Chapter 7: Pain pt.2

1 1 0
                                    

Jam's POV:

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Umiyak na ako hangga't kelan ko gusto. I cried hanggang sa maubos na yung luha ko.

"Kung sasabihin ko naman sayo hindi ka maniniwala sakin, diba?!  Sya pa din ang papaniwalaan mo, diba?  Kahit kelan, hindi mo ako naging priority! Kahit kelan hindi mo ako pinili!  Kahit kelan wala kang naramdamang kakaiba tuwing kinukulit kita!  Puro galit at pagkainis lang ang nararamdaman mo sakin. Nakakainis ka pero mas naiinis ako sa sarili ko argh!!!! " sigaw ko at napaiyak ulit ng malakas.

"Dapat ba itigil ko na ang kahibangan ko? Ayoko na!  Sawang-sawa na ako Suga!  Sobrang sakit na huhuhu sobrang sakit dito! " sigaw ko.

Nagulat ako nung may yumakap sakin. Titingnan ko sana kung sino 'tong panira ng moment ko pero ibinaon nya lang ako sa dibdib nya.

"Wag mo ng tingnan, baka hindi mo kayanin," sabi niya

Familiar yung boses sakin. Parang si... Oh no!!! Gustuhin ko mang umiyak mismo sa kanya, pinigilan ko ang sarili ko. Nagmumukha akong mahina. I hate this!

Inalis ko na yung braso nyang nakayakap sakin tapos pinahid ko na yung luha ko.

"Tapos na akong magemote, ikaw naman" sabi ko at tumayo na.

"At ano namang ieemote ko?" Natatawa nyang tanong.

"B-bahala ka! Aalis na ako," sabi ko at umalis na.

Mabuti naman at hindi nya na ako pinigilan. Pero at the same time hinahanap ko din ---"ayy! "

Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko. Para naman akong nakuryente dahil dun.

"Suga, let's stop this. Titigilan na kita after ng outing na 'to, promise, " sabi ko.

"Sige pero ano muna yung sasabihin mo? Diba may sasabihin ka na hindi ko papaniwalaan? Na mas pipiliin ko si Claire kesa sayo? " sabi nya ng nakangiti.Bakit ba sya ngumingiti?

Narinig nya yun lahat?  Nakakahiya naman!

"Ah yun ba?  Wala yun!  Nevermind nalang," sabi ko at pilit na kinuha yung kamay ko pero mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sakin.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sakin ang lahat, naintindihan mo?! " sigaw nya na ikinatakot ko.

"S.. S.. Suga," naiiyak kong sabi

Dinala nya naman ako kung saan ako nakaupo kanina.

"Ayoko sa lahat yung sinasayang yung oras ko kaya pwede ba, magsalita kana" mahinahon nyang sabi

"Suga,hindi ka naman maniniwala eh," sabi ko

"At least, sinabi mo" sabi nya

"Ihahanda ko na yung sarili ko. Tiyak na iiyak na naman ako sa sasabihin mo so eto na..." Ikinuwento ko na lahat ng narinig ko at nakita ko kanina

Tumahimik sya tapos biglang nagsalita.

"Ano?  At saan ka naman nakakuha ng balitang yan?!  Just WOW Jam!" Doon palang hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sabi na eh!

"Isa din ba yan sa mga kwentong isinulat mo? Magaling ka talagang writer!  Napabilib mo ako," see?  Pati trabaho ko iniinsulto na nya dahil lang doon sa haliparot na babaeng yon.

Hindi na ako nagsalita hinayaan ko lang syang sabihin lahat ng gusto nyang sabihin.

"Akala ko pa naman iba ka!  Alam mo pampito ka ng nagsabi sakin nyan. Ano bang problema nyo?  Bakit kailangan nyo pang gumawa ng ganyan?  Tss walang kwenta -_- " sabi nya

Tumayo na ako.

"Gaya ng napag usapan, titigilan na kita. Sa maniwala ka man o hindi, to see is to believe. Goodbye Min Yoon Gi, patatahimikin ko na ang buhay mo bukas na bukas din ay mawawala na ako sa buhay mo. Salamat sa lahat-lahat ah?  Kahit wala kang naibigay sakin salamat pa din.And again, sorry" paalam ko at tumakbo na palayo.

Naguunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi nya naman ako hahabulin eh. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makauwi ako sa cottage.

Nadatnan ko dun silang lahat na gising na gising pa. Ano bang oras na?

"Aba 10:34 na mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ano," sabi ni Hobi

"Grabe ka naman sakin Hobi, nagemote lang naman ako dun"

"Hindi ka sinundan ni Suga?" Tanong ni RM.

HUH?! Pinasundan ba nila ako?

"Huh?  Hindi!  Bakit naman yun susunod sakin?  Mas gugustuhin pa nun na puntahan yung haliparot nyang girlfriend kesa sakin ano," sabi ko.

Wala naman yung Claire dito eh.

"So alam mo na din pala," - Jin

"Oo. Narinig ko mismo," sabi ko

"O ano ng plano mo ngayon?" - Jimin

"Titigilan ko na sya. That's enough. Nasa kanya na yun kung maniniwala sya o hindi. Mas maganda nga kung sya mismo ang makahuli eh. Hindi na rin ako magpapakita sa kanya, mamiss naman nya ako kahit konti man lang. Magfofocus nalang ako sa trabaho ko at magmomove on," nakangiti kong sabi.

"Sigurado kana ba dyan?" Tanong ni V.

"Oo. Nakakapagod din maging tanga, " sabi ko.

Deep inside, hindi ko alam kung kakayanin kong magmove on.Hindi ko alam kung paano ako magsisismula ulit. Hindi ko nga alam kung paano ako mabubuhay ng walang Min Yoongi eh pero I should try.



GOODBYE MIN YOON GI, I LOVE YOU.

All I ask (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon