PART 3: PAG-IISA (NGA BA?)

24 0 0
                                    

July 16, 2018

Pinasadahan ng tingin ang bawat pahina
Ng istoryang walang kasiguraduhan kung matatapos pa ba
Bagama't lupasay sa makipot na daa'y
Kinailangan bumangon para muling mabuhay

Tulalang nakaupo sa tabi ng bintana
Ninanamnam ang hanging nagbibigay ginhawa
Nagnais na namang maging masaya
Sa buhay na ang problema ay walang palya

Biglang bumuhos ang malakas na ulan
Sumabay sa agos ng magulong isipan
Ngunit di padadaig ang emosyong taglay
Na itinago ng matang wala na palang buhay

Sa tuwing iniisip kung ano ang dahilan
Kung bakit napakabigat nitong kalooban
Nabablangko ang lahat na parang walang laman
Hindi na lang iimik at titingin sa kawalan

Naghanap ng mga taong makakasama
Para limutin ang mga munting problema
Problemang madali lang naman dapat iwaksi
Pero nagbibigay lungkot sa taong mag-isa palagi.

Poems of the SkepticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon