WATCH THE TRAILER!!
👇👇👇👇
Ako si Shana Hanna Aira Marie Yuzon. Sham for short.
Isang ordinaryong babae, na nangarap maging isang published author, balang araw. Buhay ko na ang pagsusulat ng mga romantic novels. Isa kasi akong hopeless romantic. Sa real world kasi, bokya ako pagdating sa love.
Isang araw. Isang maliit na notebook ang ipinagkaluob sa akin ng isang misteryosong manghuhula.
"Mamayang alas-dose nang hating gabi. Isulat mo sa notebook na iyan ang isa mong kahilingan. Isang hiling lang ang dapat mong isulat, kasama ang pirma mo sa baba. At matutupad iyon sa oras na makatulog ka na. Pero, bago mo isulat ang hiling mo. Kailangang isulat mo sa pinakaharap ang buo mong pangalan, edad, kasarian, birthday at status mo," sagot niya. Namangha ako, pero parang ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi niya?
"Totoo po ba ang mga sinasabi n'yo? Walang halong biro? As in joke?"
"Hindi ko ibibigay sa iyo ito. Kung nagsasabi ako ng kasinungaligan. Alam ko ang mga nasa loob mo. Naramdaman ko na agad iyon. Habang nakatanaw ka sa puwesto ko, kanina." Agad namang namilog ang mga mata ko sa mga sinabi niya.
"Ang creepy naman? E, may mga side effects po ba 'to? Mga churvalu? Gaya sa death note?" usisa ko pa.
"Basta, huwag mo lang hahayaang may makabasa ng sinulat mo. Dahil maaaring mawala na lang bigla ang bisa ng hiling mo," sagot niya. Napatitig naman ako sa notebook.
Sa araw na iyon, hindi ko inaasahan ang mangyayari sa akin. Nang dahil lang sa hiling ko, nabago ang mundo ko. Literal na nabago.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ng matanda sa akin. Habang nakaupo, kaharap siya.
"Shana Hanna Aira Marie Yuzon."
"Ilang taon na?"
"21."
"21? Pero, hindi ka naman mukhang 21? Pinaglololoko mo ba ako?!" Napakunot-noo naman ako sa kaniya.
"Mukha ba akong nagloloko, lolo?"
"Ano'ng tawag mo sa 'kin? Lolo?!" Agad naman niyang kinuha ang papel sa kaniyang harapan at nirolyo iyon at saka niya iyon ipinalo sa aking ulo.
"Aray!" daing ko, habang hinihimas ang ulo ko. Aba loko itong matandang 'to, a?!
"Sa eskuwelahang ito. Lahat ng estudyante ay nasa labing-pito hanggang labing-walang taong gulang lamang. Walang ganyang edad."
"E, ano'ng magagawa ninyo? 21 na talaga ako e?" katwiran ko naman.
"Ewan ko sa 'yo! Pumirma ka na lang dito. Tanda na ikaw ay isa ng opisyal na mag-aaral ng Shan Academy." Tiningnan ko namang mabuti ang papel na inabot niya sa akin. Inilapit ko pa nang mabuti ang mukha ko, dahil medyo hindi ko mabasa ang ilan sa mga nakasulat.
"Ano ho ito? Bakit, parang nakasulat sa salitang hapon, intsik, korean at iba pa. Wala ho akong maintindihan e. Tanging welcome to Shan Academy lang naintindihan ko."
"Basta! Pumirma ka na lang. Hindi mo naman ikamamatay iyan e!" Oo nga pala, marami silang alam na lengguwahe. Ang hirap talaga kapag wala kang alam na ibang lengguwahe. E, ang alam ko lang naman kasi ay mga salitang, nihao, annyeong, kawaii. Basta mga gano'n.
"Ito na po!" Sabay abot sa kaniya ng papel, matapos ko iyong mapirmahan.
"Sandali lang po! Puwede bang sa section nila manyak, ay este! Kaizen Shadowalker ako pumasok?"
"Sige, maari ka roon. May bakante pa naman." Napangit naman ako at saka nagpasalamat sa kaniya.
"Alam mo na ba ang palatuntunin ng eskuwelang ito?" seryosong tanong naman niya.
"Hindi pa ho."
"Kung gano'n. Ito ang kailangan mong malaman. Ang Shan Academy ay para sa mabubuting estudyante lamang, na mayroong kakaibang kapangyarihan. Sa madaling salita, mga hinsei. Ang paaralang ito ay may layuning mapalakas pa ang natatanging kapangyarihan, nang bawat hinsei. Upang maging isa kang malakas na hinsei, mag-aaral ang bawat estudyante nang mahigit isang taon. At kailangang makapasa sa tinatawag na pagsusulit. Magaganap iyon tuwing sasapit ang pagtatapos ninyo. At kapag nakapasa ka. Kailangan mong kumontrata sa isang, Hira. Na siyang magiging panginoon ng iyong kapangyarihan. Ang magmumula upang hirangin kang isang, Hinsei master. Naiintindihan mo ba?" Mahaba nitong salaysay.
"Opo!" agad kong sagot. Mukhang ang hirap naman yata nito? Sana lang ay kayanin ko.
"Mabuti. Maari ka nang makaalis," saad nito. Gano'n lang 'yon? Akala ko naman may entrance exam pa.
"Wala ho ba akong uniform?"
"Oo nga pala, ayan! Nasa gilid mo. Kumuha ka na lang." Agad naman akong nagtungo roon upang kumuha nang magiging uniform ko.
"Wala na ho bang, kailangang gawin?" tanong ko pa.
"Dorm key mo pala!" sambit nito at saka inabot sa akin ang susi.
"Salamat po. Tutuloy na po ako," sambit ko at saka ako tumayo palabas.
"Sandali lamang!" Natigilan naman ako. Ano ba namang matandang 'to? Paisa-isa!
"Bakit po?" casual kong tanong.
"Mag-iingat ka. Nawa'y makapasa ka!"
At doon na nagsimula ang adventure ko. Sa mundo, kung saan ay malayong-malayo sa pinagmulan ko. Ang mundo na pinamumugaran ng mga extraordinary people.
-----------------
❝School for Peculiars❞Copyright © 2018 by
Kuro_Ishi_27-----------
This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblence to real person, living or dead or actual event is purely coincidental.
All right reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
PLEASE! DON'T PLAGIARIZE THIS.
I MADE THIS STORY WITH MY OWN HEART, OWN IMAGINATION AND MY EFFORT IN TYPING.. THANK YOU, BOW
P L A G I A R I S M I S A C R I M E!PS: Sana suportahan niyo rin 'to gaya ng pagsuporta ninyo sa iba kong stories :)
APPRECIATE MORE
COMPLAIN LESS
BINABASA MO ANG
School for Peculiars (ON-GOING)
FantasyShe is Shana Hanna Aira Marie Yuzon. An ordinary woman, with an ordinary life. Gusto lang niyang magsulat at magsulat nang kuwento at maging isang published author balang araw. Pero, mababago ang kapalaran niya nang dahil sa isang hiling. Hiling n...