Chapter 2: Drama

2 1 0
                                    

Jimin's POV:

Lumabas si Suga hyung ng kwarto niya at nakaiupo samin. Kakain sya ng niluto ni Jam? Himala! Tsaka naging maaga yung gising nya for the first time.

"Si Jam lang pala ang makakapagpabangon sayo! "Asar agad ni Taehyung

"Shut up!  I don't give a fvck, " naiirita nitong sagot.

Di ko nalang sila pinansin, kumain nalang ako. Hmmm ang sarap talaga nya magluto. Sana sya nalang mapangasawa ko hahaha.

Maya-maya pa'y lumabas na din si Jam sa kwarto ni hyung. Nakasimangot na naman sya. Ano na naman kayang ginawa ni Suga hyung sa kanya?

As usual, umupo sya sa tabi ni Suga. Kanina lang nakasimangot sya pero ngayon ngiting-ngiti na.

"Masarap ba?  Oh my gosh! This is the first time na kinain mo yung niluto ko dapat pala mas sinarapan ko," sabi nya at kumain na din.

Hindi naman sumagot si Suga hyung. Kumain lang sya ng kumain.

"Gusto mo pa ba? Eto pa oh! " alok nya kay Suga hyung.

Talagang sa harap pa namin sila naglalandian?  Tsk.

"Can you please just let me eat? Hindi ka nakakatuwa," iritadong sabi ni hyung

Lumungkot naman yung mukha ni Jam. Nakita ko naman yung pagtapik ni Hobi hyung sa balikat nya. Ngumiti sya ng konti kay Hobi.

"O-okay, s-sorry, " she uttered

Nakakaawa syang tingnan. Bakit ba naman kasi kay Suga hyung pa sya nagkagusto?  Pwede namang sakin nalang tsk.

Tumayo na si Suga hyung.

"Nawalan na ako ng gana, hindi masarap," sabi nya at tumingin pa kay Jam.

Nasasaktan ako para kay Jam. Paano nya natitiis 'to?

"Jam, okay ka lang ba? Wag kang maniwala dun, masarap ang luto mo," pagaalo naman ni V.

Ngumiti naman si Jam samin. Fake.

"Ano ba kayo?  Parang hindi na kayo nasanay sa asawa kong yun. Ako nga sanay na eh, " tingnan mo?  Tsk.

"Ikaw na talaga! Bilib na ako sa katangahan mo! " - Jin hyung

"Minsan kasi, kailangan mong tanggapin nalang kahit masakit. Iniisip ko nalang okay na rin yun at least kinausap nya ako kahit sa hindi magandang paraan," malungkot nyang sabi.

"Haaays, ang drama nyo!  Kumain nalang tayo! " sabi ko naman.

Bigla namang sumabat si Namjoon hyung.

"By the way may outing tayo bukas, makakasama ka ba Jam?" Tanong nya

"Sorry pero start na ng trabaho ko bukas eh, " sayang naman!

"Ibig sabihin, minsan kana lang namin makikita? " - Taehyung

Malungkot na tumango si Jam. Nag iyak iyakan naman si Taehyung kaya binatukan sya ni Hobi hyung.

"Don't worry, bibisita naman ako dito eh, bihira nga lang, " sabi nya

"Okay na din yun, at least hindi na sya palaging nasasaktan dito,diba?" sabi naman ni Jhope hyung

"Oo nga! " sang-ayon naman namin.

Mas makabubuti na rin yon para sa kanya. Kaysa naman andito nga sya para din namang hangin lang kay hyung.

"Ayaw nyo na ba sakin? " nagiyak iyakan pa sya sa harap namin kaya napatawa kami.

"Ayaw ka lang naming masaktan, noona" sabi naman ni JK

Natahimik naman ang lahat dahil don. Kumain nalang kami at nung matapos kami nagpresinta na akong tumulong sa paghuhugas ng plato.

"Ano nga palang trabaho mo?" Tanong ko.

Magkatabi lang kami sa lababo. Yiiiiieeee! Kahit naman lalaki kinikilig din. Hahahaha

"Magiging writer ako ng mga kdrama. Excited na nga ako eh," nakangiti na naman sya.

"Talaga?  Galing mo naman!  Iba talaga kapag inspired," sabi ko.

"Oo naman. Yung first story ko nga eh ibinase ko sa love life ko. Parang ako lang din yung bidang babae dun, hindi nagsasawang umasa at unawain yung lalaking gusto nya, " kwento nya

"Jam, hanggang kelan ka ba aasa? " hindi ko alam kung bakit ko natanong yun basta ayun.


Parang nagulat pa sya sa tanong ko tapos napabuntong hininga sya.

"Hangga't hindi pa pumuputi ang uwak," natatawa nyang sabi.

"Luh?!  Hindi na naman puputi yun! "

"Edi ibig sabihin ganun katagal ako aasa, ganun lang yun Chim," parang walang gana nyang sabi.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko ulit.

"Hindi naman ako robot para hindi mapagod, tao lang din ako. Pero dahil nga tanga ako,kinakaya ko kase mahal ko sya at alam kong balang araw maibibigay nya din sakin yung deserve ko," may tumulong luha sa lababo. Umiiyak sya?

"Hindi ko na talaga alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob at sinasabi mo yan sakin ngayon pero gusto kong malaman mo na kung sakaling hindi nya naibigay yung deserve mo sa huli, andito lang ako," I smiled at her. Then she smiled back. Isang mapait na ngiti.



All I ask (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon