Poor Three Two One.
KRISHNA'S POV
Umalis na ko ng silid niya. Habang naglalakad ako palayo sa condo niya may naalala akong parang hindi ko dala?
Inisip ko ng inisip kung anong kulang sa dala ko. Wala naman ata akong dala?
Biglang may naglakad kasabay ko.
Naka uniform katulad sa school na papasukan ko sa Monday.
Uniform..
Uniform?
Ah! Shit! Naiwan ko sa kotse ng lintik na 'yon yung tatlo kong uniform!
Patakbo akong bumalik sa condo niya habang kinakapa ko yung phone ko sa bulsa. Baka kasi nakalimutan ko rin.
Nang bigla akong may nabangga.
"Sht!"
Napahiga siya sa sahig habang ako ay nasa ibabaw niya.
Iningat ko ang ulo ko para tignan kung sino ba yung nabangga ko.
Mabilis akong tumayo nang makilala ko kung sino yung nabangga ko.
Si Toffer.
"Ugh! Nakakainis ka talaga!" sigaw ko sakanya.
Nakatingin lang ako sa lalaking tumatayo mula sa pagkakahiga sa basa na sahig.
"Sorry ah?" sarkastiko niyang sabi.
Bigla niyang inabot yung tatlong uniform ko.
"Thankyou na rin ah?" dagdag niya sabay tumalikod na agad sa akin.
Hindi ako nakaimik. Nakatitig lang ako sa likod niya. Sa damit niyang puti pero kulay brown na ngayon.
Naguilty ako doon ah? Hay. Pake ko ba sakanya.
Tumalikod nalang din ako at naglakad na pauwi. Malapit lang naman pala 'to sa tinitirahan ko. Nasa kabilang kanto lang bahay ko eh.
Nung malapit na ko sa bahay. Napansin kong may mga damit na nagkalat sa tapat nito.
Kanino naman ang mga 'yan? Ano? May ukay-ukay na ba sa tapat ng bahay ko?
Habang palapit ako. Parang familiar yung mga damit.
Hanggang sa..
"Damit ko 'to ah?!"
Biglang nagvibrate yung phone ko. May nagtext.
From: Ale
Lüm4yAs k nUah bbq.
Napamura ako.
Di ko kasi maintindihan! Tsaka bakit may 'bbq' sa text niya? Gutom ba siya?
Tinawagan ko nalang siya. Baka sakaling magkaintindihan kami.
Calling... Ale
Habang nagriring yung phone niya. Napatingin ako sa bahay na tinitirhan ko. Nakapadlock na ito. At hindi lang isa.
Tatlo! Ang OA?!
Biglang may nagsalita sa kabilang linya.
"Henyo?"
Napasapo ako ng noo! Paano nga pala kami magkakaintindihan nito? Ngongo nga pala siya! Jusko! Mapapasabak nanaman ako. Pag naniningil siya, anak niya ang pinapapunta niya. Kasi nga walang nakakaintindi sakanya. Tsaka yung unang tira ko dito si Kuya ang kumausap sakanya.
"Di ba sabi ko? Magpapadala na si Kuya next week. Grabe ka naman ale eh!"
"Nyimula nyang nyumating nga nyito hinyi nga nagmayad! Ngapal ng munga mo!"
BINABASA MO ANG
Poor Kid Lover
HumorIsang babaeng mayaman noon na naging mahirap ngayon dahil sa kagagawan ng kanyang mga magulang. At mahirap para sakanya 'yon. Pero pinanganak siyang masayahin at may matatag na kalooban kaya, parang wala lang sakanya ang nanyari makalipas ang ilang...