Nagsimulang maging matalik na magkaibigan si Kuya at Kuya Patrick dahil sa basketball. Habang patuloy sila sa paglalaro, ako nama'y inabala ang aking sarili sa pag-aaral.
Madalas nang bumisita si Kuya Patrick sa bahay. Minsan nga ay dun na rin siya natutulog o di kaya ay si Kuya ang nakikitulog sa kanila.
Dahil pareho silang mahilig maglaro ay nasali sila sa iisang team sa liga nung bakasyon. Hindi ko talaga nahiligan ang basketball. At kahit kelan ay hindi pa ko nakapanuod ng laro nilang dalawa ni Kuya.
Isang hapon ay bumisita si Kuya Patrick sa bahay na nakapang-basketball shorts at sando. Madalas ko ng makita si Kuya Patrick na nakapang-basketball ngunit itong hapon ko lang napansin na mukhang bago ang kanyang suot.
Dahil bakasyon naman nun ay madalas akong nasa salas para manuod o di kaya ay maglaro ng computer games. Nagkataon naman na nasa salas ako nung hapon na bumisita siya sa amin.
Wala noon si Inay at Ate Ning dahil namalengke ng mga kulang na items para sa maliit na tindahan ni Inay.
Nagkataon na magkatapat kami sa salas habang nanunuod ako ng animé.
"Uy, Benz! Kuya mo, nakabihis na?" Hindi ko alam kung saan ang pagbati dun. Para kasing nagtanong siya agad.
"Malapit na yun matapos. Baka nagbibihis at nagsasapatos na." Tipid na tugon ko.
"Ah." Ang tipid niyang sagot saba'y ngiti niyang nakakaloko.
Alanganin akong makipag-kwentuhan. Madalas kasi ako ang nauunang magkwento. Pero hindi sa pagkakataon na yun. Simula nang pangyayari sa bahay nila, ay nahiya na kong kausapin siya.
Hindi ko tuloy alam kung natatandaan pa niya yung nangyari last year nung birthday ko.
Pa-simple akong tumingin sa gawi niya at napansin ko siyang nanunuod ng pinapanuod kong animé.
Sa ganoon pagkakataon ko lang napagmamasdan si Kuya Patrick. Ang ganda ng kulang white at linyang red na jersey sa kanyang balat. Bumagay din ang laki ng jersey sa pangangatawan niya. Higit ata sa idolo ang tingin ko sa kanya.
Habang nanunuod, biglang nilapit niya ang itaas na bahagi ng kanyang katawan patungo sa tv. Nilagay niya ang braso sa ibabaw ng kanyang mga hita para maging suporta.
Doon ko napansin na bumukol at kumorte ang mga muscles sa braso ni Kuya Patrick. Nakita ko na naman ang mga maliliit na nunal na nagkalat sa kanyang braso at marahil ay papunta rin sa dibdib.
Hindi ko na alintana kung alam niyang nakatingin ako sa kanya o hindi. Ito lang kasi ang pagkakataon ko na matitigan siya.
Bigla siyang sumandal sa sofa, hiniwalay ang mga hita at itinaas ang kanyang mga kamay patungo sa kanyang batok para isandal ang kanyang ulo.
"Ang lakas ng loob." Ang bigla kong naisip. Alam kong kampante na siya sa lahat ng tao sa bahay. Naisip ko tuloy na baka naging mas komportable siya dahil wala ngayon si Inay.
Ayos lang. Ito ang mga pagkakataon kung kelan higit kong napagmamasdan si Kuya Patrick. Ang ganda talaga ng tubo ng balahibo sa kili kili niya. May ilan ilang din akong nakitang maliliit nunal sa ilalim ng kanyang braso.
Nasa ganoon akong pagmamasid nang sinabi niyang, "Tapos na yung animé oh! Kanina pa commercial." Sabay tingin sa akin ng nakakalokong ngiti at sabay kindat.
Sa ganoong eksena lumabas si Kuya ng kwarto at tumungo sa salas. Doon ako nagkataon na ilayo ang aking paningin kay Kuya Patrick at tumingin kay Kuya.
"Ah! Kaya pala parang nakita ko na ang suot mo, Kuya Pat. Parehas kayo ng jersey ni Kuya!" Ang pagpapalusot ko.
Hindi na ko pinansin ni Kuya Patrick dahil tumayo na siya nung nakita si Kuya.
"Oh, pre! Tara na! Kanina pa sila nag-iintay satin. First game natin to! Tayo isasalang ni coach sa first-half." Ang pagbati ni Kuya Patrick kay Kuya.
"Benz, intayin mo na lang si Inay dito ha? Parating na yun." Ang sabi sakin ni Kuya habang papalabas ng bahay.
"Pre, isama na natin utol mo. Wala sa kanyang maiiwan dito. Iwanan mo na lang ang susi kay Nanay." Ang suhestiyon ni Kuya Pat.
"Sige, sige. Malalaman naman ni Tita Beth kapag nandyan na si Inay, diba?" Ang tanong ni Kuya kay Kuya Patrick.
"Oo, pre! Nasa may garden lang naman si Nanay." Ang pagkokompirma ni Kuya Patrick.
Sinarado nga nila ang bahay at isinama ako kahit hindi nakuha ang kompirmasyon ko kung ako'y papayag. Sabagay, takot rin naman akong maiwan sa bahay.
Nakita ko nga si Kuya at si Kuya Patrick na maglaro. Kahit hindi ko alam ang rules ng laro ay masaya na kong mapagmasdan si Kuya Patrick na naglalaro ng basketball.
Mas magaling pala siya kapag may hawak na bola. Napapansin ko sa una pa lang ay lamang na sila Kuya Patrick sa kalaban. Ngunit marami rami pa rin naman ang nagsisigawan para sa kabilang team.
Napansin ko rin na maraming nagkakagulo kapag nakakapuntos si Kuya, si Kuya Patrick o di kaya ay ang kasama nilang may suot ng jersey '8'.
Hindi ko na natapos ang laro dahil sinundo na ako ni Ate Ning. Pinapauwi na kasi ako ni Inay. Bago ako umalis ay tumingin muna ako kay Kuya Patrick. Nakita niya ako bago umalis at tinuro niya rin ako kay Kuya.
Hindi naman ako pinansin ni Kuya na abalang nakikinig nun sa kanilang coach. Ngumiti sa akin si Kuya Patrick bago bumalik sa coaching session...
BINABASA MO ANG
Alaala ng Nakaraan (Ongoing)
Historia CortaI got inspired by the song 'Hiling' by Silent Sanctuary. I've also read a story that has no title and no author. I was so moved by the story that I've decided to create my own. However, I got tired of thinking of a specific plot for my story, that's...