C25 - LET GO

1.6K 66 3
                                    

ANg sama ko talaga di ko marunong tumupad sa usapan. Hyss hello readers. How's my story naman? Comment naman kayo sa baba para di ako nawawalan ng gana. Support nyo naman to please? 😢 enjoy reading

.................................................

Wala ako sa sarili habang tinatahak ang daan papuntang park malapit sa rest house namin. May kunding kaba akong nararamdaman dahil baka kung ano ang masabi ko lang kay mackie ayaw kung magka sumbatan kami dahil lang dito. Gusto kong ayusin to pero nung nalaman ko na pinaglaruan lang ako ni mackie parang ayokong ituloy ito pero ayoko rin masayang yung effort nya sa pag aantay sakin ng ilang oras makausap lang kaya i will give him a chance to explain pero sa relationship namin? I don't know? Hindi ko alam. Bahala na si batman!

Mackie POV

Halos ilang oras na ako dito sa park ka aantay kay echo. Darating pa kaya sya pero nag promise sya na pupunta sya kaya kahit ulang oras pakong mag antay dito di ako aalis hanggang sa dumating sya. Lahat sasabihin ko na lahat lahat para wala ng gala. Gusto kong humingin ng tawad sakanya bago pa ako mawalan ng pag asang magka ayos pa kami. Ayokong maunahan ako ng malas dahil hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko kung mawala pa si echo sa buhay ko.

Sya ang dahilan kung bakit ako nag ka ganito. Kasalanan nya to eh dahil dapat ang isang ALVAREZ na tulad ko ay sa babae nag kakagusto pero bakit kay echo? Pero aaminin ko na wala akong pinag sisisihan sa mga ginawa kung decisyon. Mahal na mahal ko si echo at kahit na alisan man ako ng mana ni daddy i don't care alam kung panalo naman ako sa huli dahil sakin yung bagsak ni echo. I don't want to waste this oppurtunity. To let go echo? No way! I can show him how much i love him and can do all just to give me a chance.

Andito parin ako sa harap ng kalsada naka upo sa may malaking puno habang hinahanatay si echo. Di rin kalaunan ay may pumarada kotse sa harap ko. Mag didilim na at nag sisimula narin mag si alisan ang mga tao dahil medyo paunti unti ng pumapatak ang ambon galing sa kalangitan.

Biglang bumakas ang pinto sa driver seat at napatayo nalang ako sabay nang aking pag ngiti ng nakita ko ang napakagandang lalakeng nasa harap ko. Di ko lubos maisip na sinaktan ko ang taong to. Ang bobo ko dahil sya nalang yung nag papasaya sakin papakawalan ko pa.

"I'm glad na naka rating ka ng maayos at tumupad ka sa usapan ka---kahit na late ka" nakangiti kong banggit sakanya. Pero di man lang sya ngumiti at seryosong nakatingin lang sa mukha ko. Sh*t kinakabahan ako.

"Ano ba pag uusapan natin. Naaabala ako alam mo ba yun?" Masungit nyang banggit. Inirapan nya lang ako at binaling ang tingin sa ibang couple na mag ka akap sa paligid.

"Ma--may gusto lang akong sa-.." banggit ko pero hinarangan nya lang ako sa pag sasalita ko.

"Alam ko na mackie wala ka ng dapat i explain sakin dahil alam na alam ko na lahat ng pang gagago mo. Congrats Mackie Alvarez you are the best playboy brat in the world." Sabi nya na mas nag pa kunot ng noo ko habang pumapalakpak sya. I don't understand hindi ko alam kung ano gusto nyang sabihin. Naguguluhan ako

"W--what do you mean?" Utal kong tanung sakanya habang patuloy parin sya sa pag papalakpak at pang iinsulto sakin

"Gusto mo malaman ang p*tang inang pang loloko mo ha?!!!" Sigaw nya sa harapan ko kasabay ng pag tulak nya sa dibdib ko na nag paatras saakin ng mahina. Ngayun ko lang nakita si echo na ganito ka aggressive magalit. Hindi ko sya makilala sa mukha nya ngayun dahil alam kong binabalot na sya ng galit. "Ngayun sasabihin ko na! Alexandra talk to me before that why i'm late. She confess everything, ang pang lalaro mo sa akin, ang pang liligaw mo sakanya kaya nagawa mong paglaruan ako, at ang pekeng relasyon natin!" Binalot na ng galit ang taong pinakamamahal ko. Nag simula narin tumulo ang mga luha nya sa pisngi nya. Ang tanga ko bakit kase di ko yung clinear kay alexandra noong na fafall na ako kay echo. Ang tanga ko ang bobo ko!!! "Happy? Are you happy for fvcking playing with me? Kung ikaw masaya ako nasasaktan dahil minahal kita mackie minahal kita ng lubos. Ginawa ko lahat para maging perfect to tapos ito lang igagante mo? Ano bang kasalanan ko para pag laruan nyo ako? Kung gusto nyung pag laruan ako wag naman sa ganitong paraan dahil nasasaktan din ako at patin rin ito. (Crakkkk)" hinawakan nya ang puso nya na mas nag pa konsenya saakin ng sobra nag cacrack narin ang boses nyo sa sobrang iyak. Ang sakig rin pala naninikip na ang dibdib ko at alam kung ilang oras nalang ay babagsak narin ang kanina ko pang pinipigilang luha. "Lahat ba nang efforts mo pakana mo lang para mas ma fall ako sayo? Ang tanga ko rin lang dahil naniwala ako sayo. Naniwala ako na totoo lahat ng pinakita mo." Hindi ko na napigilan ay sinabayan ko na sya sa pag iyak tumulo na ng sobra ang luha ko na mistulang baha na sa tabi ng ilong ko. Gustong gusto ko syang yakapin pero nangunguna parin ang takot ko na baka pag tabuyan nya lang ako. Hahayaan ko muna syang ilabas ang galit at pagkatapos nito ay ako naman mag papaliwanag.

"Mahal na mahal kita mackie pero ngayun galit na bumabalot sa pagmamahal na yun dahil sa kaplastikan mo." Ang sakit sabihang plastik kahit hindi totoo. "Pero alam kung wala nang patutunguhan to dahil babalik kana kay alexandra diba?"

"Hindi sayo ako echo sayo ako" pagmamakaawa ko sakanya. Hinawakan ko narin sya sa balikat pero pilit nya lang itong tinanggal.

"Tama na ang lahat ng pangloloko mo mackie dahil ngayun pinapakawalan na kita. Masakit pero kailangan kung tanggapin dahil kahit kailan hindi tayo matatanggao ng lipunan at di rin kita mabibigyan ng anak na si alexandra lang makaka gawa. Ayoko rin masira image nyo mackie kaya please lang paalisin mo narin ako" naiyak na ako sa mga sinabi nya. Hindi hindi totoo to. Hindi ko kailangan ng anak para makompleto lang ang buhay ko. Satisfied na ako na si echo lang ang buhay ko.

"No echo wag please wag. Nag mamakaawa ako. Hindi ko kailangan ng anak ma satisfy lang ang pangangailangan ko. Dahil sayo palang kompletong kompleto na ako please echo maniwala ka sakin minahal kita ng higit pa sa inisip mo noong tayo pa. Kaya wag mo ko iwan please" lumubod na ako sa harap nya. Nag titinginan narin ang mga tao sa paligid namin at mangilan ngilan rin daw samin ang nakaka kilala dahil sa mga trending photos namin sa social media.

"Mackie listen to me. Kahit na niloko mo ko ikaw parin naman laman nito at hindi yun magbabago. Hahayaan ko nlang na lamunin na ng limot ang lahat at mag babago na ako" itinayo nya ako galing sa pagkaka luhod pero kita ko parin ang galit nya saakin. "Mag papa alam na ako mackie. Tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Sana sa pag alis ko at pag balik ko ay masaya kana sa piling ng ibang tao or kay alexandra. Hinding hindi ko nalilimutan lahat ng efforts mo na nag pa kilig saakin kahit na alam kong fake lang yun ay kinilig ako. Salamat dahil hindi mo ako sinaktan ng pisikilan dahil mas hinding hindi kita mapapatawan kung ganun. Maraming salamat dahil marami akong natutunan sayo at sa pag mamahal. Mamimiss kita mackie sana naging masaya kana sa mga ginawa mo. Hanggang sa muling pag kikita." Mas lalong bumuhos ang luha ko sa mga sinabi nya. Ayoko ko ayoko talaga. Akma na syang aalis pero pinigilan ko sya at binigyan ng mahigpit na mahigpit na yakap.

"Wag kang aalis echo please? Wag mo kong iiwan. San ka naman pupunta? Hindi ko kakayanin echo. Please wag!" Patulog parin ako sa pag akap sakanya kahit alam kung hindi nya ito binalikan ng akap.

"Sasama na ako kay kuya papuntang italy mackie para makalimut sa lahat. Dun ko narin ipag papatuloy ang naudlot kong eskwela dito sa pilipinas. May isang pabor lang ako sayo mackie. Wag na wag mung pababayaan ang katawan mo ha. Kumain sa tamang oras. Sana maging masaya kayo ni alexandra." Kinalas nya na ang yakap ko sakanya at itinapat ang mukha ko sa mukha nya. Ipinahid nya ang hinalalaki nya sa mga tumutulong luha ko sa mukha. Kita ko rin ang mapupula nyang labi na kay sarap halikan pero pinipigilan ko parin dahil rerespetuhin ko si echo. Nang maalala ko ang sinabi nya na aalis sya ng bansa ay parang bumalik ang sakit na nararamdaman ko. Iiwan na ako ng taong pinaka mamahal ko. Pero pano ko masusunod lahat ng sinabi nyang wag kung pababayaan ang katawan ko kung sya ang hinahanap nito. Sya ang sustansya ko at sya ang nag papasaya saakin magagawa ko ba yun.

At sa huling pag kakataon ay inakap nya ako na nag pa tindig ng balahibo ko. Alam kong hahanapin ko tung akap nato 

"Aantayin kita echo hanggang sa pag dating mo" umiiyak kong bulong sakanya habang naka akap parin

"Hanggang sa muling pag kikita mackie. Mahal na mahal kita" mas lalo nya pang hinigpitan ang akap nya at naramdaman ko nalang ang halik sa pisngi ko bago nya tuluyang kinalas ang yakap at umalis na sa harap ko.

Tiningnan ko lang sya habang lumalakad papuntang kotse nya at nang maka pasok na sya ay umaasa parin akong babalikan nya ako parang sabi oy joke lang yun mahal na mahal kita ano kaba pero ng makita ko na pina andar nya na ang kotse nya ay nawalan na ako sa pag asang iyo haggang sa nawala na sa paningin ko ang kotse.

Naiwan akong luhaan at nakaupo dito sa park. At ang kanina pang nag babadyang ulan ay ngayun lang bumuhos na parang inantay lang maka alis si echo.

"Mahal na mahal kita echo. Hanggang sa muli" bulong ko sa hangin bago pa tuluyang inihiga ang ulo ko sa naka bend kong bente.

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Success ang ganda ng paka gawa ko ng kwnetong to hindi ba? Hahahaha comment ka kung nagustuhan mo ang kwentong to. Don't forget to click the star or 'vote' and the lowest part of your screen. Thank you for reading mwa 😘

Room Mates Meets (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon