-Chapter 09-

172 4 0
                                    

Chapter 09

Continuation of Jane's childhood

Kanina pa ako natutuwa dahil palaging nadadapa ang batang kasama ko. Kanina pa kami ikot ng ikot sa rink. Kanina rin siyang laging nadadapa. Masaya siyang kasama, madaldal kasi siya masyado kaya hindi boring kasama. Ah , oo nga hindi ko pa alam ang pangalan niya.

"Huy bata, anung pangalan mo?" tanong ka sakanya.

"Ano bang pake mo? Tsaka ba't ko naman sasabihin sayo?"

Sunget.

Tssss, if I know nababadtrip lang siya dahil palagi siyang nadadapa.

"Tatawagin na lang kitang 'Skate'" sabi ko. Ewan pero ayaw niya sabihin ang pangalan niya kaya ako na lang ang bumigay ng pangalan. Naoawkward kasi ako pag tinawag siyang 'bata' ,as if hindi rin ako bata.

"'Skate'? ayoko masyadong panget"

"Kung ayaw mo ng panget, ayaw mo sigurong tumingin sa salamin"

"Tsss, ang gwapo ko kaya. Ayaw mo lang aminin kasi baka mahalata na may gusto ka sakin."

"Hangin. Wohooo, ang lakas ng hangin" pang-asar ko. Well, totoo naman na gwapo siya. Pero masyado siyang humble. Humble talaga siya. Sa sobrang humble, pinagsigawan niya na gwapo siya. Icareer mo yan TEH!

"Ewan ko sayo, pero tatawagin kitang 'Ice'" sabi niya.

"'Ice'? parang ang weird. Bakit naman ice"

"Dahil 'Skate' ako, syempre hindi kompleto pag walang ice. Kaya 'Ice'"

Aaaaaah, gets ko.

Pero mukha siyang endearment. Hindi naman sa masyadong feeling pero parang magkatugma eh.

Napa-alala tuloy ako sa isang kanta. 'Cause your the Apple to my Pie. Your the Straw to my Berry'

Ganun yung lyrics. Parang samin lang, Ice-Skate.

"Ah ok!"

Bumalik naman siya para ikutin yung rink pero palagi parin siyang nadadapa.

"Bwiset!"

Grabe naman siya magmura. Alam ba niya ang salitang 'Patience'?. Tsss, bakit ko tinatanong. Halata namang wala.

"Anong ginagawa mo?" sabi niya habang naka-upo.

"Tuturuan kita" sabi ko sabay abot ng kamay ko.

Tinignana niya lang ang kamay ko. Tss, arte.

"Ayoko!"

"Kung ayaw mo iiwan kita ditto!" pagbabanta ko.

"Oo na!" mag-aarte hahawak naman. Pakipot pa.

I started dragging him forward. Nasa harap niya lang ako,grabe ang kapit niya sa kamay ko. Dagdagan mo pa ang bigat niya. Ganoon lang ang posisyon naming, habang umiiikot sa rink. Unti-unti kong binitawan ang kamay niya. Ngayon, siya na lang ang nagski-skate. Hindi pa siya gaanong nakakabalance, kaya ayun. Natumba naman. Natawa lang ako dahil nagmumura na naman siya.

"Tsss, ayoko na. Ayaw sakin ng skating kaya ayaw ko rin sakanya." Sabi niya ng makatayo na siya.

"Hindi ka kasi bumabalance eh!"

"Tsss, stupid skating" ang asar ng mukha niya. Parang pasan niya ang mundo.

"Nagugutom ako!" sabi niya ng paalis na kami ng rink.

"Anong pakialam ko siya tyan mo?"

"Ang ibig kong sabihhin, samahan mo ako!"

Kaya ayun, sinamahan ko si kamahalan. Kung makapag utos, akala mo yaya niya ako.

Seducing Aj Garcia, the typical gay: Ang Boyfriend kong BAKLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon