Chapter 10: ALL I ASK

4 1 0
                                    

Jam's POV:

Lumabas na ako ng cr at pinuntahan sya kung saan ko sya huling iniwan.

"Oh!  bakit ang tagal mo? Anong nangyari sa mata mo?" Tanong nya sakin.

"May sasakyan pa ba tayo?" Yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Ferris Wheel nalang," sagot nya

"Tara na," aya ko at hinila na sya papunta dun.

Ginabi na kami dito. Gusto ko ng umuwi at doon umiyak. Pero hindi ko naman sya kayang iwan dito dahil huli na nga 'to diba? Gusto ko pa syang makasama ng mas matagal pero parang hindi ko na kaya. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

"Jam, okay ka lang ba?  Kanina ka pa kasing tulala eh," sabi nya.

"Ha?  Ah oo!  Ang ganda kasi ng view eh," sabi ko at tumingin sa baba.

Kanina pa akong umiiyak, di ko lang pinapahalata. Wala eh, traydor ang mata ko.

Nagulat ako nung tumabi sakin si Suga. Kanina kasi magkatapat lang kami. Nakatingin lang sya sa mga mata ko.

"Hindi ako magpapakasal dahil mahal ko siya. Fixed marriage yun, sino bang makakatanggi pag parents mo na ang nagdesisyon?" Sabi nya

Napaiyak na naman ako, hobby ko na ang umiyak talaga. Hindi nalang ako umimik.Nagfocus nalang ako magandang view.Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sakin.

"Sorry kung napaasa na naman kita,Jam" sabi nya

"Kahit sa mga oras na 'to naman, pinapaasa mo pa din ako," sabi ko nalang

Tumigil na ang Ferris wheel at bumaba na kami.

"Hindi pa dito natatapos ang date natin," sabi nya kaya napatingin ako.

"Huh?!  Pero 8:34 na," sabi ko

"Mas mahalaga ba yung oras kesa sa makasama mo ako?" Tanong nya.

Huh?

"Halika na!" Pinasakay na nya agad ako sa kotse nya at dinala nya naman ako sa isang lugar na may madaming ilaw,parang community park.

Bumaba na kami at pumunta sya sa likod ng kotse nya. Sumunod naman ako at kinuha yung basket at blanket. Night picnic?! Di naman sya prepared nyan?

Inilatag nya yung blanket tas inilagay ko naman yung basket. Tapos umupo kami.

"Pauuwiin ba naman kita ng hindi tayo nagdidinner date? Syempre hindi!" Sabi nya at kinuha na yung mga pagkain.

Nginitian ko lang sya ng mapait.
Nang matapos kaming kumain,nagstar gazing lang kami.

"Ang ganda!" Hangang hanga kong sabi.

"Mas maganda yung view dito," napansin ko naman na nakatingin sya sakin.

Napangiti ako at napaluha. Pinunasan nya naman agad iyon.

[Paki-play po ng All I ask- Adele o kahit yung cover ni Leroy Sanchez para mas feel]

"Yoongi,parang hindi ko kakayaning pumunta sa kasal nyo. Sorry kung hindi ko maipapangako," sabi ko.

Nakatingin lang sya sakin.

"Jam, I don't want to talk about it. Oras natin 'to. Let's just talk about us," sabi nya

Mas lalo akong naiiyak eh nakakainis ka Min Yoon Gi!

"Ha?  Anong 'us'? " takang tanong ko.

"Haaays ang slow mo talaga! Nakakainis ka! Halika nga dito" sabi nya at lumapit sya sakin as in malapit tapos inakbayan nya ako. Hinayaan nya akong humiga sa braso nya.

Hindi na ako makahinga sa kilig! Tapos hinawakan na naman nya yung kamay ko. Nakakaiyak talaga kapag sya na yung bumanat. Tuloy-tuloy lang sa pag agos yung luha ko. Ilang oras nalang matatapos na 'to. Wala ng bukas. Hindi na pwedeng ma-extend.

Kinuha ko yung phone ko at nagselfie kami. Remembrance man lang. Tapos bumalik na ako sa pagi star gazing.

"Suga, pwede bang magrequest?" Sabi ko ng nakatingin sa langit.

"Oo naman," sabi nya

"Can we stay like this for a little longer? " tanong ko

"Sure!  Why not? " sabi nya.

"One more thing, please act like you're my boyfriend even once bago matapos ang gabing 'to kase diba hindi na 'to mauulit? Please give me a memory that I can use forever, " sabi ko at doon na bumuhos lahat ng emosyon.

Natahimik lang sya, alam kong hindi nya ako papayagan dahil wala akong karapatan. Kahit kelan naman, hindi naging kami.

"Julia Anne Marie, you're making it hard for me" sabi na eh!

Kahit ngayon lang please?  That's all I ask.

Nagulat ako nung bigla nya akong halikan. Isang gentle kiss. Lalo naman akong naiyak dahil dun. Gisingin nyo na ako sa panaginip ko ,please? Sabihin nyo saking hindi ito totoo.

Hindi na ako makahinga. Hindi nya inaalis ang labi nya sakin. Then may naramdaman akong tumulong mainit na tubig sa mukha ko. Is it me or umiiyak sya?
Bakit naman sya iiyak?

Nagtagal ang kiss namin for about five minutes. Tagal diba? buti nga buhay pa ako.

Nakatingin lang sya sakin. Malapit pa din yung mukha nya sakin.

"I love you" sabi ko sa kanya na ikinangiti naman nya.

"I love you too,"rinig kong sabi nya bago magdilim ang paningin ko. Sana panaginip nalang yun at hindi na ako magising bukas.

All I ask (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon