Chapter 28

1.5K 46 1
                                    

Hello readers! I would like to thank you all for reading this story. Kahit na di ako sigurado sa kalalabasan nito still sinuportahan nyo parin ako. Thankyou to all of my readers na nag take advantage dito lalo narin sa mga patience nyo kapag di ako nag uupdate about this. Sana ma subaybayan natin ang malupit at kahindik hindik na pagtatapos ng dalawa nating bida. Siguro kung totoo rin sila laking pasasalamat rin nila dahil binabasa nyo ito.

Enjoy this chapter guys.

Alexandra? Gulat na sabi ko ng biglang maagilap ng aking mga mata ang babaeng sumira ng lahat. Ang babaeng nagbalak kaya ganito kami ni mackie ngayun.

Pero ano ginagawa nya dito? Bat nya ako sinundan bat hindi ko sya nakita kanina sa loob. Nagtago ba sya?

Ano ginagawa mo dito? Umalis kana alexandra okay na ako oh. Aalis na nga ako eh masusolo mo na si mackie ng wala ako. Ano pa ba gusto mo. Bigyan kayo ng basbas? Pagtataray kung sabi. Naramdaman ko naman na huminto na ang van na aming sinasakyan na ibig sabihin ay nandito na kami. Agad kung binuksan ang pinto at nag lakad palabas. Mukang nakalimutan ko narin ang aking mga kaibigan pero ramdam ko na sumusunod sila saakin papasok ng airport.

Echo, wait nahihirapan ako maglakad! Rinig kung sabi ni alexandra na nakasunod rin pala sakin. Kasalanan ko ba tumakbo sya ng naka 8 inches high heels?

Ano ba kasi kailangan mo? Aalis na kami ni kuya inaantay nya na ako. Magbabadya na sana akong umalis ng bigla nyang hinawakan ang mga braso ko.

May kailangan kang malaman echo. Batid nya saakin. Ha? Ano na sila na ni mackie? Oh sasaktan ba nanaman nila ako?

Kung ano man yan wala na akong pakialam alexandra. Mananahimik na nga ako diba? Padabog kung sabi

May pakialam ka echo. Kaya please kahit ngayun lang pakinggan mo ako. Sinsiridad na banggit ni alexandra. Ramdam ko rin ang kanyang lungkot sa pagbigkas ng bawat letra. Pero ewan

Binalak nyo ba to ha? Tanung ko sa apat na kaibigan ko na nasa likod ko habang nanonood saamin. Wala akong ibang narinig sakanila kundi ang kanilang pag angat ng mga ulo na ibig sabihin ay OO Hurry up alexandra! Baka maiwan kami ng eroplano wala parin akong balak makinig sa sasabihin nya dahil alam ko naman na masaya na sila. Masaya narin ako para sakanila labag man sa loob ko pero kailangan talaga dahil mahal ko si mackie at alam kong itong ang makakapag pasaya sakanya.

Nabalot kami ng kunting katahimikan

Simula nung bumalik ako dito para tumutol sa pag iibigan nyo ni mackie kala ko magiging madali lang ang lahat pag umpisa nya ng pag papaliwanag. Oo madali lang naman ang lahat e ang dali nya ngang nakuha si mackie sakin

Aminin ko echo na nagkamali ako. Alam kong masamang mang agaw ng iba. Pero hindi ako tinigilan ng konsensya ko na kapag nagpahuli ako, ako ang matatalo. Madali kong naagaw sayo si mackie dahil alam kong may gusto pa sya sakin pero lumalim ang mga araw dun ko lang napagtanto na wala na pala talagang pag asa na kahit sa panahinip nya ikaw ang hinahanap nya na kahit kapag lasing sya ikaw parin ang bukang bibig nya. Wala akong laban sayo echo dahil ikaw ang minahal ni mackie ang tanga ko kase dahil nag deal pa ako sakanya yan tuloy na fall sya. Kaya echo do me a favor please. Pag putol sa pagkahaba habang nyang paliwanag. Hindi ko narin nga napansin na nakikinig na pala ako sakanya at ramdam ko nanaman ang butil ng luha na dumadampi sa mga pisngi gayun'rin si alexandra. Agad naman nag sink in ulit sa utak ko ang hinihingi nyang pabor.

Ano yun? Bilis. - Echo

Wag mo ng hayaan si mackie na magkaganoon please wait bakit ako? Sya na yung girlfriend diba. Aalis na ako wala na kaming connection Wag kanang umalis, mahal na mahal ka nya echo ramdam ko at alam kung hindi ko na yun mapapantayan pa tulad ng pagmamahal mo. Pinauubaya ko na sya sayo echo kaya Go na. Pagpatuloy nyo na yung nasira kung relasyon. At sa muling pagkakataon ay mas lalong bumuhos ang luha ko. Ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan ni alexandra ngayon. Ganun din naman naramdaman ko nung nag paubaya ako. Pero tama ba ang sinabi nya na wag na akong umalis para ipagpatuloy lang ang relasyon namin?

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak saakin para umabante ng kaunte at bahagyang siniil ng yakap ang babaeng nasa harap ko. Nakakagaan rin ng pakiramdam to. Ramdam ko ang pag hikbi nya kaya himimas ko ang likod nya at mas hinigpitan pa ang yakap.

Room Mates Meets (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon