Epilogue:

4 1 0
                                    

Jam's POV:

I have loved. I have lost and I have changed. It has been difficult but I have learned so much from it. I have learned that people can hurt you so deeply and not even worry about you. I learned that good people can change in a minute when their hearts have been broken. I've met great people,but mean people as well. But the most important thing I have learned is that every person in this world is strong enough to let go. People come and go and that's life!  The most important thing is to stand up and realize that you deserve something better than a person who gives up on you.

You will never be truly happy if you continuously hold on to the things that make you sad. Let things go and move on.

Ilang taon ko ding pinanghawakan ang quotation na ito,
Never say goodbye if you still want to try, never give up if you think you can still go on.

At ngayon,
Sometimes we just have to accept the fact that things are over and move on.

"Wooooooh!  The best ka talaga Miss Jam," sabi ng mga ka-office mates ko at nagsipalakpakan.

Ishinare ko lang naman kasi yung last page ng story ko. This is the end.

"Well done Miss Jam, that's deep tho" sabi naman ni Manager Sung.

"Thank you po!" Sabi ko.

"Wait, diba may kasalan ka pang pupuntahan?" Bigla namang natanong ni Anthony.

Ayy oo nga pala!  Bigla ko namang naalala yung kasal ni Suga at Min Ah.

"Ah hindi na ako pupunta. Sinabi ko na naman kay Suga," sabi ko at ngumiti.

"Sigurado ka ba?" Tanong naman nya.

Tumango lang ako. Ewan ko ba pero parang ayoko lang pumunta. Ni hindi ko nga sya maitext eh.
Nagulat ako nung magvibrate ang phone ko.

Eomma heart calling...

Sinagot ko ito.

"Oh mama!  Napatawag kayo" sabi ko

'Anak, may bisita ka dito dalian mo at umuwi ka'

"Po?  Sino naman? "

--call ended--

Aba, first time akong naunang babaan ni mama ah. Sino ba kasi yung bisita?

"Guys,magsasign out na ako," paalam ko at tumango na sila.

Pumunta na ako sa first floor at pumara na agad ng taxi. Umuulan pa tsk.Nakakainis naman yung bisita na yun at ngayon pa talaga sumabay. Bakit naman kaya hindi sinabi ni mama kung sino yun?

"Para po," sabi ko sabay bigay ng bayad.

Binuksan ko na ang payong at bumaba.

"Ma!" Tawag ko at kumatok.

Pinagbuksan naman nya ako. Bakit umiiyak ang mama ko?

"Ma? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Umiling naman sya.

"Andun yung bisita mo oh!" Pag iiba nya.

Lumapit ako sa sala at nakita ko si...

Yoongi.

Anong ginagawa nya dito?  Napatingin ako sa wall clock namin, 9:00 na. Bakit nandito sya? Diba dapat naghahanda na sya sa kasal nya?  Tsaka dapat naghihintay na sya sa altar ngayon.

"S-Suga, anong ginagawa mo dito?  Diba dapat naghahanda ka sa kasal nyo? 9:00 na oh!" Sabi ko.

Tumayo sya at lumapit sakin.

"Hindi mo ba ako namiss,Jam?" Tanong nya at niyakap ako.

Anong nangyayari?  Bakit?  Kumalas ako sa yakap nya.

"Suga bakit ka nandito?" Tanong ko ulit.

May nagbabadya na namang luha sa mga mata ko. Anytime babagsak na 'to.

"Wala ng kasalang magaganap," sabi nya

"Ano?!  Bakit?!  Papaanong--"he cutted me off.

"PINILI KITA. I CHOSE YOU OVER HER. Matagal ng na-postpone ang kasal namin at hindi ko talaga sinabi sayo dahil gusto kitang surpresahin. Nagusap kami nung isang araw at sinabi nyang ayaw nyang magpakasal sa lalaking hindi naman sya kayang mahalin even though gusto nya ako. Kaya ayun, wala na. Pumayag na din naman ang parents ko," he smiled.

Wait, hindi ko maintindihan. Bakit hindi nya kayang mahalin si Min Ah?

"Bakit naman hindi mo sya kayang mahalin? Suga, hindi mo ba inisip na masasaktan mo siya?  I can feel her dahil gusto ka din nya," sabi ko

"Jam, hindi mo ba naiintindihan? Kaya ako nandito dahil MAHAL KITA! " sigaw nya.

Pagkasabi nya nun niyakap nya ako ng mahigpit at doon na bumagsak ang luha ko. Totoo ba 'to?  Baka naman pinapaasa na naman ako ni Yoongi.

"Yoongi, kung pinapaasa mo na naman ako,please lang tigilan mo na ako dahil nagmomove on na ako," sabi ko habang umiiyak

"Hindi na kita pinapaasa, Jam. I really really love you. Hindi mo lang siguro narinig nung gabing yon pero sinabi kong mahal kita doon sa community park," sabi nya at parang nagka crack na din yung boses nya.

Umiiyak din sya. Oh my gosh!  Totoo nga. Akala ko panaginip ko lang yun. Pero mahal nya talaga ako. Paano kumalma?!

He broke the hug and kissed me.

"God Julia!  Sobrang namiss kita.  Alam mo bang hindi ako makatulog kakaisip sayo? " sabi nya

I smiled happily at him then a tear suddenly escaped from my eye.

"Ganun din ako," sabi ko at niyakap sya ulit.

Nagulat naman ako nung may pumutok sa kung saan tapos may mga naglalagang confetti samin.
Ang Bangtan.

"Namiss ko kayo mga kulugo" sabi ko at nag group hug kami.

"Cong~gra~tu~la~tions~~ Cong~gra~tu~la~tions~~~ si Jam at Suga ay ikakasal na! ~~ ba bam ba bam bam~ yeaaah!" kanta nila at nagpalakpan pa.

Napatawa naman kami dahil doon. Nagkatinginan ulit kami at kiniss na naman nga ako. Wala ng mas sasaya pa sakin ngayon. Sawakas, naibigay din nya yung deserve ko. Siya lang naman kasi talaga yung lalaking deserve ng isang babaeng katulad ko.

Akala ko talaga tapos na ang lahat. Akala ko hindi na talaga ako mabibigyan ng chance. Akala ko ito na yung tamang panahon para magmove on. Pero mali ako, ito pala ang bagong simula. Maraming salamat sa sumuporta sa Love Story namin ni Yoongi.









--------
Thank you so much guys (?) sa sumuporta sa pagiibigang #YoonJam sana nagustuhan nyo itong short story ko. THIS IS NOT THE END. Gagawa pa ako ng gagawa ng ibang Fanfics sa Bangtan. Yeah, Bangtan is lifeu. Thank you ulit and mahar ko kayo! ~~~

All I ask (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon