Chapter 3

15 6 0
                                    


Getting To Know You

KRISHNA'S POV

Pagkasakay ni Toff sa driver seat. Tinadtad ko na agad siya ng tanong.

"Sino ka ba?! Ano ka ba?! Sikat ka ba?! Bagong hearttrob sa school?! Bakit ako? Sa dami ng pwede mong mahila doon bakit ako?!"

Nakatingin lang ito sakin kaya napatigil ako.

"Ano yon?" tanong ko dahil nakatitig na siya sakin.

"Pangit ng nahila ko!" natatawa niyang sabi. Nakakita ako ng tissue roll sa dash board kaya inabot ko 'yon at binato sakanya!

"Kingina ka! Kala mo gusto ko 'to?! Pasalamat ka mabait ako at masyado akong shookt kanina kaya hindi kita masakal! Pero ngayon.. Parang pwede na?" lumapit ako sakanya.

"O-oh? A-anong gagawin m-- asdfghjkl" sinakal ko siya hanggang sa mawala yung gigil ko sakanya.

"T-ama n-na.." natakot ako sa boses niya kaya binitawan ko na. Jusko. Makakapatay ata ako! Bwisit kasi eh!

Lumayo na ko sakanya at umayos ng pagkakaupo.

Uubo ubo siya habang may inaabot sa back seat.

"Brutal mo" bulong niya

Isang bottled water pala ang kinuha niya. Uminom siya dito. Napatingin ako sakanya. Ngayon ko lang napansin yung Jaw Line niya. Napatitig tuloy ako doon.

"Matunaw ako."

Bigla akong natauhan.

"Di kita tinititigan!" agad kong sabi.

"Wala naman akong sinasabi ah?"

"Tsk. Sino ka nga?" pagiiba ko ng topic. Andito parin kami sa kotse niya.

"Sa condo na natin pagusapan" sabay binuhay na niya yung makina.

Shizz. Ayoko! Ni hindi ko nga siya kilala eh! Bakit ba kasi ako sumama dito?!

"Ayoko sa condo mo! Damn it. Ni hindi nga tayo magkakilala!"

"Arte! Saan mo gusto?!"

"Bawal ba tayo dito magusap?! Parang tanga amp. Eh naguusap na nga tayo dito."

Pinaandar niya na yung kotse niya.

"Saan tayo?!"

"Condo ko nga, paulit ulit ulit ulit" naiirita niyang sabi.

"Sabi ng ayoko! Bababa na 'ko!"

"O sige, baba na. Kung kaya mo" Nagsalubong ang kilay ko sa sobrang inis. Paano ako baba kung ang tulin ng takbo ng kotse?

"Kung magusap tayo parang magkakilalang magkakilala na tayo. Kingina, ba't ba kita kinakausap!" pasuko kong sabi at tumingin nalang sa bintana.

"Hindi ko rin alam.. " rinig kong bulong niya, napalingon tuloy ako sakanya. Pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada.

Nang huminto na yung kotse. Agad akong lumabas. Bumungad sakin ang condo na sinasabi niya. Pang mayaman. Tsk. Nangiinggit ba 'to?

Aish! Ano ba 'tong pinasok ko? Ba't ba.. Bakit kasi ako? Atat na kong masagot lahat ng tanong ko kaya agad akong sumunod sakanya nung naglalakad na siya papasok sa condo na nasa harap namin.

Binati lang kami ng guard at pinapasok na.

Wow. Wala man lang inspection? Paano kung bobombahin ko pala tong building nila?

Patingin tingin ako sa paligid. Ang ganda. Ngayon lang ako nakapasok sa gantong condo. Condominium ba talaga to?

"Bata, pasok!" napalingon ako sakanya ng nasa harap na siya ng bukas na pinto.

"Bata mo 'to" i murmured.

Hindi ko alam kung ba't ako nasunod sakanya! Aish.

Pumasok na 'ko. Bumungad sa'kin ang napakalinis na silid.

Sinara niya yung pinto.

"Pag ako nirape mo kingina ka, mamamatay ka muna pala bago mo 'ko marape." sabi ko habang umuupo sa sofa niya.

"Asa ka naman!"

"O, dali na! Magheart to heart talk na tayo!"

Umupo siya sa katapat kong upuan.
At nagsimula na 'kong magtanong. Ang daming arte nitong lalaking 'to, kailangan talaga dito pa kami magtatanungan. Well. Kung sa labas nga kami.. Kukuyugin nanaman siya.

"Sino ka?"

"Im Christofferson C. Cromwell" di ka naman galit sa letrang C, 'no?

"Ba't ka pinagkakaguluhan ng mga babae sa school?"

He grinned.

"Sobrang gwapo ko kasi" yung hawak kong unan binato ko sakanya.

"Ayos sagot! Nyeta!"

"You don't know me, aren't you?"

Parang narinig ko na 'to ah? Saan ko nga ba narinig yang linyang yan?

"Hey. Hindi mo 'ko kilala?"

"Hindi nga kita kilala. Sino ka ba kasi?"

He sighed.

"First member ako ng binubuong grupo ng The Boys"

The Boys? Saan ko nga ba 'to narinig?

What the? Kaya naman pala! Tsk! Bakit ba kasi wala kaming tv!

"Badtrip nga ako kanina dahil unang pasok ko palang. May nakakilala na agad sa 'kin tsk. Sayang paghohood ko."

"Tinatanong ko?"

"Bombahin kita eh. Alam mo, ang swerte mo nga eh. Dahil kaharap mo ang bagong gwapo sa industriya."

"Oh? Tologo?" pambabara ko.

"Namo! Ano pang gusto mo malaman?"

Hindi ako umimik. Kasi hindi ko na alam.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

Maya maya nagsalita na siya.

"Be my pretend girlfriend" biglang sabi niya. Hindi na 'ko nagulat. Nagawa ko na nga yan kanina 'di ba?

Pero ayoko na. Ayoko nito! Ang dami ko pang problema sa bahay. Dadagdag pa siya? Ilang araw na 'ko kinukulit ng care taker ng bahay na tinitirhan ko ngayon para magbayad ng renta, ilang araw palang naman akong hindi nagkakapagbayad pero sobrang bismod nung ale na 'yon kaya hindi na 'ko magugulat kung isang araw palayasin nalang niya ako.

Hindi pa kasi nagpapadala si Kuya. Yung tira kong pera, eh pangkain ko nalang talaga.

Ilang araw ko na siya tinetext pero hanggang ngayon wala parin siyang reply.

Hindi parin ako sumagot sakanya. Wala na kong gana. Ewan ko pero kasi sumagi nanaman sa utak ko na mahirap na 'ko. Hindi na 'ko yung hayahay ang buhay dati. Hays! But this is life, 'di ba? Hindi lahat makukuha mo at kung makuha mo nga, hindi naman nagtatagal.

"Hey..." Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay. Mabilis kong hinila sa kanya ang kamay ko.

Ayoko kasi ng ganon. Dahil hindi ko naman siya boyfriend. Ayoko ng may humahawak sakin.

"Ayoko. Marami akong problema, dadagdag ka pa?" mahinahon kong sabi.

"Ugh. But they already know that we're together"

"Wala akong pake. Edi, sabihin mo nagbreak tayo. Tsaka problema ko pa ba yan?" Tumayo na ko dahil nakakaramdam na 'ko ng inis. Pag di ako nakapagpigil, masasakal ko 'to ulit.

"What is your name?"

"'Pag ba sinabi ko, papaalisin mo na 'ko?"

"Yeah." tumango siya.

"I'm Krishna. Krishna Cornelio"

---
Author's Note:
Check out my new story~ 'I Fall Inlove With A Poser'

Thanks!

Poor Kid LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon