ChangeLumipat kami ng bahay ni Kuya. Maliit na ito hindi tulad kung saan kami nakatira dati. Sa malaki at presko na bahay.
Wala na 'kong pake kung mahirap na kami, atleast buhay parin ako.
Kailangan kasi naming ibenta 'yon dahil sa mga utang ni Mama na di namin alam na meron pala. Araw araw kami nakakatanggap ng death threats mula sa mga pinagkakautangan niya. Binenta rin namin 'yon pampalibing niya. Lahat ng perang ginamit namin ay galing sa bahay na 'yon.
Isang linggo na ang nakakaraan ng ilibing si Mama. Medyo na kakayanan ko naman na. Hindi tulad dati na tulala nalang ako palagi.
Kahapon napagalaman kong fully paid kami ni Kuya sa St. Luciana Academy for the whole school year. Binayaran pala lahat ni Papa pero yung bayad kay Kuya, pinapull-out ni kuya. Hihinto daw muna siya sa pagaaral at magiinvest nalang at magtatrabaho muna. 3rd year college naman na daw siya. Papatapusin niya daw muna ako, dahil hindi namin kakayanin kung dalawa kaming nag-aaral. mamamatay kami sa gutom. Tinanaw kong utang na loob ito kay Kuya. Sabi pa niya noon, kaya niya akong buhayin kahit wala si Papa. Natawa nga ako. Eh yung perang ginamit niya, kay Papa galing, 'di ba?
Kamakailan ko lang rin nalaman na galit pala si Kuya kay Papa. Alam daw kasi ni Kuya na may babae si Papa.
Nasaktan ako ng malaman ko 'yon. Pero gusto ko nalang magpasalamat sakanya. Kasi wala naman na akong magagawa eh, tapos na. Nangyari na. Iniwan na niya kami.
Gusto kong magpasalamat kay papa pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko na siya makontak, siguro nagiba na ng number tapos deactivate na yung acct niya sa facebook. Pero ibig sabihin, may pake parin siya, sa aming mga anak niya. Pero hindi siya pumunta sa libing ni Mama. Maski sa burol, wala ni anino niya. Nakaramdam ako ng kaunting galit para sakanya. Asawa parin naman niya 'yon pero ba't di niya nadalaw.
Pero tapos na 'yon. Ayoko ng balikan pa. Sobrang sakit bilang anak na ganon ang sapitin ng mga magulang ko.
Nagpunas ako ng pawis sa noo gamit ang puting bimpo sa balikat ko. Kanina pa ko naglilinis pero hindi parin ako tapos.
Anong oras na ba?Sumilip ako sa Wall Clock. 10:30 na ng umaga.
Mamayang alas dose pupunta pa ako sa school ko para kunin ang bago kong uniform. Dami kasing alam may papalit palit pa ng uniform.
"Hayyy! Tapos na rin!" sabi ko makalipas ang ilang oras na paglilinis habang umuupo sa sofa.
Nagpahinga muna ako saglit bago pumasok sa banyo.
"Aish! Wala pala akong shampoo!" inis kong sabi. Kumuha ako ng six pesos sa altar at lumabas para bumili ng shampoo sa tindahan sa tapat ng bahay.
"Pabili nga po" magalang ko sabi sa tindera. Nakakaloka sa tindahan niya ang daming tambay. Naka simpleng short at sando lang ako. Nakakahiya.
"Ano 'yon iha?" tanong niya.
"Panteen po, Isa."
Binigay niya naman agad sa akin tapos ibibigay na rin sana sakanya yung bayad ng biglang nahulog yung piso.
Dadamputin ko na sana, nang damputin ito ng lalaking naka cap sa tabi ko. Kala ko aangkinin niya pero binigay niya sa akin. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Thankyou, Kuya" sabi ko nalang sabay abot ng piso sa tindera.
"Kuya. Tsk" rinig kong bulong nung naka-cap.
"Po?" tanong ko hindi ko rin kasi ako sure sa narinig ko. Hindi ito sumagot. Nakaupo lang ito at nakayuko habang nagcecellphone.
Hindi ko na lang pinansin at nilisan na yung tindahan. Naligo na ko agad. Nanglalagkit na ko eh.
BINABASA MO ANG
Poor Kid Lover
HumorIsang babaeng mayaman noon na naging mahirap ngayon dahil sa kagagawan ng kanyang mga magulang. At mahirap para sakanya 'yon. Pero pinanganak siyang masayahin at may matatag na kalooban kaya, parang wala lang sakanya ang nanyari makalipas ang ilang...