CHAPTER 9

127 2 0
                                    

Isang lalaki ang lumabas sa isang madilim na establisyemento. Nakaitim ito at medyo magulo ang buhok nagmamadali siya . Luminga siya sa paligid at nakita kong naging pula ang mga mata niya. Mabilis pa rin ang kanyang pag lalakad hanggang sa lumiko siya sa isang eskinita.

Sinundan ko ang lalaking nakaitim at nagtago na din para di niya ako makita.

Patuloy pa din na nakakubli ang 

lalaking may pulang mata sa dilim.

Hanggang sa marinig ko ang pag uusap ng dalawang tao sa madilim na eskinita.

"lumayo ka sa akin !! wag mong tatangkain lumapit !!" sabi ng babae habang umaatras ..

"Miss wala ka ng aatrasan kaya ang mabuti mong gawin pumayag ka na!"sabi ng lalaki at kasabay ng pagpapakawala ng mala-demonyong tawa. Nangilabot ako sa lalaki . At napag tanto ko na rapist yun.

Nakita kong itinulak ng babae ang lalake at bago pa siya umalis ay nahawakan na siya nito at tinangka siyang halikan. Habang patuloy naman sa pag-iwas ang babae upang di siya mahalikan ng manyak na lalaki.

OMG !! anong gagawin ko ?..

Sisigaw na ko ngunit walang lumalabas na tinig sa akin

Ano toh? bakit di ako makapag salita . Patuloy ko pa rin iniisip. Ni ang makagalaw ay di ko na rin magawa.

Hanggang sa lumabas na ang nakaitim na lalaki sa kanyang pinagkukublihan at laking gulat ko ng hilahin niya mula sa likod ang manyak na lalake at biglang sinakmal niya ito sa leeg. Sumigaw lang ang lalaking manyak habang sakmal sakmal siya sa leeg ng lalaking nakaitim.

My Unexpected Mask ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon