JANINE'S POV
"Wag! wag mo siya kunin... maawa ka..." pagmamakaawa ni mommy kay lolo na pilit kinukuha ang kapatid namin.
Magkakapamilya kami pero bakit kailangan ilayo SIYA sa amin? At ang masakit ang mismong lolo ko pa ang gustong kumuha sa kanya. Bakit?
"Hindi niyo na siya kaya pang alagaan. wala kayong sapat na kita. Kung sana nakinig kayo samin noon hindi hahantong ang lahat ng ito sa ganito." Oo, mahirap lang kami dahil tinanggalan ni lolo si mommy ng mana kaya walang wala kami ngayon.
"Maawa ka dad. wag mo siyang kunin samin..." Pagmamakaawa ni mommy kay lolo.
"Wala na kayong magagawa. dadalhin ko na siya sa America bukas at doon ko na lang siya ipapagamot."
Simula nung araw na yun hindi na namin siya nakita. Nagsikap ng husto sina mommy at daddy para mabawi namin SIYA ngunit hindi na namin siya nakita. Siguro nga nilayo na talaga siya samin pero hindi ako titigil hangga't di ko siya nahahanap.. hindi...
PATRICK'S POV
"W-wag.... wg niyo siyang k-kunin samin.... w-wag..." Nagising ako sa ingay at hikbi na narinig ko galing kay Janine. Anong nangyari sa kanya? Baka nanaginip ng masama. Gisingin ko na lang. Bumalik ako dito kagabi eh. Napagpasyahan kong dito na lang matulog para samahan siya.
"Janine, gising.." Tinapik tapik ko siya at gumising naman siya at agad akong niyakap.
dug dug
dug dug
Habang nakayakap si Janine sakin may kakaiba akong naramdaman.. Parang bumilis yung tibok ng puso ko.. Siguro dahil first time na may yumakap sakin na di ko naman ka ano ano?
"A-ayoko na.. Tulungan mo ko Patrick.. Please." Tiningnan ko naman si Janine at walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya. icocomfort ko na lang muna siya.
"Opo. Magpahinga ka na muna ulit. May masakit ba sayo?" Umiling naman siya. Akmang tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Dito ka lang. Natatakot akong mag-isa." Sabi niya kaya tinabihan ko naman siya. Tinawagan ko sila tito at sinabing gising na si Janine at agad naman silang sumugod dito.
Pagdating nila ay nagpaalam na ako na aalis na ako dahil may kailangan pa kaming pag-usapan ni Peter. Kailangan ko siyang puntahan.
(Peter's Condo)
ding dong ding dong
Pagdating ko ay nag dorbell ako kaagad at agad niya naman itong binuksan.
"Oh, bro? Anong ginagawa mo dito?" Bungad naman niya sakin.
"May gusto lang sana akong sabihin sayo." Saad ko.
"Oh sige. Pasok ka muna." Nang makapasok ako sa loob ay agad niya naman ako tinabihan sa sofa.
"Salamat nga pala dahil sinamahan mo ko sa pagligtas kay Janine kagabi." Sabi ko.
"Sure, bro. No problem. Basta para kay Janine. Gagawin ko lahat."
"Gagawin mo lahat pero ako lang nagpatumba ng lahat ng mga armadong lalaki kagabi. Wow. Bilib na bilib ako sayo, Peter." I sarcastically replied.
"Pero seryoso, handa akong gawin lahat para kay Janine. She's my bestfriend." Sabi niya.
"You like her, don't you?" Tanong ko na ikinangiti niya naman.
"How can I not like her?"
Nagpaalam na akong aalis dahil may pupuntahan pa ako. He really likes Janine. Di ko man lang nasabi kay Peter yung dapat na sasabihin ko.
Umalis na ako sa condo niya at pumunta muna sa McDo para magtake-out ng pagkain para kay Janine.
Nang makarating ako sa McDo ay agad akong pumila pero may lalaking sumingit sa unahan ko kaya nainis ako. Hindi ba niya nakitang may nakapila?! Porma pa lang ang angas na ah.
"Excuse me, pero ako yung nauna eh. Hindi naman siguro tama na sumisingit ka sa pila." Sabi ko sakanya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko para wala ng gulo. Pero ginantihan niya lang ako ng ngiti at umorder na. tsk.
Pagkatapos ko doon ay dumeretso na agad ako sa ospital pero pagpasok ko nakita ko naman agad na may yumakap kay Janine at kung di ako nagkakamali ito yung lalaking sumingit sa pila kanina. Nakakainis!
Agad ko silang nilapitan at hinatak yung lalake palabas ng room at pumasok ako ulit.
"Ba't mo siya hinatak palabas?" Tanong ni Janine na parang takang taka sa nangyare. tss. Hindi niya ba nakikita na naiinis ako?
"Manhid."
"Anong sabi mo?"
"Wala." Nakakainis!
Pumasok na naman ulit yung lalaking yun. Nakakaasar!
"Sisteeeer! Kaloka ha? Hatakin ba naman daw ako palabas! You're so GRRR! Kundi ka lang gwapo naku! Naku naku.." Eh?!
"BAKLA KA?" Tanong ko.
"Why? Is there any problem sweety?" Sabi nung bading. Yuck! Sweety?
"Kung alam ko lang sana na bakla ka di na sana ako nagselos!"
Shit shit shit! Wala na akong maihaharap na mukha kay Janine neto ngayon. Sobrang nahihiya at namumula na ako ngayon. Letse.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob
RomanceFalling in love with one of the most famous students in school may be one of your worst or best nightmare. Janine, a not-so popular girl in school fell in love with a conceited, cold-hearted jerk, Patrick. As time passes by, Patrick started to devel...