Lee Ren???

112 12 3
                                    

Dianah's POV

Dahil sa bago ako sa school na ito nahirapan akong hanapin ang aking room
Kaya kailangan kong pumunta sa Guidance Office buti na lang may nakita akong isang matandang lalake na janitor
Lumapit ako sa kanya at nagtanong....

"Manong pwede bang magtanong?" Sabi ko sa kanya

"Sige ineng ano yun??"

"Alam nyo po ba kung saang floor ang Shakespeare??"

"Ay naku ineng pasensya ka na hindi ko masyadong saulo ang school na ito kasi 2weeks palang ako nagtatrabaho dito sa school... Sa Guidance Office ka nalang muna magtanong ineng"

"Ahhh.. Sige po... Pero Manong Saan po dito makikita ang Guidance Office nawawala po kasi ako eh bago lang po ako sa school na ito" Sabi ko kay manong

"Ahh... Ganun ba.. Sige samahan na lang kita para hindi ka na mahirapan sa paghahanap at tawagin mo nalang akong mang Eric"

"Naku maraming salamat po mang eric...ang pangalan ko nga po pala ay Dianah" Sabi ko kay mang eric

At sinamahan ako ni mang eric sa Guidance Office

"O Dianah nandito na tayo sa Guidance Office... Pumasok ka na sa loob at magtanong... O sige mauuna na akong umalis may kailangan pa akong gawin eh.. Bye ineng" Ang sabi ni mang eric

"Naku maraming salamat po sa tulong nyo mang eric... Paalam po sa muli po nating pagkikita"
At nakita kong umalis Mang eric at pumasok na ako sa loob ng Guidance Office

Pagpasok ko sa loob ay may nakita akong may edad na babae na nakaupo sa may table at may pinipirmahang mga papeles Lumapit ako sa kanya at nagtanong

"Ummm... Excuse me po pwede po bang magtanong"

"Yes ineng ano yun"

"Kasi po bago ako dito eh hindi ko po mahanap ang room ko dahil ang laki ng school na ito... Pwede po bang makita kung saan pong floor ang room ng G-10 Shakespeare??"

"Ahh... Pero ineng hindi ka na makakaabot sa first period nyo at malapit na rin magstart ang second period... dapat pumunta ka dito ng maaga para nalaman mo agad kung saan ang room mo transferee ka pa naman dito"

"Sorry po.... Nalate po kasi ako kanina... Nakakahiya nga po eh kasi po first day ko pa lang late na ako haysss..."

"Sige ineng alam ko na kung saang floor ang room mo..."

May kinuha siyang isang maliit na papel at may sinulat pagkatapos ay binigay niya sa akin tiningnan ko ang papel at nakasulat doon kung saan ang floor ang Shakespeare

"Sige ineng nandyan na ang information na kailangan mo.. Lumarga ka na"

"Sige po salamat po sa inyo... Aalis na po ako" At umalis na ako at tumungo na sa aking paroroonan

Hayst... Kailangan ko na talagang mahanap ang room ko kundi lagot ako... >.<

Tiningnan ko ang papel na binigay sa akin ng mabuting babae sa Guidance Office at binasa ang nakasulat... Ang nakasulat ay G10-Shakespeare, 4thFloor, first room to the left....

At tinungo ko iyon... Habang naglalakad na ako sa hagdan ng 4th floor ay may nakabunggo na naman ako

"Ahhhhh....." Napasigaw ako ng feeling ko ay unti unti akong nahuhulog pero may naramdaman akong may humawak ng baywang ko

"Umm... Are u Okay miss??" Tanong ni boy na nakasalo sa akin

Tumingin ako sa taong nakasalo sa akin at nagitla ako dahil pamilyar ang mukha niya sa akin

"Lee Ren ikaw ba yan??"

"Dianah??"
____________________________________
Hello my munchies
Pasensya na talaga kung sobrang natagalan ang pag uupdate ko sa story >.<

But then enjoy the story...
Abangan ang susunod na pangyayare... Byieee <3 <3

My Multi-Billionare NERD...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon