isang tagong bahagi ng Northwest wing kung saan nakatayo ang dormitories ng teachers.

"Ms. Lee, there's something that the headmaster wants you to know," aniya sa isang mahinang boses upang walang ibang makarinig.

Napalunok ako. "A-Ano po iyon?"

Sinilip niya muna ulit kung mayroon bang nakakakita o nakakarinig sa amin bago siya tuluyang magsalita. "He wants you to be a part of The Chosen Ones," seryosong aniya.

Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi at nabitin sa ere ang aking paghinga. Sa dami ng estudyanteng mayroong mas malalakas na ability kaysa akin, bakit gusto niya akong mapasama sa line up ng The Chosen Ones? Unless, gusto niyang matalo ang Dauntless Academy sa Choque de la Magia? Charot.

"S-Seryoso ba kayo, Ma'am? I mean, the league is beyond my capacity!" I said in a terrified tone.

She sighed heavily before looking at me straight in the eyes. "Look, Alexa. You have one of the rarest type of ability in this school and that's what we are looking for. You have exactly what we need."

"What do you mean?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ang Dauntless Academy ay taon-taon sumasali sa Choque de la Magia league at labing-walong taon na ang nakalipas simula noong unang beses na nakamit ng ating paaralan ang kampeonato. Nangyari lang iyon dahil mayroong isang estudyanteng may taglay na kapangyarihan katulad ng sa iyo. We need you in our team, Alexa," paliwanag niya.

Mayroon ding sumali sa The Chosen Ones noon na nagmamay-ari katulad ng ability ko? Gaano ba talaga kahirap makahanap ng isang taong nagtataglay ng Enhanced Senses sa mundong ito?

I cleared my throat. "P-Pero, Ma'am... alam niyo naman pong namuhay ako bilang isang normal na tao sa labas ng Galaxias, hindi ba? Hanggang ngayon ay hindi pa rin po malinaw sa akin kung bakit ako napunta sa Class A at nalaman kong mayroon akong ability. Sigurado po ba talaga si Headmaster R sa gusto niyang mangyari? I mean, sigurado po ba kayo?"

Agad siyang tumango. "We are very sure," buo ang desisyon sabi niya.

My throat ran dry. I didn't even imagine myself having magical powers before, tapos ngayon ay sasali ako sa isang patimpalak kung saan ang lahat ng manlalaro ay top five best student ng bawat paaralan? You've got to be kidding me! 

Bumuntonghininga muna ako bago muling magsalita. "A-Ano pong mangyayari kapag pumayag akong sumali sa team?"

Nakitaan ko ng multo ng isang ngiti ang kanyang labi. "Kapag pumayag kang sumali sa The Chosen Ones at nasungkit niyo ang kampeonato ngayong taon, bibigyan kayo ng pribilehiyo ng headmaster upang malayang makalabas-masok sa paaralan at sa mundong ito."

Natulala ako dahil sa sinabi ni Ms. Miranda at hindi ko na narinig pa ang iba pa niyang sinabi. Hindi ba't mapanganib ang pagsali roon sa Choque de la Magia? Ano nga ba ang nangyayari sa loob ng kompetisyon na iyon? Sigurado ba talagang makakabalik kaming buhay roon? Purely illusion lang ba talaga ang competition? Hindi ba delikado iyon?

At higit sa lahat... totoo ba talagang kailangan ng The Chosen Ones ang isang katulad ko? Ano naman ang magandang maidudulot ng ability ko sa grupong iyon?

"Ms. Miranda—" Nabitin sa ere ang aking sasabihin nang mapansing ako na lang pala mag-isa ang naririto sa lugar kung saan ako dinala ng aking guro. Lumingon ako sa paligid at hinanap kung saan nagpunta si Ms. Miranda ngunit naglaho na talaga ito.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon