Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog sa loob ng kwarto naming tatlo nila Ella at Kylie. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinanap kung ano ang dahilan nito. Nasapo ko na lang aking noo nang makitang nakaupo si Ella sa sahig habang nakahawak sa kanyang balakang at dumadaing.
"'Yan kasi! Katangahan naman talaga oh!" napapailing na sabi sa kanya ni Kylie habang nagtitimpla ng kape sa may hapagkainan.
Sinamaan siya ng tingin ni Ella bago dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahulog niya sa kama kanina. Umupo siya sa kanyang higaan bago nag-inat ng katawan. Medyo natutulala pa ako hahang pinagmamasdan sila. Pakiramdam ko ay kulang pa rin ang tulog ko kahit alam kong nakumpleto ko naman iyon.
Saktong pagkatayo ko ay biglang may kumatok sa pinto ng aming dorm. Tamad na dumalo ako roon upang malaman kung sino ang kumakatok. Nagtataka kong pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa harap ng pinto namin. Sino naman ito?
"Good morning, Alexa!" nakangiting bati niya sa akin.
Nahiya naman ako bigla kaya napilitan din akong ngumiti pabalik habang pasimpleng inaayos ang magulo kong buhok. "G-Good morning din..."
Ngumiti siya nang matamis sa akin bago inilahad ang isa niyang kamay sa akin. "By the way, I'm Reina Louisse Coste from Class A."
Tinanggap ko ito at nakipagkamay. "How may I help you, Reina?" Yumuko siya at nagsimulang maghalungkat sa kanyang maliit na string bag. May inilabas siyang nakatuping papel mula roon at binasa niya muna ang nakasulat dito bago inabot sa akin.
Tinanggap ko ito at agad na binasa ang nakasulat doon. "Inutusan ako ni Headmaster R para ibigay sa'yo 'yang bago mong schedule bilang Class A student," aniya.
Marahan akong tumango sa sinabi niya at pinagmasdan ang bago kong subject load. Napagtanto kong ganoon pa rin naman ang lahat ng subjects ko, nagkabali-baliktad lang ang oras. Sinulyapan ko si Reina na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harap ko. "Salamat..." sinserong sabi ko.
Tumango siya sa akin at ngumiti. "Nga pala, ako ang magiging bagong ka-roommate mo," excited na aniya.
Hindi ko na rin napigilan ang pagngiti. "Wow, that's nice to hear! Hmm, kailangan ko na bang lumipat sa dorm before mag-start ang classes natin mamaya?" tanong ko sa kanya. Mabilis siyang tumango bilang sagot kaya bahagya akong natawa.
Napanguso naman siya. "Actually, ako lang mag-isa roon dati. Ngayon lang ako magkakaroon ng roommate kaya sobrang saya ko noong sinabi sa akin ni Headmaster R na may bago raw akong makakasama!" kuwento niya kaya bahagya akong napangiti.
"Hmm, sige mag-aayos lang ako ng mga gamit tapos ako na ang pupunta sa dorm natin. Anong room number ba?"
Nagningning agad ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Talaga?! Uh, ano nga ulit 'yon—ay oo, naalala ko na! Room 163!" excited na sabi niya. "Gusto mo bang hintayin na lang kita ngayon tapos sabay na tayong tumungo sa dorm natin?"
Mabilis akong umiling bago ngumiti. "No, it's okay, Reina! You can go ahead now. Mabilis lang ako, promise. I'll be there in 30 minutes."
Marahan siyang tumango bago kumaway. Kumaway rin ako sa kanya habang pinapanood siyang maglakad pabalik sa Southwest wing. Nang mawala na siya sa aking paningin ay doon lamang ako pumihit papasok ng dorm namin. Nagulat ako nang maabutang nakatayo si Ella sa likuran ko habang seryosong nakatingin sa labas at tila may malalim na iniisip.
"What?" natatawang tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at naglakad na palapit sa hapagkainan. "Nasaan si Kylie?" tanong ko sa kanya nang mapansing wala na roon ang kaibigang kanina'y nagtitimpla lang ng kape.
"Naliligo na," tipid na sagot niya.
Napataas ang isang kilay ko sa inaasta niya. "Anong problema?"
BINABASA MO ANG
Dauntless Academy: Home of the Brave
Fantasi[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, is built as a sanctuary for young students with magical abilities in Camp Lunaticus. It is considered...