PART 4: BALINTATAW NG UNANG PAG-IBIG

14 0 0
                                    


Balintataw Ng Unang Pag-Ibig

Bigla na lang titingin sa kawalan

Iniisip kung ano nga ba'ng dahilan

Bakit ba ikaw pa ang napili

Hindi siya na ako ang minimithi?

Ngayon, nasayang na lamang itong pagkakataon

Na dapat iba na ang kukuha ng aking atensyon

Ngunit hindi magawa pagka't ayaw kumawala

Ng pag-ibig ko sa'yo na mabigat at malubha

Ano ba kasing mayroon saiyo?

Bakit hindi makalingon sa nasa tabi ko?

Siya na hangad lamang ay mapansin at kausapin

Ngunit ikaw kasi tinitibok ng aking damdamin

Pasensya na at mahal kita kahit may mahal ka nang iba

Tulad niya na ang mga mata'y sa'kin lamang nakapako

Hayaan mo, iiwas ako kahit bansa pa ang layo

Upang maibsan lamang sakit na idinulot ng aking pag-ibig sa iyo.

Poems of the SkepticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon