Kapitulo XXXII - Choque de la Magia

22.7K 1.1K 67
                                    

"P-Papa?" Unti-unting umangat ang magkabilang gilid ng kanyang labi. Hinawakan ko ang kanyang pisngi upang makumpirma kung totoo ba itong nakikita ko ngayon. Nang makumpirmang totoo siya ay niyakap ko siya nang mahigpit. Ramdam ko ang sunud-sunod na pag-agos ng mga luha ko habang nakangiti. "I missed you, Papa..." Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya bago dahan-dahang bumitiw upang pagmasdan ang maamong mukha ng aking ama.

"Na-miss kita, anak..." malambing na sabi niya. I smiled through my tears. Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Kumusta ka na? Ilang minuto na lang ay papasok na kayo sa Choque de la Magia..." aniya na siyang nagpagulat sa akin. Paano niya nga pala nalaman ang tungkol dito?

"P-Paano ka nga po pala nakapunta rito, Papa?" nalilitong tanong ko sa kanya.

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha bago sumagot sa akin. "Humingi ako ng tulong kay R."

Napakurap-kurap ako. "R? S-Si Headmaster R po? Magkakilala po kayo?"

Ngumiti lang siya sa akin at hindi na sinagot pa ang tanong ko kaya lalo lamang akong nabagabag. Paano sila nagkakilala? Magkaibigan ba sila? Paano mangyayari iyon? Anong koneksyon ni Papa kay Headmaster R? Hindi rin ba sila... normal katulad ko?

"Papa... P-Paano mo po nalaman ang tungkol sa Choque de la Magia?"

Bumuntonghininga siya bago marahang hinaplos ang buhok ko. "Alam ko na iyon dati pa, anak. Matagal ko nang alam ang tungkol sa mundong ito. Hindi ako sigurado kung ako ba ang tamang taong makakapagbigay ng sagot sa mga katanungan mo kaya patawad kung wala akong maibibigay ngayon. Maghintay ka lamang at ang katotohanan na mismo ang lalapit sa iyo..." seryosong sabi niya.

"Pero kailan pa, Papa? Hanggang kailan ako maghihintay? Kailan pa masasagot ang lahat ng katanungan ko?"

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi habang malungkot na nakangiti. "Pumunta ako rito upang makita ka, anak. Alam kong marami akong naging pagkukulang sa iyo bilang ama. Handa akong bumawi sa oras na bumalik ka..."

Muling kumawala ang ilang luha mula sa aking mga mata. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking pisngi. "Babalik naman talaga ako, Papa. Pagkatapos po ng kompetisyong ito ay babalik ako— "

Sabay kaming napalingon nang biglang tumunog ang isang buzzer at umilaw ang capsule sa tabi ng higaan ko. May timer sa itaas nito na nagsisilbing hudyat ng natitirang oras ko sa labas ng Choque de la Magia.

120 seconds left...

Ibinalik ko ang tingin kay Papa na nakatingin din pala doon sa timer. Lumapit siya sa akin bago hinawakan ang magkabilang-balikat ko. "Riv, anak, I want you to promise me na babalik ka rito nang ligtas..." seryosong sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"W-What do you mean, Papa? The competition is just an illusion, right? Hindi naman po totoo iyong mangyayari sa loob, 'di ba?" medyo kinakabahang sabi ko.

Nakitaan ko ng kaunting takot ang kanyang mga mata ngunit agad itong naglaho nang kumurap siya. "I want you to do your best and stay alive until the end. I want you to be brave, anak."

Nangilid ang mga luha ko dahil sa pagtindi ng kaba sa aking dibdib. Anong ibig sabihin ni Papa? Ano ba talagang mangyayari sa loob? May nangyari ba?

"Hindi po ba illusion ang Choque de la Magia?"

He sighed heavily. "Noong mga nakaraang patimpalak ay malinis ang bawat laro. Hindi ako sigurado sa patakaran nila ngayong taon. Natunugan kong mayroon silang pinaplano sa kompetisyon," mariin at may bahid ng galit niyang sinabi.

Muli akong napatingin sa timer nang tumunog ang buzzer. 30 seconds left...

Inayos ni Papa ang itim na jacket na suot ko at muling pinagmasdan ang aking mukha. "You are Eshtelle Alexa Lee. You are dauntless. You're not afraid..."

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon