36

3K 54 1
                                    


Still jasper's pov.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko at dali dali siyang isinandal sa pader at kinuwelyuhan.

"T@ngina mo alex! Nasa ganong kalagayan na siya pero gusto mo paring mauna siyang pumunta sa detention?!" Sugaw kong sabi sakaniya at sinutok siya.

"Bakit ikaw?! Anong ginawa mo nung nag umpisa sila ng away?! Diba wala rin?!"

"Nakita mo ba yung mukha niya hah?! taena alex! Nakita kita kanina sa labas ng office mo at alam kong natakot ka rin sa inasta niya!" Sigaw ko uli sakaniya. Sa puntong ito hindi na siya nakaimik pa at Yumuko nalang.

"Ang gago mo alex. Ang gago mo." Sabi ko at lumabas.

"Pagkalabas ko ay satyhan namang nakita ko si mitch akay akay ng kaibigan niya. Nang makita niya ako ay sinubukan niya akong kausapin pero nilagpasan ko na siya at bumalik na sa room.

Alam kong nagpigil pa kanina si riela. Kanina nung nakita ko kung paano siya tumitig ay ako na walang kinatatakutan ay biglang nangilabot sa presensya niya kanina.

Riela's Pov.

Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay namamanhid ang katawan ko pero umaakto lang ako ng normal ang lahat. dalawang araw narin ang lumipas simula nung gulo na nangyari samin ni ate. And si ate??? Ayun suspended ng 3tatlong araw dahil una ay siya ang nagsimula. Pangalawa she use two deadly weapon dahil yung cutter na gamit niya mejo makalawang na. mabuti na nga lang at hindi ako natetano eh kundi patay na ako haha. And lastly for hurting the fiancee kuno ng may ari ng school nato.
Sus nga kaekekan nila. Pero atleast sa loob ng dalawang araw payapa ang buhay ko. Si jett at lexie?? Pinapansin ko naman sila pero ilap parin ako sakanila dahil hindi pa sila nag sosorry at nag eexplain sa bakit hindi nila pagbisita sakin. Antagal ng tampo ko no? Umasa kasi ako na sila ang laging bibisita sakin dahil mejo kilala na nila ako pero hindi ko alam na mas pagtutuunan pa ako ng oras ng taong kakakilala ko lang.

Anyway highway nandito ako sa bahay nina jasper at sa kwartong tinutuluyan ko..

"Riela iha halika na at kakain na tayo." Sabi ni tita kaya naman bumaba na ako.

Hindi naman sa donya ako rito ha. Kahapon ko pa gustong tumulong sakanila sa mga ginagawa rito pero pinagbabawalan nila ako. Dati pag sinabi ko sa mga kasambahay dito na tutulong ako papayag sila at lilipat sa iba nilang ginagawa perokahapon at ngayon?! Halos hindi nila ako pinapayagan kahit magwalis o mag punas ng plato man lang .

pagkababa ko ay nakita ko na silang nasa kanya kanya nilang upuan.

"Tita ?? Asan po yung kambal??"

"Bumisita na nuna sa tita nila iha " sabi ni tita kaya ipinag patuloy ko na ang pagkain ko.

"Iha??"

"Po?" Tanong ko. Mejo kinakabahan nadin ako sa mga tingin nila .

"Saan mo nakuha yung dalawang dagger at yung lalagyan nito?" Tanong ni tito

"S-sa li-likod po ng l-library." Ghhadd! Kinakabahan ako!

"Dun ba sa shelf iha?"

"Opo. Pero hindi ko naman po sadya yun eh nadulas po ako at biglang natulak yung gilid ng shelf kaya naman po nacurious ako at binuksan yun." Sabi ko habang nakayuko

"Wala kana bang nakita bukod don?"

"Meron pa po, may mga dagger rin po dun sa pinakababang bahagi ng bukas na cabinet at sa pangatlong pinakataas ay maraming shurikens. " sabi ko at nakayuko parin.

Narinig ko ang pag hinga nila ng malalim

"Riela iha. Iyo na ang dalawang dagger na nakuha mo."

"Waaah sorry po talaga hindi ko naman po kasi sadya yu--- teka ano po?? Akin na yung dalawang dagger na nakuha ko?" Tanong ko.

"Oo at kung maaari sana ay ingatan mo ito at wag hahayaang mawala. " sabi ni tito.

"Makakaasa po kayo tito. Tita" sabi ko habang nakangiti.

"Pero, iha wag kana ulit papasok roon ha?"

"Opo sa library lang po ako at hindi na ako totopakin ng pagka curious ko ." Sabi ko na ikinatawa nila.

Naunang matapos sina tito at tita pagkatapos at si ate jessica naiwan kami ritong dalawa ni jasper.

"Jas?? Gala tayo please." Sabi ko.
"Riela."

"Okay sige sabi ko nga bawal hehe." Sabi ko at inilagay na ang plato ko sa marumi.

umakyat na ako sa kwarto at humiga. Nakakaboring naman ehh. Isa pa tapos ko na rin lahat ng mga assingments ko Kaya boring. Lalo na ngayon na hindi ako pwedeng tumulong sa mga gawaing bahay!

Ahhhhhh!!! Ikamamatay ko ata ang pagkainip dito!

"Riela?" Nakarinig ako ng katok at tawag sa pangaln ko. Kasabay nun ay ang pag bukas ng pinto kaya naman napaayos ako ng upo

"Bakit??" Tanong ko kay jasper.

"10 minutes."

"Anong 10 minutes??"

"After that 10 minutes at hindi kapa nakabihis. Sorry but were not going out." sabi niya at lumabas teka ano raw??

"Time is running riela!!" Rinig kong sigaw niya sa labas.

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo halos madapa ako papunta sa banyo.

Pinili kong maghilamos nalang dahil pag naligo ako ay lalong maubusan ako ng oras. Pagkatapos ko ay kumuha na ako ng damit.

Ripped jeans ang sinuot ko sa pangbaba at croptop with longsleeve na see through sa likod. nag rubber shoes nalang din ako.

"riela! 30 seconds!" Sabi niya agad naman akong lumabas at bumaba.

"Im here!" Hingal na sabi ko.

"Tsk. Hindi kapa nakapag suklay. " sabi niya.

"Syempre mauubusan ako ng oras" sabi ko na ikinatawa niya.

"Here" he said at may inabot na suklay.

Kinuha ko naman yun at nagsuklay. Dumiretso na kami sa garahe nila. Kumuha siya ng susi at ni unlock na yung kotse.

"Ready na ba kayo?" Nagulat ako ng marinig ko yung boses na yun.

yung malamig at napaka lalaking boses halos tumayo lahat ng balahibo ko ng makita ko siya.

"Teka jas, sasama siya?"

"Yes." Sagot niya at nauna na samin pumasok sa kotse.

**********
Thankyou for waiting. Sorry mejo natagalan ahaha im reading Hell Univ. By kuya kib. Hehe plug narin. Ganda nung story eh*^▁^*

-lovelots!:*

My Fiance Is The Mafia Boss.Where stories live. Discover now