C9 - Mag On ❤

2.6K 73 0
                                    

Lumipas ang 2 araw ay bumalik na sila sa kanilang skwelahan at pinagpatuloy ang na udlot na skwela. Sila'y nag handa sa pag rereview para sa darating na exam kaya abala ang lahat sa pag rereview lalo na si echo na gustong ipasa ang exam. Pagsapit ng lunch ay pumunta muna sya sa dorm upang magpalit ng damit, pag bukas nya ng pinto ay nakita nya si mackie na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Agad nya itong nilapitan at tumabi. "Kumain kana?" Tanung ni echo si mackie naman ay umiling iling na pahiwatig ay hindi pa hinila naman ni echo ito ngunit nag pumilit si mackie "ayaw mo? Samahan mo ko" nag lalambing na boses ni echo "ayoko ikaw nalang tinataman ako eh" hindi ma iyon pinansin ni echo at naglakad nalang palayo na parang nag tatampo. Nasa cafeteria na siya nang nakita nya ang mga kaibigan nyang si Chin, Mark, Sofia at JL agad naman itong naupo sa tabi nila at tila'y nag mumukmok at kunot ang noo. "Oh bat parang simangot ka?" Tanung ng mag babarkada habang tumatawa "wala, nagugutom lang ako saka pagod ako ka rereview z" pagsisinungaling nito kahit alam nyang hindi naman ito ang rason kung bakit sya naka kunot ng noo "alam mo gutom lang talaga yan tara mag order na tayo wala naman ng pila oh" sambit ni chin at sabay sabay silang tumayo't pumila sa cashier.

Lumipas ang oras ay balik classroom na ang lahat wala parin kibo si echo at nag mumukmok lang sa isang tabi habang nakikinig sa lessos si mackie naman ay pailing iling lang at parang alam nya na kung bakit tahimik ito at nag iisa sa likod na di nya naman upuan. Natapos ang skwelaha ng alas 5 at nag si baba na sila habang si echo naman ay nakikipag usap sa mag babarkada at bigla naman lumapit si mackie at hinila ang kamay agad naman syang nag bigay ng signs sa barkada nito na hayaan silang mag usap. Wala parin kibo si echo kaya kinausap nya ito "anu ba problema mo?" Tanung ni mackie habang naka harap kay echo at hawak ang kamay hindi kumibo si echo at patuloy parin ito sa pagyakap. Agad na nabuhay ang presensya nya ng bigla syang inakap nito mackie kahit alam nyang maraming nag titinginan ang mga studyante sakanila. Hinayaan nya nalang ito hanggang tumulo ang luha nito at naramdaman iyon ni mackie "sorry na promise babawi ako wala lang akong mood kanina" sambit nito habamg yakap yakap hinila nya ito at pumunta sa dorm "palit ka ng damit may pupuntahan tayo" excited na boses ni mackie hindi na nag tanung si echo at pumunta nalang sa kwarto nya at nag bihis. Tumungo sila sa isang mall at namasyal masyal. Pansin ni mackie ang bagong suot ni echong sapatos at namangha sya sa sobrang gandang pumili nito "bago?" Tanung ni mackie sabay turo sa sapatos habang naglalakad "ah oo, binili ko yan nung nagalit ka sakin. Remember?" Panunukso ni echo at natawa naman eto "ikaw naman syempre concern lang ko nun. Pero ang ganda ha" papuri ni mackie  para makabawi sa sinalita ni echo hahahaha

Kumain sila sa Mcdo at habang omoorder si mackie at nakaupo si echo bigla nitong nakita si andrei habang nag lalakad at hawak ang cellphone nilapitan nya ito at tinawag tumingin naman si andrei at tiningnan ang baba ni echo na suot din ang bagong sapatos at ngayun ay suot nya rin ang sapatos nito. "Oh whatsup, whoo suot mo ang sapatos mo ha parehas na tuloy tayo" nagtinginan naman sila at nagtawanan nakita ni mackie si echo na may kausap at inilapag ang pagkain at dumiretso kung nasan si echo "tara na ready na yung pagkain" sambit ni mackie sabay akbat sa balikat ni echo nagka tinginan naman silang dalawa at pansin neto ang parehas na sapatos na suot ng dalawa alam nya sa sarili nya na nasaktan sya at hindi nya nalang iyo pinakita at naunang pumasok sa mcdo. Sumunod naman ang dalawa sakaniya at nag order din si andrei para sa sarili nya naupo katabi ni mackie si echo at sakto ay dumating na si andrei na umupo sa tapat nila. Habang kumakain si mackie ay nagkakatuwaan ang dalawa kaya ramdam nya na nagseselos na sya dahil sa closeness nito. Humawak sa balikat ni echo si mackie kaya napatingin naman ito sakanya "ubusin mo na yan uwi na tayo pakatapos" sambit ni mackie sabay ngiti ito pero hindi nya parin tinatanggal ang kamay nito sa balikat. Lumipas ang minuto ay kakatapos palang kumain ni echo ng bigla syang hilahin ni mackie kaya nagulat ito maging si andrei. "Sige babye thankyou sa time ha!" Sigaw ni echo kay andrei habang papalayo at hawak ang kamay ni mackie. Habang nasa kotse sila ay wala parin kibo si mackie  "nag enjoy kaba?" Sabay hawak sa legs ni mackie, tumango naman si mackie "bat naka kunot ang noo mo tingnan mo oh pumapanget ka?" Sabay hawak sa mukha nito ngunit iniwasa ito ni mackie "wala pagod lang" tugon ni mackie at sakto ay ginarahe na nito ang kotse sa parking lot at pumasok ng dorm sumunod naman si echo at tila'y naguguluhan sa nangyayari "heto nanaman ba tayo?" Tanung ni echo na mukang napupuno at naluluha "ano ba problema mo?" Puna nito "WALA NGA! TANUNGIN MO SARILI MO!" sigaw ni mackie at galit nagulat naman si echo dahil sa taas ng boses ni mackie "wala akong alam! Anu nga ba dahil ba ki andrei ha?!" Naluluha naring sabi ni echo "alam mo naman pala, inaya nga kita para tayo lang dalawa mag sasama ka pa!" Sigaw nanaman nito at tila'y kita na sa mga mata ni echo na gumigilid na ang mga luha "may pa pare parehas pa kayo ng sapatos oh talagang sinadya nyo talaga yun?!" Puna nito "hindi nakita ko lang sya! Chaka eh anu naman ngayun kung parehas kaming sapatos? Nagkataon lang yun mackie! At saka bakit galit ka! Ha wala naman dapat ikagalit diba?! Sapatos lang yun pag aawayan pa natin. Napaka bata mo mackie!" Hindi kalaunan ay bumuhos na ang luha nito sa galit "Hindi mo ba talaga naiintindihan echo? Echo naman ang rami mo ng hindi nalalaman. Nahihirapan na ako sa sitwasyong to. Ayoko ko na ng ganito ayoko ng lahat! Ang hirap mag panggap na okay echo alam mo ba yun?! NAG SESELOS AKO ECHO DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI DAHIL KAIBIGAN KITA MAHAL KITA! GUSTO KITANG LAYUAN NOON NGUNIT HINDI KO KAYA KASI MAS LALO AKONG NASAKSAKTAN LALO NA'T PAG HINDI KITA NAKIKITA. NAIINTINDIHAN MO YUN!" Naiyak na si mackie at napaupo na sa sofa gulat naman si echo sa mga sinabi nito at di pa rin makapaniwala agad naman itong tumabi at hinawakan ang mukha habang umiiyak "akala mo rin ba ikaw lang nahihirapan mackie? Ako rin nasasaktan din ako kasi hindi ko alam kong ano meron satin at kung anu pinakain mo para magkaganito ako sayo. Pero mahal na mahal din kita mackie pero bawal to bawal." Naiyak na ito at napayakap nalang kay mackie. Tila'y biniyak ang kanyang puso ng sabihin nya iyo. "Walang bawal echo walang bawal mahal kita kaya hindi ko iisipin ang bawal nayan. Wala akong pakealam kung anung sasabihin nila hito ako heto tayo. Ano pa ba problema dun? Wala tayung ginagawang masama echo kaya sana pag bigyan mo ako. Can i be your boyfriend Echo?" Ramdam ni echo ang pag tigil ng oras at kanilang mga puso na lamang ang kanilang naririnig dahil sa sunod sunod na pag tibok nito binalikan nya ito ng ngiti at yakap kay mackie "oo mackie oo mahal na mahal kita kaya oo mackie" hindi maipinta ang saya ng dalawa at biglang nalamang binuhat ni mackie si echo at tuwang tuwa sa pag sagot nito. Alam nya sa sarili nya na tama ang ginagawa nya at wala syang natatapakan na tao.

Room Mates Meets (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon