Chapter 6: Embarrasing Incident

60 7 1
                                    

MATAPOS ang kakaibang nangyari sa akin sa classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATAPOS ang kakaibang nangyari sa akin sa classroom. Para bang hindi na ako mapakali, kung anu-ano na lang kasi ang nasa isip ko. Hindi pa rin mawawala ang babalang iyon sa akin. Sino naman kaya ang nasa likod ng boses na iyon? At bakit parang galit na galit? Gusto manakit?

          Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagtungo
na agad ako sa dorm ni manyak, para magtanong tungkol doon. Baka may nalalaman siya.

          “Kaizen? Yuuhoo!” pagtatawag ko kay manyak, nang makarating ako sa dorm niya. Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ay bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang half naked nitong katawan. Mga ilang segundo akong natulala, ngunit agad ko ring tinakpan ang aking mga mata dahil sa hiyang bumabalot sa akin. Pero ikinagulat ko ang biglaan nitong paghawak sa braso ko at saka niya ako hinila papasok.

            “Ano bang kailangan mo? Hindi mo ba alam na bawal ang gumala-gala ng ganitong oras? Kapag nahuli ka, ano na lang ang sasabihin mo? Tiyak wala ka na ilulusot pa!” sermon nito sa akin.

            “Ang aga pa nga, a? alas-tres pa nga lang ng hapon,” katwiran ko naman sa kaniya. Napa face-palm na lang ito sa akin.

            “Nakalimutan ko nga rin pala sabihin sa iyo, na bawal gumala ng ganitong oras. Dapat nasa dorm ka lang hanggat wala pang ala-singko.”

            “Ano ‘yon? Dalawang oras akong nakanganga sa dorm ko, gano'n?!”

           “Wala tayong magagawa, rules are rules.” Napabuga na lamang ako ng hangin. Grabe naman pala rito?

           “Ano nga pala 'yong itatanong mo? At nang iistorbo ka pa?” dugtong naman niya. Agad naman akong napa upo sa kaniyang malambot na sofa.

           “Itatanong ko sana iyong tungkol sa nangyari sa akin. May bigla na lang kasing nagsalita sa isipan ko. Binantaan pa niya ako.”

           “Tungkol naman saan? Ano’ng sinabi?” Napahinto naman ako at agad napa-isip kung ano ang sasabihin ko. Ayokong malaman niya na tungkol iyon kay Ice.

          “So, tungkol pala kay Ice!” Nabigla naman ako sa kaniya. Patay, nababasa nga pala nito isip ko. Ba't ko ba laging nakakalimutan 'yon?!

          “Hindi ka pa rin talaga sanay 'no?” sabi pa niya, habang tinitingnan ako ng seryoso.

           “E, ngayong alam mo na. Tungkol nga kay Ice!” nahihiya kong sabi.

            “Ano bang meron kay Ice? May gusto ka ba sa kaniya? Kaya nagkakaganyan ka?” Seryosong tanong nito. Namula naman ako sa tanong niya.

              “Oo na! May gusto ako sa kaniya, may masama ba doon?!” Hindi ko alam kung bakit, bigla na lang ako napaamin sa kaniya. Feeling ko sa mga oras na iyon katapusan ko na, dahil inamin ko kay manyak iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School for Peculiars (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon