45

2.8K 76 18
                                    


[riela]

"Bakit hindi niyo siya tanungin kung anong nangyayari sakaniya??" (Jacob)

"Kaming tatlo nina taki hindi kaya, hindi kami kailanman napagsasabihan ni riela." (Mir)

"Yun bang nangyayare sakin?" Hinang tanong ko sakanila at dahan dahang umupo.

Agad silang napatingin sakin. Unang lumapit sakin si lexie sunod non si jett yung tatlo nakatingin lang sakin.

"Oo sis anong nangyayare sayo??" Tanong niya sakin.

"Tusok. Nung nasa locker ako at inaaya ng umuwi dun nag simula." Sabi ko.

"Ano yung tumutusok sayo??" Tanong ni jacob.

"Hindi ko alam. Nakakaramdam lang ako, pagtingin ko wala naman akong nakikita." Sabi ko na ikinatahimik nila.

Lumabas na yung apat at naiwan sa tabi ko si lexie.

"Sis, babalik na ako sa america." Sabi niya.

"Ha-hah??"

"Pe-pero bakit??"

"I just really visited you and kuya, that's why im here." Sabi niya sakin.

"pero enrolled kapa sa school." Sabi ko.

"Im not. Kuya is the owner of the school thats why." Sabi niya.

"Iiwan moko??" Malungkot na tanong ko sakaniya.

"Its not that riela, im doing it because of something else."

"Eh ano yung something else nayun??"

"just accept that im leaving, its not like im going to die." Iritang sabi niya sakin.

Tinitigan ko nalang siya at nanahimik, naiirita siya sakin. Hindi naman dati eh. Ako yung laging naiirita sakaniya dati eh.

"Okay." Nasabi ko nalang at humiga na, tumalikod ako sakaniya at kunwaring pinikit  ang mata ko.

Narinig ko nalang ang yabag ng paa at pagsarado ng pinto.

No one stay still.










"Riela! Dito!" napatingin ako kay jasper na sumisigaw mula sa canteen.

Nginitian ko lang siya at bumili na ako ng lunch meal saka lumabas.

Pumunta ako sa rooftop at doon sa may bandang sulok umupo.

Nagsimula na akong kumain at pinakiramdaman ang simoy ng hangin.

4 months haved passed since the day na umalis ng bansa si lexie.

Sa loob ng 4 months iniwasan ko na sina jett at yung tatlo pati na si jasper.

Pagkatapos kong ma ospital nun nang hindi alam kung anong nangyayare sakin umiwas na ako sakanila.

Sa ngayon mag isa na akong namumuhay may maliit na apartment na akong tinutuluyan at the same time may trabaho na ako, bilang call center agent sa gabi and after classes may part time job ako sa isang coffee shop na ilang metro lang ang layo sa aprtment ko.

Pagkatapos kong kumain ay bumaba na ako.

"Oh, riela, may iniwan ka bang kalat sa taas??" Tanong sakin ng isa sa tagalinis ng skwela,

"Wala na po nay, masyado po kasing mataas ang aakyatin niyo kaya sa basurahan sa likod ng pintuan na yunnalang ako nagtatapon." Ngiting sabi ko sakaniya.

"Naku, sige iha, salamat." Sabi nito sakin. ngumiti lang ako at bumalik na sa classroom, nadatnan ko yung mga kaklase kong may kanya kanyang mundo. Umupo na ako sa upuan ko at nagbasa basa nalang.

"Riela, napaaga ka ata ngayon hah?" Tanong ng isa sa ka trabaho ko rito sa coffee shop.

"Dalawang subject ang vacant eh, kaya ginawa ko na lahat ng dapat gawin at saka dumiretso na ako rito." Sabi ko sakaniya.

Nang matapos akong magpalit ay lumabas na ako para mag trabaho.

Sakatunayan ayos sakin itong trabaho nato, nasusuwelduhan ka sa oras ng pag tatrabaho mo, at kung maraming oras ang napaglaanan mo rito ay ganun rin karami ang isusuweldo sa iyo.

Uh, hindi naman ganun ka rami pero madalas akong nakaka isang libo rito sa shop kaya ayos na rin.

"Here's your order sir, enjoy!" Masiglang bati ko sa lahat ng binibigyan ko ng order.

"Miss can i have some sugar??"

"Yes po, uhm wait lang po." Sabi ko at madaling kumuha ng asukal.

Isa rin sa gusto ko rito ay yung mga customer na yayamanin.

May iuutos lang sa iyo na kakarampot at madali bibigyan ka agad ng tip, ang masaya ay mabait rin yung boss namin.

"Bye bye! Kita ulit bukas!" pag papaalam ko sakanila at patakbong naghanap ng jeep,

"Manong sa tabi nalang po," sabi ko ng makarating ako.

Patakbo akong pumasok sa loob at sumakay ng elavator.

Sinuot ko na ang ID ko at saka nag ipit.

"Ang ating pinakabatang kapatid ay nandito na!" Natawa nalang ako sa bati saakin ni gelo o mas gustong tawagin ang sarili ay gela.

"Napakagandang bati naman mula sayo gela, ngunit salamat" sabi ko at nag bow ng parang prinsesa.

Natawa naman din siya at kumaway na.

"Your late Ms. Sandoval." malamig na sabi ng supervisor ko na nakapagpatigas sakin sa kinatatayuan ko.

"Ah, sir, maaga nga po akong nakarating ngay---"

"I texted you to come here around 6pm," sabi naman niya

Napatingin naman ako sa bag ko at pilit hinahanap ung cellphone ko.

"Ah, sir. naiwan ko po ata yung cellphone ko sa apartment ko?" Kinakabahang sabi ko sakaniya.

napatingin naman siya sa relo niya at umalis na, pabagsak niya pang isinara yung pintuan na nakapag patahimik sa lahat.

"Riela, pangalawang beses mo na yang napagalitan. Dalhin mo na sana sa susunod yung phone mo. " sabi sakin ni ella isa sa kasama ko rito.

Napatango nalang ako sakaniya at pumunta na sa lugar ko. Napapadalas narin yung pubta rito ng supervisor ko dahil sa mga kamalian ko. Hindi na ako magtataka kung sa susunod matatanggal na ako sa trabaho.

"Riela, huy gising!" Napamulat ako sa yumuyug yog sakin.

"riela, huy. Uwi kana kaya. Namumutla kana." Sabi ng katabi ko.

"Ah, ano, haha, pasensya na. Naku please wag mong sabihin to kay sir." Sabi ko sakaniya habang nag aayos.

Pinilit kong gumising at nilalabanan ang antok. Konting tiis lang riela. Malapit na ang out mo.

"riela ingat ka ha." Sabi sakin ni ella.

Ngimiti lang ako sakaniya at lumabas nasa office nayun. Sakto namang paglabas ko ay palabasnarin ang supervisor ko.  Napatingin naman siyasa gawi ko napayuko nalang ako at naglakad.

Pagkalabas ko sa building ay pumara agad ako ng taxi at sumakay na. Tae wrong timing wala ako cellphone.

"Sir, wait." Napatingin naman sa bintana ng dirver seat at biglang nagflash yung phone niya.
"now if anything happen to her i have your plate number at the same time, picture of your's" sabi niya at tunalikod na.

Kahit pala ang sungit sakin ni sir mabait parin siya.  Sa pag andar ng taxi, panatag na akong makakauwi.

---------

My Fiance Is The Mafia Boss.Where stories live. Discover now