-Chapter 04-

280 7 0
                                    

Chapter 04

'IM SORRY"

Yan ang sabi ni Bryan habang papaalis ako. Gusto kong bimalik sa kanya, at yakapin habang sinabi na, 'I forgive you'. Pero hindi na ako uto-uto. Kong talagang mahal niya ako, sana inisip niya yun, bago lokohin ako. Pero deep inside of me, I still love him, pero nangigngibabaw parin ang galit ko. Hay, ewan ko talaga tong nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi alam ang ibig sabihin ni Bryan sa sorry niya ehh, is it nagsorry siya dahil nagsisisi siya or is it dahil ginusto niya. Hay naku, ang buhay parang life.

"Ano ba yan"- nawala ako sa pag eemote ko nang may bumangga sakin. Ang sakit ha, napaupo talaga ako sa sahig.

"Yan, para kwits na tayo"

Pagtingin ko sa nakabunggo sakin, kaya pala binunggo ako dahil si Aj naman pala. Nakatingin siya sakin habang ngumingiti ng loko.

"Waaaaaaaaaaaaaaaah"

Umiyak na ako, hindi dahil nabangga ako, kundi gusto ko munang may crying shoulder.

"Uy miss ano ka ba, baka isipin nila ako nagpaiyak sayo"

Hindi ko siya pinansin kundi, niyakap ko siya at umiyak pa.

- Aj's POV-

"Waaaaaaaaaaaaaaaah"

Ano ba nangyari sakanya.

"Uy miss ano ka ba, baka isipin nila ako nagpaiyak sayo"

Marami na kasi ang tumitingin sa amin, at tinitignan ako ng masama.

"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" Niyakap niya ako bigla.

Madami na natuloy ang tumitingin samin.

"Ano ba ang ginagawa mo----------hindi ako ang nagpaiyak sakanya" kakausapin ko na sana siya pero madami na talaga ang tumitingin samin, nandito kasi kami sa hallway.

"Ang sama ni kuya, pinaiyak niya si ate"

"Hindi na talaga mga gentlemen ang mga lalaki"

"Turn-off"- usap usapan ng mga babae.

Kaya, napilitan nalang akong sabihin to'

"HUWAG KANG MAG-ALALA, NANDITO LANG AKO, I'LL BE YOUR CRYING SHOULDER"

"Ay ang sweet"

"Ayieeeeeeeeeeee, gusto kong ganyan ang boyfriend ko" - ganyan, yan ang gusto kong marinig.

-R's POV-

Dinala ako ni Aj sa likod ng school.

"Eto oh"-inabutan niya ako ng panyo. Hehehe, nawala ang pagdradrama ko nung nakita kong pangyo ay kulay pink na may bulaklak. Bakla talaga to'.

"Bakla ka ba?"

"Hindi no, bakit sinabi mo na bakla ako, may ibedensiya ka? O gusto mo ipapatunay ko sayo na hindi ako bakla"- hahaha, kahit in denial pa siya, alam kong may babaeng side ito.

"Ang defensive mo ata. Nagtatanong lang naman ehh"

"Tsss."

Bakit, nagpapanggap pa siya na bakla siya. Eh kahit anong panggap ang gawin niya, bakla talaga siya. Hay, ewan ko sakanya.

"Aalis na ako, salamat pala kanina, kahit alam kong kasinungalingan yun." Aalis na sana ako ng sumigaw siya sabing,

"Wag kang magpasalamat, alam ko na mabait ako. Pero wag kang lalapit sakin, baka mahawa ako sa katangahan mo"

"Sinong tanga ang sinasabi mo? baka ikaw mister. Hindi ko parin malilimutan na binangga mo ako kanina. And by the way, binawi ko ang pagpapasalamat ko sayo" -sabi ko sabay alis.

Sa cafeteria

"San ka galing, hahanapin na sana kita kaso nagugutom na ako ehh" sabi ni Jane nung umupo na ako dal ang tray ko.

"Nagkasalubong lang kami nung bagong classmate natin "

"Yung si Aj? yung gwapo?"

"Sinong gwapo ang sinasabi mo, ang hina ng taste mo Jane"- sabi ko sabay kagat ng burger.

"Ang sabihin mo, nababadtrip ka lang sakanya. May hindi ba ako alam R?".

Tama si Jane, badtrip ako sakanya. Kung alam ko lang, sana hindi ko na lang tinalapid, sana sinipa ko na lang talaga.

Kwinento ko sakanya lahat tungkol sa kanya, especially tungkol sa pagdedeny niya na bakla siya.

"Oh my, sayang ang mukha niya girl. At bakit naman siya nagpapanggap?"

"Ewan ko"

"Sinong sayang?", napatingin kami sa nagsasalita- si Seph. Si Joseph Lynsey, ay kabarkada ko. Sa ng barkada namin, siya ang pinakamadaldal saamin. Minsan nga madadalawang isip kami kong bakla ba to'.

"Ang tsismoso mo talaga"- sabi naman ni Jeff na kasabay niya lang.

"Curious lang kasi, baka tayo ang pinag-uusapan"- Seph.

"Anong paki mo?"

"Badtrip ka atah?"- sabi ni Christine. Sa barrkada ito ang pinaka mapambara. Si Christine Nicole Lloren.

"Sinabi mo pa"- Jane.

Lima kaming magbabarkada , ako, Jane,Jeff, Seph at Christine. Dati, kabarkada pa namin si Bryan, pero dahil sa nangyari nung summer, wala na siya.

"So kumusta ka na R?, kalat na pala sa buong school na wala na kayo. Narinig ko rin na nagawayan kayo ni Nice"- syempre ang dakilang tsismoso.

"Wala ka na bang alam gawin?"- tanong ko with my bored face.

"Ehhh, aminin mo, deep inside mo gusto mo parin magkabalikan kayo"- Seph.

"Suntok gusto mo?"

"Chill. Joke lang naman ehh. Alam mo naman na bagay tayo"- Seph.

"Bagay your face"

Hindi natuloy ang pag-uusap namin dahil lumapit si Bryan. AWKWARD. Lalo na silang apat, binalik balik nila ang tingin papunta sakin, at kay Bryan.

"Pwede bang sumabay?"- tanong ni Bryan.

"Sure,syempre okay lang"- sabi ni Christine. Wow ha, para lang walang nangyari. Umisid si Christine kaya nasa tapat ko lang si Bryan. Ang awkward talaga ng atmosphere, lumilipat lipat ang mga tingin nila, kaya sa pagkain lang ang atensyon ko. Pagkatapos ako nagescandalo sa bar at sinampal ang ex ko, eto siya ngayon sa harap ko,kasabay kong kumain. Wala na akong magagawa, barkada pa naman kami.

Nagring na ang bell. Salamat sa diyos , tapos na ang lunch, feel ko isang oras akong nakatitig sa pagkain. Bumalik na kami sa kanya-kanyang classroom namin.

"R" alam ko kung sinong boses iyon, tumigil ang mundo ko, bakit ang sakit parin? Bakit ganon kasakit ang tama sa puso ko? Maiyak-iyak na ang mga mata ko. Hindi ko ipapakita sakanya na mahina ako. Pinahid ko muna ang mata ko bago humarap sakanya.

"Ano yun?"

"Can we talk after school? Dun sa dating meeting place natin. Hihintayin kita. Please let me explain."- sabi niya at umalis na din.

Nasa tapat na ako ng classroom nang nadatnan ko si Aj.

"Umiiyak ka na naman?"

Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa room. Inisip ko parin ang sinabi ni Bryan sakin. Will I give him a chance or not?.

Pagkatapos ng school, napagdisyonan ko na hindi ko siya puntahan, kong talagang mageexplain siya dapat he'll be the one who'll approach me.

Pagdating ko sa condo, nagpalit na ako ng damit, tsaka humiga na. Nakakpagod na ang maghahabol sa isang tao na ayaw na man sayo. Nakakapagod hanapin ang tao na nagtatago. Nakakapagod ang magmahal lalo nat' alam mo na ayaw niya sayo. Pero ang nakakapagod sa lahat, ay ang paggawa ng homework.

Ang drama ko naman, dapat pagtuunan ko ang pag-aaral kaysa mga love love na yan.

Matutulog na sana ako ng may nag doorbell. Its already quarter to 11, sino ba naman ang bibista sakin?

Pagbukas ko ng pinto.

Si Bryan.

Seducing Aj Garcia, the typical gay: Ang Boyfriend kong BAKLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon