PART 10: WALA AKONG MATA

7 0 0
                                    


DAGLI
"Wala akong Mata"

Tumunog na ang bell. Nagtapos na naman ang klase na wala siyang natutunan. Sinukbit na niya ang kaniyang bag at tahimik na nilisan ang paaralan. Sa kaniyang paglalakad ay nakasabay na naman niya ang mga maiingay niyang kamag-aral. May pinapakita itong sulat.

"Patulong na kasi! Lulubayan na ka na namin 'pag tinulungan mo kami."

Napatigil siya sa narinig ngunit di niya pa rin ito pinansin.

Pagkauwi ng bahay ay dumiretso na siya sa kaniyang kwarto. Napatulala siya at inalala ang nangyari noong nakaraang taon. Sa kaniyang pagtulog, napaginipan na naman niya ang trahedya ng kahapon. Patapos na ang klase, silang magkakaibigan na lamang ang natira at isang di inaasahang bisita ang kanilang nakita. Nilusob nito ang kanilang silid at isa-isang pinayuko. Dahil malapit sa pinto, pasimple siyang nakaalis sa silid na yaon at hinayaan na ang mga magaganap.

Nagising siya na hingal na hingal. Naalala niya ang nakasulat sa papel na ipinakita ng kamag-aral,

"Bakit 'di mo kami natulungan?"

Poems of the SkepticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon