Chapter 3: Missing you

3 1 0
                                    

Suga's POV:

Ilang araw na rin ang nakakaraan simula ng mag outing kami. Nakakapanibago nga lang kasi wala yung babaeng yun. Hindi naman sa namimiss ko siya pero ilang araw na rin kasi simula nung huling bisita nya dito sa dorm.

"Babe, luto na yung adobo. Sabay na tayong kumain," aya ni Claire sakin.

She's my girlfriend. I met her at the resort. Hindi ko alam pero nakaramdam nalang ako ng kakaiba sa babaeng 'to. Hindi naman ako torpe kaya niligawan ko agad siya. And that time pala, kabebreak lang nila nung boyfriend nya. We've been 5 days now.

Nginitian ko lang sya at pumunta na sa kusina. Araw-araw syang nandito pero umuuwi din sya kapag gabi na syempre hinahatid ko sya.

Umupo na ako at tumabi naman sya sakin. Tinikman ko na...

Is it me o sadyang iba lang yung lasa?  Hindi sya yung lutong gustong-gusto ko.

"Masarap ba babe? I cooked that with love," she smiled sweetly.

"Okay naman kaso napaalat," kung pwede ko lang sabihin na hindi masarap eh kaso masasaktan sya.

"Talaga? Naku sorry babe I'll do better next time, I promise, " sabi nya.

Tumango lang ako. Ewan ko ba kung bakit hinahanap ko yung luto ni Jam. Samantalang ibang babae naman 'tong nasa harap ko ngayon. Malamang iba ang luto nya sa luto nung babaeng yun tsk.


JAM's POV:

Miss na miss ko na ang Bangtan lalo na si gilagid ng buhay ko. Kung pwede lang ako umabsent kahit isang araw man lang kaso hindi pwede eh. Kailangan tapusin ko muna lahat ng episodes bago ako mag day off. Haaays!

Ano kayang nangyari sa outing nila? Hindi man lang ako binalitaan ni Kookie. Sigurado akong nakakita na naman sila ng sexy dun nako talaga pag si Suga nalaman ko lang papatayin ko siya hehe charot lang.

Napatigil ako sa pagiisip ng makita ko yung manager namin na papalapit sakin. Mukhang galit na galit sya. Paktay!

"Miss Jam! Ano bang klaseng episode 'to?  Walang kakwenta-kwenta!  Hindi ka ba makapagisip ng kahit konting pakilig man lang at puro broken hearted yung eksena dito? " sigaw ni Manager Sung. Nagtinginan naman sakin ang lahat.

I bowed. "Sorry po manager Sung, uulitin ko nalang po. Sorry po talaga, " sabi ko ng nakatungo.

"Aba dapat lang na ulitin mo 'to! Kay bago bago mo dito eh ganyan na yung pinapakita mo samin, umayos ka kung ayaw mong matanggal ka sa trabaho," sabi nya

"Sorry po talaga," naiiyak kong sabi. Tapos umalis na sya. Tinapik naman ako sa likod ni Bryan,kaibigan kong writer din.

"Okay ka lang ba? " tanong nya sakin. Tumango naman ako ng nakangiti sa kanya. Ngumiti lang din sya at bumalik na kami sa trabaho.

Sino nga ba naman kasing maniniwala sa ganitong love story?  Sa amin lang naman talaga nag eexist 'to. Ako lang naman talaga yung nagmamahal eh.

Haaaays!  Min Yoon Gi, miss na miss na kita. Kahit isang araw lang pansinin mo naman ako. That's all I ask.

11:47 na ng matapos ako sa pagsusulat sa office. Sana naman okay na 'to. Ako at si Bryan nalang pala ang natitira dito. Nakatulog na nga sya eh.

"Hoy Bryan!  Gising na at uuwi na tayo!" Sabi ko at inalog-alog sya. Naalala ko na naman kung paano ko ginising noon si Suga.

"Anong oras na ba? " tanong nya

"11:47," sabi ko. Nagising naman siya.

"Ano?!  At ngayon ka lang natapos? " tanong nya

"Oo, pinaganda ko pa kasi tsaka hindi ko naman sinabing hintayin mo ako, " sabi ko at inayos na yung mga gamit ko.


"Bakit?  Akala mo ba hahayaan nalang kitang umuwi mag isa? Isa pa, wala ka namang boyfriend na susundo sayo, " see?  Nang asar pa!

"Tse!  Kaya ko naman umuwi mag isa dyan kana nga! " naiinis kong sabi at iniwan na sya dun.

Narinig ko naman yung pagtawag nya sa pangalan ko at yung pagtakbo nya.

"Joke lang naman ikaw talaga,"
Sinamaan ko lang sya ng tingin.

Nang makalabas kami ng building, wala ng tao sa labas o kahit na anong sasakyan, paano na ako makakauwi nyan?

"Ihahatid na kita dalian mo, " sabi ni Bryan at lumapit na sa kotse nya. Aba, may kotse pala 'tong kulugong ito?

*beep beep*

"Tara na, wag kanang maarte dyan, " sigaw nya.

Napa-pout nalang ako at sumakay doon. Sana hindi ako makita ni Yoongi. Baka magselos yun hurhur.


Third Person's POV:

Hindi alam ni Jam na may nakakita sa kanila sa labas ng building, si Yoongi. Kalalabas lang ni Yoongi sa
7/11 at hindi ito makapaniwala sa nakita nya at may boyfriend na din pala ito.

'Sa wakas, lulubayan na nya ako,' sabi nya sa utak nya pero parang may mali nung sinabi nya iyon. Parang may kumurot sa kanyang puso ng makita nya kung paano sumama si Jam sa lalaking ni minsan ay hindi pa nya nakita.

"Damn, why am I like this?  Eh ano naman kung may boyfriend na sya?  May girlfriend na din naman ako? " napamura nalang sya at umalis na doon.

JAM's POV:

Nang makauwi ako sa bahay eh nagpasalamat agad ako kay Bryan at umalis na sya. Naging tahimik lang kami sa byahe kanina.

Binuksan ko ang phone ko at nagulat ako sa notifications ko.

7 text messages from Kookie 💕, Chim 😍 ,Pinakagwapong elyen 😂,Monie☺,Eomma Jin😘,Jhorse🐎 mama 💞

3 missed calls from Chim 😍

Binasa ko na iyon at lahat sila ay nagyaya sakin na sumama sa Company Outing nila sa private resort bukas. Agad-agad?

Hindi ko naman alam ang isasagot ko kasi nga may trabaho pa ako bukas tsaka hindi pa nakikita ni Manager Sung ang sinulat ko.

Nireplyan ko nalang si Jimin ng,

Chim, hindi pa ako sure bukas eh kasi hindi pa nababasa ng manager ko yung sinulat ko. Pero kapag inaprobahan na nya at pinayagan akong umabsent sasama ako, okay?  Pakisabi nalang sa iba ha.

Sabi ko at pinihit na yung door knob. Nagulat naman ako nung may tumikhim sa likod ko.

"Ehem," sabi nito at kaagad akong napalingon.

SUGA?!?!?!

"Yoongi?! " tanong ko pero hindi man lang ito tumingin at dire diretsong nilagpasan ang gate ng bahay namin.

Kamukha talaga sya ni Suga omg!  Kasi ang puti nya!  Kitang-kita ko sya kahit madilim sa puti ba naman nun?  Pero baka naman hindi sya yun, like hello, bakit naman yun dadaan dito?  Tsaka anong oras na oh! Ni hindi man lang nya ako nilingon tsk.

Ano ba naman yan kung saan-saan ko na nakikita yung asawa ko. Miss na miss ko na talaga sya!  Sana naman payagan ako bukas.






---------

All I ask (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon