Chapter 2

21 6 13
                                    


Instant Boyfriend

KRISHNA'S POV

Walang gumagalaw sa amin hanggang sa mawala na ng tuluyan yung mga babae.

Alam ko 'tong mga galawan na 'to. Psh. Para layuan sila ng mga babae, bigla nalang magdedeklarang may girlfriend kuno. At ako pa talaga yung napili niya?!

"Damn!" sabi ng lalaking nakahood sabay tanggal ng pagkakaakbay sa akin.

Bigla na itong umalis at iniwan akong gulat parin sa nangyari.

Ah, So? Ganun nalang 'yon? Wala man lang Thankyou kasi na save ko siya sa mga babaeng uhaw sa kanya? Siguro yung 'damn' yung thankyou niya, 'no?

Tangna niya. Subukan niyang magpakita sakin ulit. Sasakalin ko siya!

Inis akong naglakad palabas ng school. Natanaw ko ang sikat na fastfood sa tapat nito. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Kaya naman pumunta ako sa "Foodies" na 'yon para mananghalian. Wala naman kasing ibang kainan dito, kundi ito. Afford ko naman yung foods dito kaya gora na.

Pagpasok ko. Biglang kumulo yung dugo ko. Yung lalaking nakahood ay nasa tapat ng counter.

Agad ko siyang sinugod. Tigas ng panga nito ah?

"Girlfriend mo mukha mo! Thankyou ah?! Sobrang thankyou, Kuya!" sabay sakal sakanya. "At nakamask ka na ngayon? Ano ka? Snatcher?!" dagdag ko.

"Damn. Shit. What's your problem?!" singhal niya habang pilit na tinatanggal yung pagkakasakal ko.

"My problem?! Ikaw! Matapos mo kong ipakilalang girlfriend mo sa mga pa walk sa school. Iiwan m--"

"School? Hindi na 'ko nag-aaral, Miss" tinanggal ko yung pagkakasakal ko sakanya.

Pinagtitinginan na kami. Pero wala akong pake!

"Anong hi--" inis niyang tinanggal yung hood niya kasabay ng mask niya.

Literal akong napanganga at nakaramdam ng hiya.

"You messed with a wrong guy, Miss" matalim itong nakatingin sakin.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Shoot! Hindi nga siya 'to. Mukhang nasa 20's na 'to. Kahit di ko nakita masyado yung mukha ng lalaking 'yon kanina. Mukha hindi parin siya 'to! At ngayon ko lang napansin na mas matangkad ito sa akin. Eh yung lalaki na nakahood sa school kanina ay kasingtangkad ko lang.

"Oh shit. Im sorry. Sorry."paghingi ko ng paumanhin.

"Damn you, girl. You don't know me, aren't you?" nakangiting tanong nito.

"Bakit, sino ka ba?" nagtataka kong tanong pabalik.

"Wag mo ng alamin"

At bigla nalang itong umalis palabas. Ngayon ko lang napansin na ang dami ng camera sa paligid. Wth? What's with that guy? Sino siya?
Sinundan ng mga tao yung lalaki 'yon palabas habang nagtitilian.

Napatitig nalang ako sa likod nung lalaki. Grabe, sinakal ko siya? Nakakahiya ako shet. Tsaka ba't may mga camera? Sikat ba siya?

"Miss, grabe. ang tapang mo!"
Gulat akong napatingin sa babaeng nasa cashier. Bigla kasing nagsasalita eh.

Hindi ko alam kung sarcastic o pinupuri talaga ako ng babaeng 'to

"Ate, sino siya?" napakunot noo nalang ako ng tawanan niya ako.

"Di mo talaga kilala?"

"Tatanungin ba kita kung kilala ko?" pilosopo kong sabi. Kakairita eh.

"Judge siya sa The Boys sa channel 16! Di mo alam? Siya ang jugde kasi gwapo siya at yung tv show na 'yon ay naghahanap ng bagong boy band na may miyembrong mga fafa!"

Poor Kid LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon