Chapter 13

2.4K 84 0
                                    

JANINE'S POV

"Class, please settle down." Sabi samin ng teacher namin kaya tumahimik na silang lahat. "As you can see nadagdagan ng 10 chairs ang room namin and that means may 10 students tayo na magsi-seat in." yung totoo ma'am? "Oh mga bata, pasok na kayo at magpakilala."

Pumasok naman ang sampung nagwagwapuhang lalaki. unang nagpakilala si Shiro. Well, as leader ng group siya daw talaga mauuna then si Kristoff and so on. Pagkatapos nila magpakilala ay umupo na sila sa sarili nilang mga upuan.

"Ang gwapo nila. Kyaaah!" -girl 1

"Yeah right! I'll make sure na magkakaboyfriend ako ng isa sa kanila." -girl 2

"Landiin natin yan mamaya." -girl 3

Ang lalandi talaga nitong tatlong bibe na 'to. Feeling maganda. Nasobrahan lang naman sa make-up.

"Hi Janine! Classmates na tayo oh!" Sabi ni Alex sakin. Nginitian ko na lang siya at tinuon na ang pansin ko sa teacher namin.

Matapos nila magpakilala ay nag lesson na si ma'am pero di rin yun nagtagal dahil may meeting daw sila. Lunch na rin naman kaya ayos lang.

"Janine sabay ka na samin kumain oh." sabi ni Mikhael sa akin kaya sumabay na ako sa kanila papuntang cafeteria.

Pagdating namin sa cafeteria ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Lalo na yung mga babae. Mainggit kayo sakin.

"Malandi!" -girl 1

"Oo nga!" -girl 2

"Tara girls, lapitan natin sila." -girl 3

Ang lalandi talaga nitong tatlong bibe na 'to. Tsk. Napansin ko naman na tumayo sila sa upuan nila at lumapit sa table namin.

"Hi boys!" Sabi ni Lara. Ang leader na nagsabi ng kwak kwak kwak.

"Uhm.. miss, parang naliligaw ata kayo ng table." Sabi ko sa kanila. Nakakainis na eh. nananahimik ako rito pero kung titigan nila ako parang kakainin na ako ng buhay.

"Hindi niyo naman sinabi na may kasama pala kayong yaya." Sabi naman ni Thalia. Nakakainis na ha. Talaga bang sinusubukan nila ako? Akmang tatayo na sana ako ng biglang magsalita si Hannah. Well, ang tanga at slow sa grupo nila.

"Diba classmate natin yan? Mayaman pa nga eh. Paano siya magiging yaya?" See? That's what i'm trying to say. Binatukan naman siya ni Thalia.

"Ang galing mo talaga no? Tanga mo na nga bobita ka pa." Sarcastic na pagkasabi ni Thalia kay Hannah.

"Eh totoo naman diba?" Sagot rin nito.

"Tumigil na nga kayong dalawa! nakakahiya na oh." Sabat naman ni Lara. "Excuse me? Pwede ba mahingi yung mga phone numbers niyo?" Malanding pagkakatanong nito. Hala! Summer tayo girl hindi taglandi!

"No! hindi pwede. Kung wala na kayong sasabihin makakaalis na kayo." Bigla namang sumingit si Patrick out of nowhere. Buti na lang rin at umalis na yung tatlong bibe pero bago sila umalis ay inirapan muna nila ako isa isa.

"Ba't parang ang laki ng galit nung tatlo sayo?" Tanong ni Kristoff.

"Ewan. Di ko rin alam eh. Pabayaan mo na yun sila." Sagot ko naman. Tumango naman siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Puro lang kami tawanan at kulitan hangga't sa matapos. Di ko nga inakala na ganito sila kakulit at di ko rin inaasahan na magkakaroon ako ng mga ganitong klase ng kaibigan.

Ang swerte ko pala.


SOMEONE'S POV

I'm ready to go back. Handa na akong balikan sila, SIYA.

Nagpapasalamat ako sa lolo ko dahil kundi dahil sa kanya wala na sana ako ngayon sa mundong ito.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Gusto ko ng balikan ang pamilyang naiwan ko noon.

Gusto ko ng makita at mayakap ang mga taong mahahalaga sakin.


At higit sa lahat....

Gusto ko na siyang balikan. Aaminin kong mahal na mahal ko parin siya. Sana maintindihan niya kung bakit ko siya nagawang saktan noon. Sana maayos pa namin ang lahat sa amin. Sana ako pa din yung mahal niya.

Sana.

The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon