Chapter 6

3.7K 126 6
                                    

JANINE'S POV

Magkasama kami ngayon ni Peter sa canteen. Sabay daw kaming kakain eh.

"Peter, may tanong ako. Bakit ba ang sungit ni Patrick?"

"Noon kasi, may minahal yang babae nung nasa ibang bansa pa kami. Mahal na mahal niya yun, sobra. Di na nga mapaghiwalay eh. Patrick gave her everything. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Lahat ibinuhos niya kay Sam. Pero ang di niya alam niloloko lang pala siya. May iba pang boyfriend si Sam. Half Filipino, half American. Once, sinundan ni Pat yung sasakyan ni Sam dahil nagdududa na siya. Nakita niya itong may kasamang lalaki at lumiko papuntang motel. And because maraming connections si Pat, nagawa niyang pasukin yung motel at nahuli niya si Sam at yung boyfriend nito. After that, hiniwalayan niya na si Sam. One of the reasons kung bakit kami umuwi sa Pilipinas." Pagpapaliwanag ni Peter.

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng awa kay Pat nung ikwento ni Peter ang nangyari sa kanya dati. Parang sobra naman ata ang ginawa nung girl sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan yung ugali niya.

Anyway, before ko makalimutan, intramurals na pala namin next week. Saang club kaya ako sasali? Gusto ko rin sana makapaglaro since mahilig ako maglaro ng badminton. Pumasok na kami ni Peter sa classroom since malapit na mag ala una.

"Good Afternoon, class." Dumating na pala si ma'am. Mamaya ko na lang ag-iisipan kung saang club ako sasali. "As you all know, intramurals na natin next week at kailangan natin ng representatives para sa Mr. and Ms. Intrams." Sino kaya magrerepresent ng klase namin?

"Ma'am!" Sigaw ni Bianca. Yung kaklase kong maarte.

"Yes, miss Cortez?" -ma'am.

"Diba po kailangan maganda at gwapo ang sumali sa mr. and ms. intrams? So, I suggest ako na lang at si Patrick!" Naghiyawan naman sa loob ng klase.

"Psh." ang tipid talaga magsalita ni Pat.

"Okay? So, wala ng ibang nominees for representative para sa Ms. Intrams? For sure, di na tatanggi si Patrick." -Ma'am

"Wait ma'am! Ako meron pa!" Aba! loko to si Peter ah! ngitian ba ako ng nakakalo-. WAIT! wag mo sabihing..

"I Nominate Janine Reigh Sy, ma'am!"

"Uy! Peter! Ano ba yan?!" Naiirita kong sabi kasi hindi ko talaga feel na sumabak sa mga competitions na yan. Nakakahiya kaya.

"Wala ng ibang nominees?" Wala ng ibang nagsalita kaya pagbobotohan na lang kaming dalawa ni Bianca. As if naman gusto kong sumali sa mga ganyan.

"For sure ma'am ako naman ang mananalo!" Wow! she's overflowing with so much confidence. Edi ikaw na! saksak mo sa baga mo!

"Let's start? Sino ang in favor para kay miss Cortez?" Binilang ni ma'am ang nagsitaasan ng kamay at 13 silang lahat. "How about kay miss Sy?" Patas lang ang botong nakuha namin ni Bianca kaya naghihysterical na naman ang lola niyo te!

Pero ang susunod na mga salitang narinig ko ang nakapagpahina sakin.

"Isali niyo ang boto ko kay Sy. Di hamak naman na mas maganda siya at mas gusto ko siyang makapartner kesa sa kay Bianca." Sabi niya using his cold voice. Siguro naman kilala niyo na siya no?



"Okay, mr Sandoval. So eto na. Ang magiging representatives natin for mr. and ms. Intrams ay sina Mr. Patrick Sandoval and Ms. Janine Reigh Sy. you will be having your practice for the production number every afternoon." Sabi ni ma'am at umalis na ng room.

Lupa kainin mo na ako.

PATRICK'S POV

"Isali niyo ang boto ko kay Sy. Di hamak naman na mas maganda siya at mas gusto ko siyang makapartner kesa sa kay Bianca." Alam kong ikakainis niya talaga to. Ang sarap kasi pagtripan ng payatot na yun eh.

(practice)

"Ayoko na! ayoko na! Back out na ako!" Unang step pa nga lang nahihirapan na siyang gawin. Paano pa kaya kung pagsabay sabayin na yung lahat ng steps? Nakakatawa talaga siya.

"Ba't ka tumatawa jan? Pinagtatawanan mo ba ako?!" Ang ingay talaga ng babaeng to eh. Parang nakalunok ng megaphone.

"Ang ingay mo!"

"Whatever!" Ang childish talaga ng babaeng to. Pero cute parin siya.


Biglang tumunog yung phone ko at unknown number ang tumatawag. Sino kaya to? Sagutin ko na nga.

"Excuse me for a minute." Sabi ko at umalis na.

"Hello? Sino to?"

["Patrick"] sht! ano bang kailangan niya?

"Anong kailangan mo?"

["Magkita sana tayo. Uuwi na ako sa Pilipinas ngayon."] Ayoko nga!

"Paano kung ayaw ko?! May magagawa ka ba?!" Galit na talaga ako kaya ko siya nasigawan.

["Please, Patrick. Pakinggan mo ako."] Wala rin naman akong choice.

"Ge. Tawagan mo na lang ako. Busy pa ako ngayon."

[''sal-"] Hindi pa siya tapos magsalita pero pinatayan ko na siya ng telepono.

Ano na naman bang kailangan niya?! badtrip naman oh! Makabalik na nga!

The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon