PART 1: I DREAM OF CHRISTMAS

28 2 0
                                    


     Paborito ko ang Pasko, dahil punong-puno lagi ng regalo ang aking silid. Tuwing sasapit ang pasko ay may dala din akong mga sorpresa para saking pamilya. Tulad na lang noong anim na taong gulang ako, nakapag-ipon ako ng pangregalo sa magulang at mga kapatid ko dahil nangangaroling kami. Tuwang tuwa sila sa mga kendi na natanggap nila sakin! Nakaraang taon, labing-apat na taong gulang naman ako ay mga paborito nilang gamit ang niregalo ko. Suklay para kay ate Marie, kay kuya Alex ay ang panyo na malambot, kay mama ay pabango at kay itay ay tasa.

Ika-24 Ng Disyembre, 2018.

    Ngayon ay umuulan na ng mga puting nyebe, tanda na ang pasko ay malapit na. Masaya ako, oo, marahil ay walang pasok ang lahat ng tao at magkakasama ang bawat pamilya. Habang nagmumuni-muni ay napansin ko ang dalawang matandang magkaakbay habang tinatanaw ang buwan na ngayon ay bilog na bilog. Pamilyar sila sakin kaya nilapitan ko sila at pinagmasdan. Ramdam kong mahal na mahal nila ang isa't isa, halata na agad sa pagtitinginan nila. Ngunit mukhang malungkot sila ngayong magpapasko na. Bakit kaya? Muli akong dumiretso sa aking paglalakad, at natanaw ko na rin ang aming
bahay sa wakas! Binuksan ko ang pintuan sa likod ng bahay, dahan-dahan lamang upang hindi nila mapansin ang aking presensya.

   Tahimik ang bahay namin. Nakapagtataka dahil tuwing pasko, ay may mga kantang pampasko ang maririnig mula rito. Nandito rin yata ang mga kamag-anak namin dahil may mga sasakyan rin akong nadatnan sa garahe, ngayon na lang ulit sila dumalaw sa bahay namin. Nakarinig ako ng pag-uusap kaya nagtago muna ako,

"Akayin mo na nga sila mama dito, Kuya."

"Sige."

Umalis din agad sila kaya lumabas na ako at muling naglakad.

Nakita ko ang mga bisita namin, nakaupo lang sa sala at tahimik. Saka ko lang napansin ang kabaong ko na nasa harapan nila. Pumunta na si ate sa harap, may hawak na sobre.

"Uhm, i-ito yung iniwan niya sa amin bago s-siya nawala. Huling sorpresa na niya ito s-samin."

Binuksan niya ang sobre at binasa.

"Mahal kong pamilya, Maligayang Pasko sa inyo! Pasensya na kung nangyari ito ngayon. Wala naman po kayong kasalanan, eh. Bigla lang po akong binalot ng kalungkutan.

Hindi ko po masabi sa inyo dahil may mga pasok at trabaho po kayong ginagawa. Ay, may mga gusto po akong sabihin sa bawat isa sa inyo.

Ate Marie, hindi na po kayo maiinggit sakin kasi lagi akong nasa unang ranggo. Sana po ay wala na kayong galit sakin kasi ikaw na ang laging sasabihan nila mama na magaling ka sa iskul. Salamat din po sayo kasi naging inspired po ako sa pag-aaral mong mabuti kaya ginaya po kita. Love you ate!

Kuya Alex, sorry po kung lagi kang pinapagalitan ni papa dahil sakin. Masakit po kasi yung pambabatok mo lagi sakin. Lagi mo pa kong sinasabihan ng masasamang salita. Pero salamat din po kasi tinuruan mo ko kung paano magdepensa sa sarili kasi nabubully din ako sa school. Mahal din po kita Kuya!

Mama, alam ko naman pong kaya niyo ko pinipressure mag-aral eh para rin sa kinabukasan ko. Dahil din po sa inyo kaya wala na po akong itinuring na kaibigan sa eskwela, lahat po sila katunggali ko na. Pasensya na po at lagi akong nakakatulog sa tuwing gumagawa ng assignment kaya nalelate ako magising. Pero salamat pa rin po at naalagaan niyo ko nang maayos. I love you ma!

Itay, sorry po kung dumistansya na ko sa iyo. Hindi mo na po ako nayayakap tulad nang dati. Malaki na po kasi ako, at nakakatakot po minsan ang tingin niyo sa dibdib ko. Sorry po itay. Pero mahal din po kita.

Ngayon po ay hinihiling ko ngayong pasko na kalimutan niyo ako. Masyado akong nag isip kaya humantong po ako sa ganito. Paborito ko po ang pasko, ngunit kapag tapos na ang selebrasyon, hindi na po ako masaya.

Nagmamahal,
Bunso"


#SobrangShortStories
#AChristmasSpecial

Poems of the SkepticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon