Ending ✨

2K 51 3
                                    

This is the last chapter of my story guys 😢 sana magustuhan nyo to. Wag nyong mamimiss story ko ah hahahaha. Comment kayo sa baba kapag natapos nyo na basahin.

It's been 4 months since nung nag prepare kami for our weeding ni mackie sa canada, ang rami naring nangyari magaganda samin. Naging CEO na si kuya sa company namin at nag karoon narin kami ng time ng family ko para mag bonding.

And now,

It's my big day para maging official na ang pag sasama namin ni mackie at wala na kung sino man ang pwedeng makapag agaw sakanya.

Ginawang beach weeding ang kasal na napagkasunduan naman ng lahat. At ito ako ngayun nasa isang kwarto tinitingnan ang sarili sa salamin. Suot ko ang isang puting dress na binagayan ng hawak hawak kung bulalak hindi na ako makapag antay makita ang groom ko at si mackie yun. Wala na akong mahihiling pa sa araw na ito kundi ang maging masaya lang kami at wala ng gumulo kailan man.

Nak, are you ready? Rinig kung boses ng isang babae kasabay ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. Tumambad saakin ang napakagandang babae sa buhay ko. Si mama

Yes ma, i'm ready kasabay nun ay ang pag ngiti ko sa kanya sabay ang isang napakahigpit na yakap.

Di ko akalain na ang laki mo na anak, dati kalong kalong lang kita ngayun ikakasal kana halis mangiyak ngiyak na banggit ni mama.

Biglang nag flashback sakin yung mga kabataan days ko na halos puro laro lang at pag aaral ang inaatupag ko. Sariwa parin sa isip ko ang unang araw na binigyan ako ni mama ng isang coloring book na spiderman at isang kahon ng crayons na nag lalaman ng iba't ibang kulay. Pero ngayun ako naman ang magkukulay ng sarili kung buhay kasama si mackie.

Inayos ni mama ang suot kung dress at ang mga bulalak na naka patong sa ulo ko. Hindi ko na napigilan ang pagluha ng mga mata ko at kasabay ay ang isa pang mahigpit na yakap sa mama ko.

Let's go, kanina pa sila nag aantay dun at magkasabay namin hinatak ni mama ang daan papuntang venue.

Inalalayan ako ng mga kinuha naming organizer sa kasal at dinala ako sa isang maliit na pasukan para paghandaan ang pag pasok ko. Nababalutan ang kinaruruunan ko ng isang malaking tela na may hiwa sa gitna.

Nagsimula ko narin marinig ang nag gagandahang pyesa galing sa kinuha namin banda galing pang pilipinas

N/P: Ikaw

Nag simula nang mag bukas ang tela at unti unti kung nakita ang mga imbitado sa kasal namin. Nandito ang mga iba kung kabatchmates at kaklase ko nung elementary. Mga ninang at ninong ko sa binyag at nakita ko rin ang daddy at little sister ni mackie. Nasa kabilang upuan naman ang 4 kung kaibigan na sila chin. Panay nga ang kuha ng picture saakin habang nag lalakad. Nakita ko rin si kuya sa unahan ng upuan namin malapit nakangiti. Nginitian ko rin sya bilang ganti.

Hindi mo na ako baby ngayun kuya paglakad sa isip ko. Mamimiss ko rin ang pag bebaby sakin ni kuya.

Patuloy parin ako sa pag lalakad kasama sila daddy at mommy ng bigla akong nahumaling ka kagwapuhang kahaharap palamang. Ang lalakeng alam kung mag bibigay ng magandang buhay saakin. Ang lalakeng alam kung hindi ako pababayaan hanggang sa katapusan ng aming buhay. Ang lalakeng alam ko na una palang kami na at wala ng tututol pa. Masaya ako sa ganitong sitwasyon yung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para makuha mo ang dapat naman talaga sayo. Mahal mo sya kaya wala ng patumpak tumpak pa Karakaraka hahaha chos bawiin mo dapat ang iyo dahil kung alam mung sasaya ka dun why not kung gawin mo ang tama diba?

Nag umpisa na akong iwan ni mama at papa at tsaka nila ipinagka ubaya ako kay mackie. Ngayun ito hawak ang kamay ko ni mackie. Nakaka kilig pakshet hahahaha

Bago natin umpisahan ang kasalan, may mga tumututol ba? Pilipino si father, pero dito talaga ako kinakabahan sa tanung nya. Baka kase may tumutol at sirain ang bonggang kasal namin.

Nanatiling tahimik ang mga tao na senyas na wala ngang tumututol.

Pagkatapos nun ay pinaupo na kami at tsaka na kami senermunan.

Maaari na kayong mag tapat sa isa't isa banggit ng pare

Kinuha ni mackie ang microphone galing sa table na nasa harap namin. At inumpisahan ang mensahe.

"Hindi ko alam kung pano natin naumpisahan ang lahat bago tayo naging ganito mahal, ang gusto ko lang matapos ang buhay natin ng magkasama at nagmamahalan. Naalala mo ba nung pinagtripan tayo ni alexandra? Yun na yung pinaka memorable sa lahat dahil dun mo pinakita sakin na kung ano man ang mangyare saatin mas tatangapin mo pang ialay ang buhay mo para lang sa pagmamahal mo sakin. Dun ko napagtanto lahat na kahit anong sakit ang naibigay ko sayo di parin pala mawawala ang pagmamahal mo. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo na nagbigay ng chance sakin para mas maging maayos ang buhay ko. Ikaw lang ang gumawa ng paraan mahal kung bakit umayos ang buhay ko. Ngayun na ikakasal na tayo wala na akong hihilingin pa kundi ang mapasaya ka at bigyan ka ng halaga. Hindi ko man maipapangako na hindi kita masasaktan gagawin ko parin ang lahat para magkaayos tayo. Mahal, kung sakali man na maging cold tayo sa isa't isa sana gumawa tayo ng paraan para bumalik ulit yung spark na hahanapin natin kung sakali. Ipagtatapat ko sa harap ng Panginoon na aalagaan kita at mamahalin sa lahat ng oras"  napakahaba nyang pagtatapat sa harap ng lahat tsaka isnuot ang singsing sa daliri ko. Di ko na rin napigilan ang mga luha ko gusto ko ng matapos to at idiklara na kaming mag asawa. Gusto ko na syang makasama

"Hindi ko na alam lahat ng sasabihin kundi, salamat sa lahat ng pagmamahal at inalay mo sa loob ng higit 2 taon na ating pagsasama. Sa lahat ng magagandang asal na binigay mo sakin para mas magustuhan kapa. Pasensya sa lahat ng pagkukulang ko at mga di ko kayang ibigay sayo. Pero kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ng puso ko. At tandaan mo mahal, na kahit tumingin ako sa iba... wag kang mag alala kailan man di titibok ang mga mata. At nangangako rin ako dito sa tapat ng maraming tao at sa ating Panginoon na gagawa rin ako ng paraan para wag mawala ang spark natin sa isat isa. Mahal na mahal kita mackie" pagtatapat ko sakanya sabay ang pag lagay ng singsing sa daliri nya. Sabay sabay naman nag palakpakan ang mga tao sa kasal namin at tila sinisigaw ang mga katagang

Kiss
Kiss
Kiss

Nagulat nalang ako ng bugla akong hilain ni mackie at siniil ako ng napaka lalim na halik.

MAHAL NA MAHAL KITA

Huling banggit nya bago nya ako kinarga at naglakad papunta sa nakaabang na sasakyan sa tapat namin.

Room Mates Meets (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon