Thanksgiving

24 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw na hindi ko nakita si Kuya Patrick pagkatapos nilang mag-ayos ng gamit. Marahil ay madalas kasi akong nasa paaralan at pag-uwi ay gumagawa agad ng takdang-aralin. Nakakalabas naman ako ng bahay para maglaro; ngunit hindi nagkakataon na nakikita ko siyang nasa labas.

Araw ng Aking Kaarawan -- Ginising ako ni Inay ng madaling araw para magpa-Thanksgiving. Ugali kasi namin ang pumunta ng simbahan at mag-alay ng panalangin sa tuwing sasapit ang kaarawan ng sinuman sa aming pamilya. Dahil tulog pa si Kuya galing sa pagba-basketball at pagpupuyat, kami lang ni Inay ang umalis.

Madilim pa noon nang kami'y nakauwi. Nakabili na rin si Inay ng maihahanda sa aking birthday party na gaganapin sa hapon. Nagdesisyon si Inay na maglakad kami mula sa gate ng subdivision pauwi sa bahay. Malapit lang kasi ang aming bahay sa may gate ng subdivision.

Nang kami'y malapit na sa bahay ay nakita kong lumabas si Kuya Patrick ng kanilang bahay. Nakapang-basketball shorts at sando si Kuya at may hawak na bola. Nakita niya si Inay at bumati, "Hi Tita Jean!".

"Good morning, Patrick! Ang bati naman ni Inay kay Kuya Patrick. "Anak, pumunta kayo ni Mareng Beth mamaya sa amin at may konti kaming handa dahil birthday ni Benz."

"Wow! Salamat po. Sasabihan ko po kay Nanay." ang sagot naman ni Kuya Patrick. Iba ang mga mata niya habang kausap si Inay -- nakangiti. Naisip ko na baka dahil sa pagkain ang nasa isip niya nang sinabi ni Inay na 'handa'.

"Gising na po ba si Billy, Tita? May practice po kasi kami ngayon." Ang tanong niya kay Inay.

"Kelan pa nakilala ni Kuya Patrick si Kuya?" ang tanong ko sa aking sarili.

"Hindi pa anak. Napuyat ata kagabi. Galing din ata kayo sa paglalaro kahapon." Ang sagot ni Inay.

"Ganon po ba? Sige po! Salamat." Saka lang siya tumingin sa akin at bumati, "Happy Birthday Benz!" Sabay gusot ng aking buhok at tumakbo habang nagdi-dribble ng bola.

Nakapasok na si Inay ng bahay ngunit ako ay nagpa-iwan sa may harapan ng gate para tanawin siyang papalayo. Noon ko lang ulit kasi nakita ang mga mata ni Kuya.

Napansin ko ang malapad niyang likod nang siya'y papa-alis. Naalala ko na naman ang mga maliliit na nunal sa kanyang braso nang una ko siyang nakasama sa court.

Alaala ng Nakaraan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon