chapter 15

2.3K 85 3
                                    

PATRICK'S POV

This is the day.

Napag isip isip ko na pagkatapos ng talent night ay aamin na ako sa tunay kong nararamdaman para kay Janine. Wala ng atrasan 'to.

"Patrick, kinakabahan talaga ako." Sabi ni Janine sakin.

"Wag kang kabahan. Nandito lang ako. Kaya natin to." Sabi ko sa kanya. Wag kang mag-alala Janine. Akong bahala sayo.

"Calling pair number 1." Sabi nung emcee. Teka, kami yung pair number 1 ah.

"Patrick di ko talaga kaya eh." Mukhang maghihysterical na siya ah pero gorgeous pa rin naman. Yuck ang corny, Patrick.

"Kaya mo yan. Nandito naman ako eh at hinding hindi kita pababayaan. Ako bahala sayo." Sabi ko para pakalmahin siya.

"Paano kung makalimutan ko yung lyrics?" Ang kulit naman eh.

"Sabing ako na nga bahala sayo. Tara na. Tinatawag na tayo." Sabi ko at hinila na siya papunta sa stage.

"Kaya natin 'to. Tiwala lang." Sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Ang ganda ng ngiti niya kaya nga siguro mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Kinuha ko na ang gitara at pinaupo na siya sa pwesto niya. Sinimulan ko ng tumugtog. At first, okay naman ang performance namin pero sa bandang hulihan na ay nakalimutan niya yung part niya. Eto na siguro yung chance ko na sabihin lahat lahat. Nagpatuloy ako sa pagstrum ng gitara at sinenyasan siya na wag na kumanta. Habang nagigitara ako ay nagsimula na akong magsalita...

"Janine, the first time I met you I felt something I've never felt for so long. As time goes by hindi ko namalayan na unti unti na palang nahuhulog yung loob ko sayo. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sayo kaso nawawalan lang ako ng lakas ng loob. Nakakatawa mang isipin pero sasabihin ko parin na Janine, I think I'm falling for you. I hope you feel the same way."

Nakita ko naman sa mukha niya na parang nagulat yata siya sa sinabi ko. Lahat ng tao dito sa gym ay tahimik lang. Walang ni isang nagsasalita pati siya natahimik pero hindi maitatangging kinikilig siya dahil daig niya pa ang kamatis sa sobrang pamumula. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Hinawi ko rin ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Nagsigawan naman ang ibang mga estudyante dahil sa ginawa ko. 

"Janine, pwede ka bang ligawan?" Tanong ko sa kanya na mas lalong nagpaingay ng paligid. Wala ng atrasan 'to. Bahala na basta sumubok ako. Kabado akong naghihintay sa sagot niya. Please, say yes.

"Makakatanggi pa ba ako?" Bigla akong napangiti na labas lahat ng ngipin. Bungisngis kumbaga. Ang saya ko, sobra. Lahat naman ng tao sa gym ay naghiyawan din. Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.

Pagkatapos ng talent night ay dinala ko siya sa park. Umupo kami sa bench ng tahimik pero bigla na lang siyang nagsalita.

"Patrick, totoo ba yung sinabi mo kanina? Or parte lang yun sa talent?" Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Iniisip ba niyang biro ko lang lahat ng 'yon? It took me a lot of courage para sabihin yun sa harap ng maraming tao tapos akala niya nagbibiro lang ako?

"Kasi kung totoo man yun ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Ibigin ka ba naman ng isang Patrick Sandoval." Tumawa muna siya ng mahina bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Matagal ko ng pinangarap na masabihan ng ganoon ng isang tao lalo na't crush ko pa." Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya sakin. Ewan ko ba pero parang kinikilig ako.

"Janine..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon. Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari pero ganyan talaga ang pag-ibig eh. Di mo namamalayan na nahuhulog ka na pala.

JANINE'S POV

Nagulat ako sa mga sinabi kanina ni Pat pero naka move-on rin naman ako. Hindi ko inaasahan na sa mga sinabi ni Pat sakin kanina ay mas lalo lang mahuhulog ang loob ko sa kanya. Kinikilig parin ako hanggang ngayon pag naiisip ko 'yon.

"Pwede bang hindi na lang ako manligaw?" Tanong niya.

"Bakit?" 

"Kasi gusto ko tayo na agad. Pwede ba 'yon?" Sabi niya at ngumiti sakin.

"Hoy! Manligaw ka muna." Sabi ko naman.

"Hindi na kasi ako makapaghintay simulan ang forever natin eh." Ayan na naman po siya. Hihimatayin na ako dito anumang oras.

"Okay. Tama na nga yang mga banat mo na yan."

"Eto last na lang. Hindi na 'to banat... Janine, kaya kong maghintay kahit habang buhay pa yan. Alam mong mahal kita. Ikaw lang laman ng puso't isipan ko araw araw, gabi gabi. Kung handa ka ng mahulog sabihin mo lang sakin at hindi ako magdadalawang isip na saluhin ka dahil ganun kita kamahal."

Ang swerte ko talaga kay Pat. kahit di pa kami, ramdam na ramdam ko na yung pagmamahal niya sakin. Alam kong di ako magsisisi kapag sinagot ko na siya.

The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon