44

2.9K 66 3
                                    


"Sis! Dali na! Light make up lang okay?? Ako naman ang make up artist mo eh wala kabang tiwala??" sabi niya.

Intrams na namin ngayon and lahat ng kandidato nakabihis at nakahanda na ako nalang talaga yung hindi.

"Hindi naman sa ganon lexie. Alam mo naman na pawisan ako, baka kumalat lang." Sabi ko sakaniya.

"Sis, water resistance lahat ng cosmetics ko." Sabi niya na may halong pag kairita at hinarap na ako sa kanya.

Sinunod ko nalang lahat ng sinasabi niya. Kung pinapapikit niya ako ay pipikit,harap sa left harap sa right, up down.

"Ayan! Lahat nfg tinuro ko sayo ha?? alway chin up, chest in and butt's out.

"Dapat ata ikaw nalang yung sumali eh." Sabi ko.

"Ayoko nga gusto kong contest yung mala pang ms. Worl. Mga ganon!" Sabi niya habang tinutulungan ako sa damit ko.

"Sis, lakasan mo ang loob mo ha?? Gusto ko ikaw ang manalo. Hindi judge si kuya dahil ayaw niya. dahil alam naman nating ikaw ang iboboto niya. Sis, galingan mo ha. Nasa harap lang kami sa likod ng judges. Susuportahan ka namin." Seryosong sabi niya.

"Thankyou sis." Sabi ko habang yakap yakap ko siya.

"Okay candidates ready na?? Mag uumpisa na ang contest!" Sigaw ng babalaking pumapalakpak.

"Goodluck number 2. kuya is watching you." Sabi niya at lumabas na.

Nagawa ko namang rumampa sa harap ng maraming tao dito, at ngayon inaayos na ni lexie yung damit ko dahil mag peperform na kami.

"Okay galingan mo ha. Sa labas na ako." Sabi ni lexie

"Hey." Napatingin naman ako sa gilid ko. Si jasper.

"Late ka." Sabi ko sakaniya at inalis ang tingin sakaniya.

"Sorry. May inasikaso pa kase ako." Sabi niya.

Napatango nalang ako at humarap sa salamin.

"Tara na. Tayo na ang susunod" sabi niya at nilahad yung kamay niya. Ngumiti maman ako at tumayo na.

Pumunta na ako sa harap ng piano at siya naman kinuha yung gitara.

"Mic test mic test." Sabi ko na nakapag patawa sa lahat.

Pareho kaming kakanta ni jasper. Well yung kanta?? Kaya naman niya mas magaling pa nga ata siya sakin eh.

Tumingin ako sa kaniya at ganun din ang ginawa niya. Tumango ako na naging hudyat ng pag umpisa mg pagtugtog namin.

"Kung ito man ang huling awiting aawitin, nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko., at kung may huling sasabihin,nais kng sambitin nilagyan mo ng kulay ang mundo, kasama kitang lumuha,dahil sayo akoy may pag asa ahh.
Ang awiting ito'y para sayo at kung maubos ang tinig di mag sisisi dahil iyong narinig mula sa labi ko, salamat, salamat ahh yeah"

Yung mundo ko dati sa pamilyang kinalakihan ko madilim ,pero salamat kay jasper at sa pamilya niya hindi tuluyang maitin ang paligid dahil binigyan nila ako ng  kakaunting liwanag at pag asa.

Nang dumating si jett nabuhayan na ako tinuruan niya ako kung pano lumaban kung paano tumayo kahit bumababa kana.

Si lexie, hindi ko alam kung may ate ako po nakakabatang kapatid dahil minsan napakakulit niya minsan seryoso, minsan nakakairita pero napapatawa ka.

Yung mga tatlong engot napapasaya ka.

"Sana'y iyong marinig tibok ng damdamin ikaw ay mahalaga saakin ang awitin ko'y iyong dinggin, at kung marinig ang panalangin lagi kang naroroon humihiling ng pagkakataon, masabi ko sa iyo ng harapan kung gaano kita kaylangan ahh.

Ang awiting ito'y para sa iyo at kung maubos ang tinig 'di mag sisisi dahil iyong narinig mula sa labi ko salamat, salamat, ahh yeah." Jasper.

"Ito na ang pagkakataon. Walang masasayang na panahon mananatili ka sa puso ko kailanman!" Jasper

"Para sayo ako'y lalaban, AKO'Y LALABAN"

"ANG AWITING ITO'Y PARA SAYO AT KUNG MAUBOS ANG TINIG ' DI MAGSISISI DAHIL IYONG NARINIG MULA SA LABI KO, SALAMAT, SALAMAT" sabay na kanta namin.

pagkatapos ng pagtugtog ko ay pumunta agad ako sa likod ni jasper at yumakap. Naiiyak ako.

Naramdaman kong nag bow ng kaunti si jasper at tumalikod na.

Pagkarating namin sa likod agad niya akong pinaharap sakaniya.

"Huy?? Yung make up mo magugulo, may Q&A pa na magaganap." Sabi niya habang pinupunasan yung luha ko.

"Sis! Anong nangyare???" Napatingin naman kami kay lexie na tumatakbo.

napahiwalay ako ng yakap kay jas at yumakap ako sakaniya.

"salamat sis. Sainyong lahat na pinapasaya ako." Sabi ko.

"Shh. sis hindi porke't sinabi kong waterresistance yang make up na ibinigay ko sayo iiyak kana ng ganyan hayy nako." Sabi niya habang pinupunasan yung luha ko sa mukha.

"Ku- kumalat ba?? " alalang tanong ko.

"Hindi naman pero ireretouch kita." Sabi niya

"Okay sis yung isang cocktail dress ang isuot mo ha yung pink. Okay?? Titignan ko lang si jasper sa kabilang kwarto at pupunta na ako sa harap" sabi niya kaya tumango ako.

napatingin naman ako sa mga kasama ko rito kanya kanyamg bihis na sila at pag handa. feeling lo hindi ako papasa sa q&a dito.

Pagkatapos kong magbihis ay umupo muna ako. Kinakabahan ako dahil hindi kami sabay ni jasper sa pagpunta sa stage.

"Aray" nasabi ko nang may maramdaman nanaman akong tumusok sa kaliwang braso ko. 

Tumingin ako sa paligid para tignan kung sino pero wala namang ibang tao dito kundi yung mga ka kandidato rin na busy sa pag hahanda.

"Okay. Ms. Riela ikaw ang una galingan mo hah. good luck. " sabi ng mc.

Ngumiti lang ako sakaniya at hinintay na ang tanong niya.

"sa buhay puno ng kwento, masaya at malungkot, karugtong nitoy pagsubok na may halong poot, problema'y darating malalampasan rin." Sabi niya.

"TEKA! ASAN YUNG TANONG?!"
"ANONG SASAGUTIN DON??"  Karamihan sa mga tao rito yan ang tanong. Napatingin ako sa pinto ng stadium at nakita ko si jett at yung tatlo. Napatingin rin ako sa gawi ni lexie na nakatingin sakin habang nakangiti.

"Walang tanong? wala dapat itong sagot. Ngunit kung uunawain mo bawat salita maiintindihan mo, wala itong karugtong na tanong ngunit mayroon itong karugtong na sagot. Thrill. Yan Ang Unang pumasok sa isip ko ng marinig ko ang salitang pagsubok. Bakit? Dahil sa pagsubok minsan nakakaramdam ka ng excite, masasabi mo agad basic. Pero nang nasa kalagitnaan kana nakaramdam kana ng pleasure, yung problema bumigat. Pero sabi nga diba problema'y darating malalampasan rin. Huwag mong takasan yang problema mo ngayon dahil kapag tinakasan mo yan oo mawawala pero saglit lang at sa oras na bumalik yon? malamang triple na ang bigat. Habang maaga lutasin mo na upang sa hinaharap wala kanang pinoproblema." Mahabang lintanya ko.

Narinig ko yung pag sigaw nila at pag tawag sa pangalan ko. Pumunta na ako sa likod at tumayo don.

"Nice wisdom ms riela. Okay lets draw again." Sabi niya

Naramdaman ko na naman na may tumutusok sa braso ko.  Omy wag ngayon riela.

Natapos na lahat ng contestant sa pag sagot pero wala akong maintindihan isa lang ang naiintindihan ko ngayon. Any moment pwede akong mag collapse sa sahig hilong hilo ak--

"SIS!!"
"RIELA!!!"
"OMG!!"

"JUST CONTINUE THIS DAMN THING I CAN HANDLE HER."

-**********

My Fiance Is The Mafia Boss.Where stories live. Discover now