Kapitulo XXXI - Capsule

23.8K 1.1K 64
                                    

"Alexa?"

"Ate Ashley? Ate Ashley, nasaan ka?"

"Alexa..."

"Ate Ashley, anong nangyayari?"

"Alexa!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang isang pamilyar na tinig ng isang lalaki.

"L-Linus?"

"Kanina pa kita ginigising," nakangusong sabi niya.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at napagtantong hindi ito pamilyar sa akin. "Nasaan tayo, Linus?"

"Nasaan lang, walang tayo." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Joke lang naman! Hindi ka na mabiro ngayon, bibe ko—"

"Bibe lang, walang sa'yo." Mayabang na sabi ko sa kanya.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko bago napailing. "Wow! May bago ka na namang natutunan sa iyong Master Linus," pagmamayabang niya sa akin habang nakaturo sa kanyang sarili. "Sabihin mo sa akin, 'Salamat, Master.'."

Napairap na lang ako sa sinabi niya bago muling pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Pinakiramdamam kong mabuti ang paligid at napagtanto kong pinapaandar ito ng isang makina. "Anong sasakyan 'to?"

Awtomatikong napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh? Sasakyan ba 'to?"

Tumango ako sa kanya bilang sagot bago muling pinakiramdaman ang paligid. "Nasaan ang iba pa nating kasama? Nasaan sila Ms. Miranda at Sir Alejandro?"

"Hmm..." he trailed off. "Kung sasakyan ito, paano tayo napapunta rito? 'Di ba ay ginamit natin ang portal crystal ni Sir Alejandro? Bakit hindi na lang tayo dinala agad doon sa venue?"

Napaisip din ako sa sinabi niya bago may napagtantong isang bagay. "Kaya siguro tayo nawalan ng malay ay dahil hindi natin maaaring malaman kung paano tayo makakalabas ng school. Hindi rin natin p'wedeng malaman kung paano pumunta sa venue ng tournament," paghihinuha ko.

Namamangha siyang napatango sa sinabi ko. "Sana all matalino," aniya. Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palabas ng silid kung saan kami naroroon ni Linus. "Saan ka pupunta?"

Sinulyapan ko lang siya. "Hahanapin ko kung nasaan sila Asher." Saglit akong huminto sa paglalakad at pumikit nang mariin. Pinatalas ko ang aking pandinig at narinig ang mahihinang yabag ng paa mula sa isang silid malayo sa kinatatayuan namin. "Sumunod ka sa akin, Linus," bulong ko bago naglakad patungo sa direksyon kung saan ko narinig ang mga yabag.

Nang makarating doon ay agad naming narinig ang malamig na boses ni Asher. Pumasok kami roon at tila nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan nang makitang kasama niya si Ethan at Trevor.

"Hi, baby boys! Tagal nating 'di nagkita, ah?! Tanda niyo pa ba ako?!" ani Linus.

Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa kalokohan ni Linus. Lumapit ako kay Asher upang magtanong. "Nasaan sila Ms. Miranda? Nasaan tayo?"

"Sa tingin ko ay nasa biyahe tayo patungo sa venue ng Choque de la Magia League. Iyon ang sentro ng buong Kingdom Galaxias at ang boundary ng bawat rehiyon. It is located at the basement of the palace," sagot niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit ang dami niyang alam tungkol sa Choque de la Magia? Ganito ba talaga kapag captain ng The Chosen Ones? Sabi ko pa naman kay Linus ay baka sikreto lang ang location ng venue kaya nawalan kami ng malay! Nagmukha pa tuloy akong story-maker! Kainis!

Nagkibit-balikat na lang ako at tahimik na naghintay sa pagdating namin sa kinaroroonan ng venue. Makalipas ang isa't kalahating oras na biyahe ay naramdaman namin ang tuluyang paghinto ng takbo ng aming sinasakyan. Bumukas ang isang pinto na hindi namin nakita kanina. Nagkatinginan muna kaming lahat bago tumayo at lumapit doon.

Dauntless Academy: Home of the BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon