Prolouge

27 6 3
                                    


"Sean! Ano ba?! Hindi ka ba naawa sa mga anak mo?! Ha?! Ganyan nalang ba? Ganto nalang.. Iiwan mo nalang kami para sa lintik na babaeng yan? Boobs lang meron siya pero ako, may anak sayo!"

Iritable kong iminulat ang mga mata ko dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto.

"Ano nangyayari?" nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Nagising rin pala si Kuya.

Magkatabi kaming natulog ngayon dahil inumaga na kami kakamovie marathon. Kaya dito na siya nakatulog sa kwarto ko.

"Ewan ko. Tss. Ang ag--" hindi ako natapos sa reklamo ko. Napatigil ako sa mga narinig ko. Si kuya? nanlaki ang mga mata sa tabi ko.

"AALIS NA KO! SAWANG SAWA NA KO SAYO!" sigaw ni papa na nagpatigil sa mundo ko.

Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto. Nangingilid ang luha.

Bumungad sakin si Mama na basang basa ng luha ang mukha at si Papa na palabas na ng pintuan bitbit ang dalawang malalaking bag niya.

Madali akong tumakbo palapit kay Papa.
"Pa, H'wag naman ganto. Andito pa kami ni Kuya oh? Anak mo kami. Pa naman.." umiiyak na lintana ko sabay hawak sa kamay niya para hilahin siya papasok ng bahay.

"Pasensya na anak. Babalik ako. Pangako." tugon niya at pilit na inaalis ang kamay ko na pumipigil sakanya. Mas hinigpitan ko ang kapit ko.

"Ayoko. Ayoko. Ayoko" paulit ulit kong sabi habang umaagos mula sa aking mga mata ang mga luha ko.

"H'wag mo ng pilitin, kung ayaw. Krishna!" napalingon ako sa likod ko dahil sa sinabi ni Kuya. Nakatitig ito ng matalim kay Papa.

Hindi man lang ba niya pipigilan ang tatay namin? Tatay namin 'to ah?

Saktong haharap na ako ulit kay Papa nang bigla itong nakawala sa pagkakahawak ko. Hinabol ko siya pero mabilis itong sumakay ng tricycle na nasa tapat ng bahay namin kanina pa.

"Pa.. Please.." Pakiusap ko bago umalis palayo sa akin ang tricycle. Tulala lang ako habang nakatingin sa sinasakyan ng Papa ko.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa akong ganun lang sa kalsada. Nakatayo at pilit na tinatanaw yung tricycle.

Nang makarecover na ko. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang leegan ng T-shirt kong suot at pumasok na ko ng bahay.

Sa gulat ko sa nakita ko, nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nakita ko kung paano hindi makahinga si Mama at si Kuya na natataranta na.

"Krishna! Tumawag ka ng tricycle! Si Mama!" sigaw ni Kuya sakin ngunit hindi ako makagalaw sa nakikita ko.

Si Mama...

"Krishna!!!" mas nilakas pa ni Kuya ang sigaw niya kaya dun na ako natauhan. Dali dali kong kinuha ang phone ko at dinial ang guard house ng subd. na 'to.

Pagkasagot na pagkasagot nung guard agad kong sinabi na magpadala ng tricycle dito sa Cornelio Residence.

Wala pang tatlong minuto may tricycle na agad sa labas ng bahay.

Tinulungan ng driver si Kuya na ipasok sa loob ng tricycle si Mama.

"Dito ka lang, Krish! Bantayan mo yung bahay!" bilin ni Kuya at mabilis na pumasok sa tricycle at nawala na sila sa harap ko.

Tulala nanaman ako.. Ang sarap namang almusal 'to.

Hindi ko kinakaya lahat ng nangyayari..

Si Papa, umalis. Iniwan na kami, Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya kung saan siya nagpunta. Hindi ko alam kung kailan siya babalik o babalik pa nga kaya siya?

Poor Kid LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon