PINAGPAPAWISAN na naman ako ng malagkit. Halos nanginginig na rin ang mga tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Sino ang nilalang na 'to?!" tanong niya kay manyak, habang nakatitig sa akin. Hindi ko rin naman mai-alis ang tingin ko sa kaniya. Dahil sa nakakaagaw pansin niyang itsura. Ang mga mata niya'y parang nanlalamig na yelo. Ang buhok naman niya'y blonde. Ang ilong niya'y matangos at may kutis porselana pa! Pak na pak!
"Siguro naman, hindi ninyo ako ilalaglag 'no? Ang totoo niyan. Hindi siya taga rito." Bigla namang nabaling ang atensyon nilang lahat sa kaniya.
"Hindi siya taga rito? Kung ganoon, saan siya nagmula?" takang tanong naman nung matangkad.
"Nagmula ako sa mundo ng mga mortal," sabat ko sa kanila. Agad naman silang napatingin sa akin.
"Isa kang mortal? Pero, paano nangyaring may mortal na nakapasok dito?" hindi makapaniwalang tanong naman nung medyo maliit nilang kasama.
"Hindi ko rin nga alam kung paano nakarating dito ang babaeng 'yan!" Pinanlisikan ko naman ng mga mata si manyak.
"Kaya pala, sa itsura pa lang niya. Malalaman mo ng hindi siya isang hinsei," sabi naman ni kuyang matangkad.
"Huwag kayong makasiguro. Dahil baka, ispisya siya ng Xieede academy!" giit nito sa akin kasabay ang pamatay nitong mga tingin, na nagbigay kilabot naman sa buo kong katawan.
"Oy! grabe ka naman kuya! Hindi naman ako ispiya e!" kunot-noo ko namang depensa sa kaniya.
"Oo nga naman, Ice!" Ikinatuwa ko naman ang pagpanig nila sa akin. Maliban lang dito sa tinatawag nilang, Ice.
"Ako ang bahala. Sagot ko siya," pagyayabang naman ni manyak. Matagal, bago umiimik ito sa amin. Kita ko naman ang pagdadalawang isip nito.
"Sige, basta siguraduhin n'yo lang na hindi mapapahamak ang grupo natin." Ramdam ko naman ang biglang pagbabago ng mood niya. Natigilan naman ako dahil sa itsura nitong mapang-akit. Isama mo pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko, nang tingnan niya pa ako. Shet! Ito na ba ang tinatawag nilang love at first sight?!
BINABASA MO ANG
School for Peculiars (ON-GOING)
FantasyShe is Shana Hanna Aira Marie Yuzon. An ordinary woman, with an ordinary life. Gusto lang niyang magsulat at magsulat nang kuwento at maging isang published author balang araw. Pero, mababago ang kapalaran niya nang dahil sa isang hiling. Hiling n...