C4 - Bracelet

4.1K 121 2
                                    

P/S medyo nakakatamad pa pag 4readers palang hintayin ko nalang rumami pero stay ko muna sya sa drafts ipunin ko muna this ipublish ko na para more fun. Enjoy sa next chapter. ☺

..................................................................

"ROOM 167 KA?" Gulat na tanung ng dalawa. agad naman nilang inalis ang pagkakahaw sa kamay. Di parin makapaniwala si Echo na ka roomate nya si mackie hanggang maka graduate na sila.

"Wala na tayong magagawa, makipagpalit ka kung gusto mo!" Walang pakialam na sabi ni mackie sabay pasok ng dorm.

"Hyss raming makaka roomate sya pa" bulong ni echo sabay buhat at pasok ng maleta. Nakita nya naman si mackie na palingon lingon sa bawat sulok ng kwarto.

"San kang parte matutulog?" Tanung ni mackie sakanya na masungit.

"Ah sa taas nalang ako, sige akyat ko na to ah" sambit ni echo sabay akyat ng kwarto. Agad nyang ibinagsak ang katawanan nya sa malambot na malambot nyang kama at di nya namalayan na unti unti na pala syang kinakain ng antok.

Pasado alas 8 na ng gabi nang nagising sya dahil sa kumukulong nyang sikmura na pahiwatig na gutom na sya. Agad syang nag bihis ng komportableng panglabas at bumaba pag baba nya ay wala doon si mackie kaya pumunta muna sya sa Cr upang maghilamos at mag sipilyo at dumiretso na ng cafeteria. Nakita nya si mackie at alexandra na naka upo at nasa gitna ng court habang kumakain ng chips. Nang nasa cafeteria na sya ay habang nakalingon sya kung nasan yung dalawa ay bigla syang may nasagi na sanhi ng pagkaka upo nya sa sahig.

"Ow sorry po, di po kita nakita" sambit nung lalake tinulungan naman syang makatayo nung lalake "ako nga pala si Andrei Cruz" pakilala ng pangalan at iniabot ang kamay na pahiwatig ng shakehands. Agad naman iniabot ni echo ang kamay

"Uhm. Echo Curtis" pagpapakilala naman ni Echo kay Andrei "wait kaano ano mo si Maam Irene Cruz?" Pagtatakang tanung ni echo kay Andrei dahil cruz din ang apelyido ng teacher nila sa P.E.

"uhm she's my sister" sambit naman ni andrei "san ka pala pupunta" puna ni andrei sa kasama

"ah dito sa cafeteria kakain palang kasi ako" hahatakin na sana ni echo ang pinto ng buksan ito ni Andrei kaya naman nagulat sya at pumasok

"samahan na kita" sabi ni andrei na may ngiti. Agad namam dumiretso si echo sa cashier at kumuha ng dinner at andrei naman ay naghanap nang bakanteng upuan at mesa kaya nakahanap naman agad sya "bakit ka nga pala andito?" Tanung ni echo sabay subo ng pagkain

"ah kasi... nagpapasundo si ate sakin eh pagpunta ko naman ng faculty may ginagawa pa kaya pinaglakad lakad nya muna ako at nakita naman kita so your nice kaya sumama ako" natawa naman silang dalawa.

Matapos kumain ni echo ay pinasyal nya muna si andrei sa labas ng skwelahan nila at pumunta sila ng plaza na walking distance lang sa skwelahan nila. Agad silang naupo sa sementadong upuan

"ay may mga tusok tusok dun oh kain tayo" pagyayaya ni andrei sa kasama agad namang nagtaasan ang kilay ni echo dahil first time nya lang itong narinig.

"Tusok tusok?" Pagtatakang tanung ni echo

"di mo yun alam? Mayaman ka pala eh. Pagkain yun na dinudutdot sa sauce tapos halo halong pagkain. Kadalasan Kikiam, Fishball, Kwekkwek at may hotdog rin na piniraso piraso" napa lunok naman si echo sa nalaman "dito ka lang ha papatikim ko sayo" sabi ni andrei sabay alis

"w..wai..." ngunit naputol ng biglang umalis si andrei para bumili wala naman syang ibang nagawa kundi tingnan nalang ito at hintayin. Nang nakapag bayad na si andrei ay may dala itong 2 paper plate na may tig iisang pagkain.

Room Mates Meets (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon