Kapitulo XXX - Rule

23.4K 1.1K 87
                                    

Dahan-dahan kong inilapat ang mga paa ko sa sahig. Ramdam ko ang biglaang pagtayo ng mga balahibo ko nang may marinig na mahihinang yabag sa paligid.

"Ms. Lee!"

Bigla akong napalingon sa pag-aakalang ako ang tinawag ng isang guro ngunit biglang dumaan mula sa aking likuran ang isang babae mayroong mahabang buhok na tila kulay abo.

"Bakit po, Mrs. Perickles?" tugon ng babae. Halos kasing-tangkad ko lang ito at nakasuot siya ng dark green na uniporme.

"Pinapatawag ka raw sa opisina ng headmaster at ni Caroline Miranda sa opisina," pormal na wika ng ginang. Tumango lang siya at pormal na nagpaalam kay Mrs. Perickles bago nagsimulang maglakad sa daan patungong Upper wing.

Pumihit na rin ako patalikod at laking gulat ko nang makitang nasa harap na agad ako ng pinto ng opisina. Lumingon ako sa likuran ko at hindi na nagulat nang makita ang babaeng papunta rin dito. Nilagpasan niya lang ako bago kumatok ng tatlong beses sa pinto. Narinig ko ang malalim na tinig ng headmaster na nagsisilbing hudyat na maaari na siyang pumasok sa loob. Pinihit niya ang door knob at dahan-dahan itong itinulak upang mabuksan. Natahimik ang buong silid nang bumukas ito at natigil sila Ms. Miranda sa pag-uusap.

Ipinatong niya ang nakakuyom na kanang kamao sa kaliwang dibdib bago bahagyang iniyuko ang ulo bilang tanda ng paggalang sa mga nakatataas. "Magandang umaga po, Ms. Miranda at Headmaster R," magalang at pormal na bati ng babae.

Ngumiti nang matamis si Headmaster R samantala si Ms. Miranda naman ay nanatiling seryoso. Tahimik naman akong pumasok sa loob ng opisina kasunod ng babae at nagtago sa may isang sulok. Mukhang hindi naman nila napansin ang presensya ko kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Tungkol saan po ang pag-uusapan natin ngayon?" diretsong tanong niya.

Napansin ko ang makahulugang tinginan ni Headmaster R at Ms. Miranda bago muling bumaling sa kanya. "Tungkol ito sa partisipasyon mo sa The Chosen Ones at Choque de la Magia League," sagot ni Ms. Miranda. Natigilan saglit ang babae ngunit hindi niya ito pinahalata. "Alam mo naman na ang team captain ng The Chosen Ones ay ang anak ng ating headmaster, tama ba?"

"O-Opo..." nalilitong sagot niya.

"I want you to be my son's training partner, Ms. Lee," pormal at may diin sa tono ng pananalita ng headmaster.

"A-Ako po? Bakit po ako? Nandyan naman po ang iba naming ka-team?" Bakas ang gulat sa tono ng pagtatanong ng babae.

"You excel in everything. Madali lang para sa'yo ang lahat ng stages of training kaya gusto kong mas i-enhance mo pa ang ability mo. Nakikita kong ikaw ang nakakapagpalabas ng potensyal ng anak ko. I want you to be the vice captain of The Chosen Ones," seryosong sabi ni Headmaster R. Tahimik na tumango ang babae at hindi na nakipagtalo pa.

"And one more thing, Ms. Lee..." biglang singit ni Ms. Miranda na ikinagulat ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinilabutan ako. Ganitong-ganito rin siya sa akin noong binanggit niya sa amin ang tungkol sa batas ng The Chosen Ones.

"Ano po iyon?"

"Have you heard about the rule?"

Halatang natigilan ang babae upang mag-isip muna ngunit hindi kalaunan ay sumagot na rin. "'Yon po bang tungkol po sa pagtatago ng sikreto ng Labyrinth? Alam ko na po 'yon, Ms. Miranda," wika ng babae.

Ako naman ngayon ang natigilan at nalito. Labyrinth? Ang Labyrinth ba na nasa Restricted Area? May iba pa bang sikreto ang Labyrinth bukod kay Ashton? Pero kung bibilangin ang taon kung kailan nangyari itong nasasaksihan ko ngayon, siguradong wala pa si Ashton doon. Anong sikreto ang tinutukoy niya?

Tumango si Ms. Miranda. "Kailangan nating ingatan ang hiyas ng Lunaticus upang mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon. Walang kahit sinong dapat makaalam sa kinaroroonan no'n... kahit ang mga nakatataas."

Mas lalo akong nalito sa usapan nila. Anong hiyas? 'Yon bang hiyas na kailangan naming i-surrender bago magsimula ang Choque de la Magia? Ibig sabihin ay nakatago lang pala ang hiyas sa aming Labyrinth?

"Naiintindihan ko po, Ma'am," magalang na sagot ng babae bago yumuko na bilang pagpapaalam. Sinundan ko siya papalabas ng opisina ngunit bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan siya ni Ms. Miranda sa braso.

"Ashley, I want to warn you about something..." mahinahong sabi niya.

Napatigil sa paghakbang ang babae ngunit nanatili pa ring nakatalikod. Ngayon ko lamang nakita at natitigan nang mabuti ang kanyang mukha.

"Ano po iyon?" kalmadong tanong niya nang hindi lumilingon.

"You should eliminate all unnecessary emotions, especially fear..." Bahagyang tumigil sa pagsasalita si Ms. Miranda at nakita ko ang halo-halong emosyon sa mukha ng babae habang hinihintay ang kadugtong ng sinasabi ng guro. "... and love. Hindi maaaring makaapekto sa laban ang inyong emosyon. Got it?" tanong ng guro sa kanya.

"Understood, Ma'am," mahinahong sagot ng babae bago muling humarap sa guro upang yumuko at pormal na magpaalam.

Habang naglalakad palabas ng silid ang babae ay doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay natigil din ang paghinga ko habang nakikinig sa usapan nila.

"Sa tingin mo ba ay mapipigilan ng mga bata ang plano nila, Headmaster R? Paano kung mag-iba ang takbo ng propesiya?" seryosong tanong ni Ms. Miranda.

Bago pa makasagot si Headmaster R ay muli kong naramdaman ang malakas na puwersang humahatak sa akin paalis sa lugar na iyon. Ramdam ko ang labis na panghihina ng katawan ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa loob ng isang madilim na aparador. Tila naubusan ako ng lakas upang gumalaw kaya nanatili na lang ako sa aking kinaroroonan habang habol-habol ang aking paghinga.

Rinig ko sa labas ng aparador ang mahihinang yabag ng mga taong papalapit sa aking kinaroroonan. Agad kong tinutop ang aking bibig upang hindi nila malamang nandito ako.

"H-Hindi tayo p'wede... Hindi ito p'wede!" pabulong na sigaw ng babae. Bakas ang takot sa kanyang tinig.

"Look at me, my love..." mahinahong sabi ng kausap niyang lalaki.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa buong paligid bago ko narinig ang mahihinang hikbi na sa tingin ko ay nanggaling sa babae. "N-Natatakot ako..." Bakas ang sakit sa tono ng pananalita niya.

"Shh, don't be afraid. I'm here... I'll protect you."

"P-Paano 'pag nalaman nila ang tungkol dito? Paano 'pag nalaman ni Headmaster R? Paano 'pag nakarating sa mga nakatataas ang plano natin? H-Hindi tayo p'wede—"

"You're just overthinking, Ashley... As long as I'm here, no one can hurt you, okay? Sabihin mo lang sa akin na mahal mo rin ako, ipaglalaban kita hanggang sa huling hininga ko."

Humagulgol ang babae. "I love you so much that it kills me. Alam kong hindi tayo p'wede, pero bakit ba minahal pa rin kita? You weren't supposed to love a mere commoner like me! Ikaw ang tagapagmana ng trono ng headmaster! You're expected to reach even greater heights at ako lang ang makakasira sa future mo—"

"Damn it, I love you more, Ashley! Damn all the rules! Damn Galaxias! Kaya kong talikuran ang kinabukasan ko, sabihin mo lang sa akin na ipaglalaban mo rin ako."

"P-Pero natatakot ako..." The fear and pain in her voice was more evident now.

"Shh... You are Ashley Rhianna Lee. You are dauntless. You're not afraid. Fear is not part of your vocabulary."

Ramdam ko ang matinding pagkirot ng aking sentido kaya napapikit ako nang mariin. Tuluyang na ring naglaho ang lahat ng ingay sa paligid at ang tanging nangingibabaw na tunog sa aking pandinig ay ang mabilis at nakakabinging tibok ng aking puso. Mabilis na umikot ang paligid kaya napayakap na lamang ako sa aking mga tuhod. Sa huling pagkakataon ay nagpakawala ako ng isang mahabang buntonghininga bago hinayaan ang sariling lamunin ng kadiliman.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon