PART 11: BAKIT MALIWANAG ANG AMING BAHAY

12 0 0
                                    

DAGLI
"Bakit Maliwanag Ang Aming Bahay"

       Nagsisimula na ang pasko. Madami na ding palamuti sa aming munting palasyo. Sa totoo nga lang, bahay namin ang may pinaka magandang disenyo dito sa lugar namin.

"Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak~"

Ganyan ang maririnig mo pagpasok sa aming bahay. Grabe pasko na! Salamat pa din at kumpleto kaming pamilya. Si ate na kumukuha ng larawan katabi ng Christmas tree, si kuya na
nasa kwarto niya at kasama ang kaniyang barkada, si Papa din ay umuwi galing sa ibang bansa upang damhin ang pahinga sa kaniyang trabaho, at si mama na nagluluto upang may ipakita sa kaniyang mga kaibigan.

      Pasko na nga! Kumpletong-kumpleto ang mga rekado para sa paskong masaya. Ngunit wala pa ding nakapapansin na magkakalayo na ang loob naming pamilya.

Poems of the SkepticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon