Against +IV+ Infestation

75 29 11
                                    

THANE



Ring... around... the... rosy,
Pocket... full of posies,
Ashes, ashes,
We... all fall... down.

Ring... around the rosy,
Pocket full... of posies,
Ashes, ashes,
We all... fall down.

Feel the lovely sunshine
Flowers all around
Hop a little hop right off the ground

Feel the lovely sunshine
Flowers all around
Jump a little jump right off the ground

Ring aro...und the rosy,
Pocket full... of posies,
Ashes, ashes,
We all... fall... down.

Ring around the rosy,
Pocket full of posies,
Ashes, ashes,
We all fall... down.

*laughing children*

Dahan-dahan kong ibinubukas ang aking mga mata. Pilit na gumigising sa aking mahabang pagkakatulog.

Ano iyong narinig ko?

Nakarinig ako ng tawa ng mga bata matapos iyong kinakanta nila. Alam ko iyong kinakanta nila. Ring Around The Rosy ang pamagat niyon. Ngunit, bakit iba ang pakiramdam ko sa kantang iyon? Higit sa lahat,

Nasaan ako?

                Dahan-dahan ay nakikita ko ang kisame ng kwartong ito. Puting puti at isang nakakasilaw na bilugang ilaw ang aking napapansin sa itaas. "Nasaan ako?" pagpupumilit kong pagtatanong. Wala akong natanggap na sagot.

May nararamdaman akong kakaiba sa kaliwang bahagi ng aking mukha. Isang napakabigat na pakiramdam na para bang may palad na nakadampi sa harapan ng aking mukha.

                 Hanggang sa tuluyan ko nang naibukas ang aking mga mata ngunit para bang nahihilo ang paningin ko. Nagiging dalawa ang paningin ko ngunit malinaw naman ang dating sa akin. Ibinaba ko ang aking tingin mula sa aking paligid. Di ko inaasahan ang aking makikita.

Tiyak kong nasa hospital ako dahil sa higaan na aking kinalalagyan. Pati narin ang mga upuang nasa gilid. Malamig ang buong paligid at tanging ang tunog ng medical ventilator ang aking nasasagap.

"Ahhh." pananakit ko nang sinubukan kong iupo ang aking posisyon. Napahawak ako sa aking ulo. Nagpasalamat ako nang wala akong mahawakang bandages. Nakakapagtaka. Bakit ako nandito kung wala naman akong nararamdamang sakit?

Teka, ano nga ba ang nangyari sakin?

Inaalala ko ang mga lahat ng nangyari sa akin bago ako mapunta sa lugar na ito. Sa sandaling maalala ko ang lahat, muli kong naramdaman ang pighati at pagluluksa. Mula nang makita ko ang isang lalaking taklob ang tindig sa isang mataong lugar hanggang sa makita ko ang naglalagablab na apoy sa itaas ng aming bakuran. Ngunit, Bakit si Ford ang una kong naalala? Anong meron sa kanya? Dahilan ba ito ng pagtataka ko sa kanyang mga kilos? O sa sobrang pagka-misteryoso ng lalaking yun? Hindi ko narin muli alam. Siguro nga'y panaginip lang ang lahat. Lasing ako nun at napaka-imposible lahat ng nasaksihan ko. Ngunit, Anong ginagawa ko sa lugar na ito? 


                Imbes na guluhin ko lamang ang isip ko ay inayon ko nalang ang aking sarili kung papaano makakalabas sa lugar na ito. Walang tao dito at tila nagiisa lamang ako. Napansin kong nakabukas ang pinto ngunit ang mga yapak ng mga tao ay hindi mo maririnig sa pasilyo.

A.N.T.I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon