“SINO ka?!”
Pinanlisikan niya ako ng mga mata niyang, nagbigay naman ng kilabot sa buo kong katawan. Hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko. Para bang nabaon sa lupa. Kaya’t hindi ako makagalaw.
“Tinatanong kita? Sino ka?!” lalo naman akong natakot sa kaniya. Para siyang kakain ng tao, dahil sa magkasalubong nitong mga kilay.
“K-Kasi naliligaw ako. Magtatanong lang sana ako, kung saan ang daan pabalik sa Shan Academy?” utal at kinakabahan kong sagot sa kaniya. Napansin ko naman ang pagbilog ng kaniyang mga mata.
“Taga Shan Academy ka?!”
Tumango lang ako sa kaniya. Mukhang lalong nagalit ito, nang malamang taga Shan Academy ako. Lumapit siya sa akin, at ikinagulat ko na lang nang mariin niyang hinawakan ang aking kuwelyo.
“Ano’ng karapatan mong pumunta sa teritoryo ko?!” para itong dragon at anumang oras ay bubugahan na ako ng apoy sa aking mukha.
“Teka! Hindi ako makahinga!” usal ko at saka ko siya naitulak.
“H-Hindi ko naman sinasadyang mapadpad sa teritoryo mo! Naligaw lang kasi ako at napalayo sa mga kasama ko. ‘yon lang ‘yon! Kaya huwag mo akong sigawan!” Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na rin siya. Sino ba siya sa inaakala niya, para basta na lang siyang magalit sa akin?!
Sandali naman kaming natigilan, nang makarinig kami nang tunog mula sa aming likuran. Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko, dahil hindi na naman maganda ang pakiramdam ko rito.
“Wala akong pakialam, umalis ka na ngayon! Kung ayaw mong kainin ka ng mga ligaw na Tora!” sabi naman nito at akmang iiwan na nga ako.
“Sandali! E, hindi ko nga alam ang daan pabalik!” Lalapitan ko na sana siya nang may bigla na lang sumulpot ang isang higanteng tigreng parang sabik sa laman ng tao at saka siya nito inatake.
Para naman akong yelong nanigas na lang dahil sa nakikita ko ngayon. Napalunok ako at napa-atras ng bahagya. Tatakbo na sana ako, nang makitang mas naging agresibo ito at nadaganan na niya ang lalaki. Ibinuka naman nito ang kaniyang bunganga at pilit iyon inilalapit sa mukha ng lalaki.
Hindi ko naman matiis na hindi tulungan ito, kahit na hindi maganda ang naging trato niya sa akin kanina. Dali-dali kong pinulot ang isang malaking kahoy na nakita ko sa aking kinatatayuan at walang pag-aalinlangan na sinugod ito at pinalo ang mabangis na hayop na iyon. Napunta naman ngayon ang atensyon nito sa akin, kaya sa takot ay nabiwatan ko ang kahoy na hawak ko.
Unti-unti itong lumalapit sa akin, hanggang sa bigla na nito akong sinugod. Hindi ko naman alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon. Binalak kong iwasan ito, ngunit bigla na lang may kung anong kumapit sa mga paa ko na nagmula sa lupa. Kaya’t hindi na ako nakagalaw pa. Sa isip-isip ko ay, dito na ba matatapos ang aking buhay? Ang bata ko pa, para matigok nang maaga. At hindi sa ganitong paraan. Jusko naman!
BINABASA MO ANG
School for Peculiars (ON-GOING)
FantasíaShe is Shana Hanna Aira Marie Yuzon. An ordinary woman, with an ordinary life. Gusto lang niyang magsulat at magsulat nang kuwento at maging isang published author balang araw. Pero, mababago ang kapalaran niya nang dahil sa isang hiling. Hiling n...